Sabi nila pagkatapos daw ng isang matinding unos may sisilay na napakagandang bahaghari. Bahaghari na siyang pupukaw sa masasamang nangyari sa bawat isa. Dahil may panibagong pag asa ang bubukadkad.
Gaya ng bagyo na dumadaan sa buhay ng bawat isa, may panibagong araw ang sisikat at magbibigay ng pag asa. Pag asa na makabangon sa sakit, lungkot at pagdurusa na nararanasan nating lahat.
Sa totoo lang...
Masakit ang mawalan ng taong minamahal.
Masakit ang maiwan ng mag isa.
Masakit ang masabihan ng paalam na.
Pero ang masmasakit ay ang iwan ka niya ng panghabang buhay.
Kung nasan ka man ngayon. Lagi mung tatandaan. Mahal na mahal kita. Ikaw lamang at wala ng iba.
-unknown
------
"Hey!! San ka pupunta?"
"Jan lang"
"Saan yung jan lang na sinasabi mo?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Bat ba ang sungit mo ngayon?"
"Tsk"
"Naman eh. Ako ang mapapagalitan pag umalis ka."
"Pwede ba. Hayaan mo na muna ko."
"Wag ka na kasing umalis"
"Hayaan mo na siya Amanda"
"Eh malapit ng mag umpisa yung program."
"Babalik yan sa tamang oras"
"Oo nga! yan pa. Baka gusto lang niyang mapag isa ngayon. Alam mo naman di ba?"
"Tama. Kakabalik lang natin dito sa pinas kaya hayaan mo na siya."
"Ewan ko sa inyo, kinukunsinti kasi niyo eh."
"Hindi pangungunsinti yun. Ano bang masama kung gustong mapag isa ni Dale?"
"Teka may problema ba siya?"
"Ewan"
---
"Umiiyak ka ba?"
"Hindi ah"
"Muka mo! Umiiyak ka eh"
"Hindi nga"
"Nako, Tigilan mo ko jan sa drama mo"
"Hindi naman ako nagdradrama eh"
"Hindi?"
"Oo hindi"
"Hindi daw''
"Oo nga kasi"
"Tse.. sinong niloko mo?"
"Hindi nga kasi ako umiiyak. Napuwing lang ako"
"Dun ka sa presinto magpaliwanag wag sa akin."
"Bat ba kasi ayaw mung maniwala?"
"Namamaga yang mga mata mo tapos sasabihun mung di ka umiiyak?"
"Eh napuwing nga ako."
"Kung sila naloloko mo ako hindi."
"Ewan ko sayo. Tara nanga sa gym mamaya nag uumpisa na yung program eh"
"Tsk"
----
"San ka galing?"
"Jan lang nagpahangin"
"May problema ka ba?"
"Wala"
"Kayong dalawa tama na yan. Start na ng program kaya umayos kayong dalawa."
"Tsk"
----
"Buti nalang nakaabot tayo"
"Ano ba kasing meron dito sa gym at pinatawag pa ang lahat ng 4th year students?"
"Ewan ko. Baka may mahalaga silang sasabihin."
"Sabagay. Graduating na din kasi tayo eh."
"Oo nga eh"
"Tara upo na tayo dun oh may bakante pa."
"Sige"
---
"Teka! ano bang problema at bigla bigla kang lumabas ng gym?"
"Ang init kasi sa loob eh"
"Yun ba talaga ang dahilan?"
"Oo"
"Sigurado ka?"
"Oo nga kasi"
"May tinatago ka ba sa akin?"
"W-wala."
"Kilala mo ba sila?"
"Sino?"
"Yung mga pinakilala ni President."
"H-hindi."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Hmmm sige una na ko ha. Kita nalang tayo mamaya sa tambayan."
"Teka..."
"Bye"
---
Ang puso ba titibok sa taong nakalaan para sayo? Yun bang alam ng puso mo kung sino siya. Pero ang utak mo hindi siya makilala. - Unknown
Bakit kung kailan paunti unti ko na siyang nakakalimutan. Biglabigla kung makikitang ang napakaganda niyang muka? Sino ba talaga siya? - Unknown
May mga bagay man akung hindi maalala tungkol sa kanya, pero ang pagtibok ng puso ko ay tandang tanda kung gaano niya ito kayang pabilisin habang nakikita ko siya. - Unknown
Pinaglalaruan ba kami ng Tadhana? Kung Oo bakit? Bakit kaming dalawa pa? - Unknown
BINABASA MO ANG
Love Unselfishly
RomanceAng dalawang pusong pinaghiwalay ng Tadhana ay kusang pagtatagpuin ng panahon, kahit sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Love Unselfishly Written by: LivieGamit Date Started: May 15 2016 Finished: ____