Love #1

66 1 0
                                    

*Welcome Back *

"Nawala ka na sa akin ng isang beses. Kaya hindi ko na hahayaan pang mawala ka pa sa akin sa pangawalang pagkakataon." - Unknown

-----

Dave's POV

"Ang pag uwi sa pinas ang pinaka ayokong gawin sa lahat"

Binaba ko yung librong binabasa ko at inilapag sa mesa.

" 5 years ago ayaw na ayaw mo rito. Tapos ngayon na uuwi na tayo ng pinas. Away mo. Ano ba talaga?" Naguguluhan kung tanong sa kanya.

"Noon yun Dave." Anito habang nakatingin sa kawalan.

"Noong buhay pa siya?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah" Tipid niyang sagot.

"Bat hindi ka maghanap ng iba? Anjan naman si Amanda. Handang magmahal sayo."

"Hindi siya ang babaeng gusto ko"

"Pero yung babaeng gusto mo, patay na 5 years ago Dale. So please palayain mo na si Seyruh. Wala na siya, hindi na siya babalik pa."

"I know" matamlay niyang sagot.

Alam kung hanggang ngayon di parin niyang magawang kalimutan ang babaeng una niyang minahal. At hindi niya ito kayang ipagpalit sa ibang babae.

"Who's Seyruh?" Napatingin ako sa nagsalita. Minsan may pagkakabuti din tung babaeng to eh. "Lagi kung naririnig ang pangalan niya pero never pa ninyong sinasagot ang tanong ko. Sino ba talaga yang Seyruh na yan?" Iritang tanong ni Amanda sa amin.

"It's none of your business Amanda" Sagot ni Dale at sabay labas ng kwarto ko.

"Dave ikaw ang tatanungin ko Who's the h*ll is Seyruh?" Tanong niya sa akin.

Pero imbes na sagutin ko siya ay iniwan ko rin siyang mag isa sa kwarto ko. Hindi ko ito kwento para ako ang magsabi kung sino si Seyruh sa buhay ni Dale.

"Nakakainis kayo.. pagnakita ko yang Seyruh na yan sa pinas kakalbuhin ko siya." Iritang sabi niya.

"As if magagawa mo pa yan" bulong ko sa sarili ko.

Bukas na ang balik namin sa Philippines. Ako, si Amanda, si Dan at Dale ang babalik ng Pinas.

Biglaan ang lahat ng ito, kailangan kasi naming imanage yung university na pagmamay ari ng pamilya nila Dan at sa kasamaang palad pati kami nadamay sa pag uwi ng Pilipinas. Palibhasa may shares din ang mga pamilya namin sa University na yun kaya pati kami kailangan dun. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang balak nila sa amin. Eh kaya naman nilang asikasuhin ang University ng sila lang. At hindi na kami kailangan dun.

"Dave"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Why Dad?" Nagtataka kung tanong sa kanya.

"Do you know Mr. Bapial right?" Tanong niya sa akin.

"Of course Dad. Why?" Sagot ko sakanya.
Sino bang hindi nakakakilala kay Mr. Bapial isa siya sa pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas ngayon pagdating sa business. Matanda na siya pero magaling parin siya pagdating sa paghahandle ng mga business.

"Kasama ninyo siyang uuwi ng Pilipinas bukas."

"But Why?" Nagtataka kung tanong kay Dad.

"Siya ang magiging guardian ninyo pag uwi ninyo ng Pilipinas. Sakanila kayo tutuloy. Dahil yun ang napag usapan namin."

"But Dad akala ko ba kila Dan kami titira sa pagbabalik namin sa Philippines?" Nagtataka kung tanong.

"No, Si Mr. Bapial ang may gusto nito kaya wala tayong magagawa maging ang mga magulang nila Dale, Amanda at Dan walang nagawa. So masmabuting sumunod nalang tayo." Huminga ng malalim si Dad " isa si Mr. Bapial sa may pinakamalaking shares sa University kaya masmabuting pagbigyan na natin ang gusto niya." Anito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love UnselfishlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon