the short enounter

41 1 0
                                    

What happens in London, stays in London.

Ako si Via, 26 years old. Ako'y isang medtech na nagtatrabaho ngayon sa isang hospital dito sa London, UK. Nagtrabaho ako noon sa isang govt. hospital sa Pilipinas for 2 years then I took certification exams na for abroad. Dahil nga sa kakulangan ng sahod ay at age 23, sinikap ko na talagang mag-abroad para makatulong sa family ko. For about 1 year and a half ay tiniis ko ang mawalay sa family ko. Kahit pagod galing sa work, I make sure na nakakausap ko ang family via messenger so naiibsan kahit papaano ang pangungulila..

For a span of time, I have already made friends sa workplace. May British, Irish at American rin. Nagpapasalamat ako na ang bubuti nila sa 'kin. Good thing close friend ko yung kapwa OFW na si Ate Dina. May asawa na at dalawang anak si Ate Dina at dito na sila nakatira for 7 years. Nagkakasundo kami ni Ate but after work hindi kami masyado naglalabas dahil kailangan niyang makauwi sa bahay upang alagaan ang bunsong anak. Kaya mostly, namamasyal lang ako mag-isa.

Napapa-wow talaga ako sa ganda ng mga lugar sa London. Who would have thought na mula sa isang simpleng pangarap ko nung high school eh natupad rin sa pagsisikap kong makapunta dito? Habang naglalakad ako ay napapansin kong ako lang yata ang single sa mga lovers na nakapaligid sa 'kin. Ang sweet sweet nila ha? Nahiya ako. Haha

Hanggang sa nakadama ako ng pagod. Kailangan ko munang magpahinga. Buti na lang may nakita akong empty bench sa park. Habang nakatanaw ako sa mga pigeons na dumadapo malapit sa fountain ay may biglang tumawag sa 'kin.

Ang lalaki sa kabilang bench. Naka glasses ito at parang nakatulog mula sa kanyang binabasa.

"Excuse me, miss. Do you know what time is it?"

Bigla naman akong tumingin sa relo ko at sinabing quarter to two na ng hapon. Napa-sh*t na lang siya. Naweirdohan lang ako nang tiningnan nya ko sandali.

"Filipino?"

"Yup..", tumango na lang ako at tiningnan ko rin siya.

"Salamat. Gotta go now."

At kinuha na niya ang mga libro niya at saka umalis. May klase pa siguro yun. Hmm. Sa tingin ko, pinoy rin siya pero may pagka mestiso rin. At first sight pa lang, natulala ako sandali. Ang gwapo niya (with a nice set of teeth and poreless skin) at ang sexy pa ng boses with British accent.

Akala ko yun na ang last encounter ko ng lalaking yun nang hindi inaasahang, nabalitaan kong inatake sa puso si Papa. Minsan kasi hindi na nito iniinom ang mga gamot at pinapagod ang sarili sa trabaho.

Nung mga time na yon, hindi ko malaman ang gagawin. Malaki ang kakailanganing pera para sa iba pang mga gamot at mga doctor ni Papa. Maliit pa ang naipon ko. Buti na lang nagpahiram rin si Ate Dina pero hindi pa rin sapat.

On that same bench and in that same park binuhos ko yung lungkot ko. Tumutulo na lang ang mga luha ko.

At that time, napaisip ako. Kailangan kong tulungan ang pamilya ko sa abot ng aking makakaya. Pero bakit ako pa yung dapat tulungan? I almost lost hope nang napansin kong may nag-abot na lang sa kin ng panyo.

"Take it.", sabi niya.

Nagulat na lang ako nang ang lalaking nakausap ko weeks ago ang nag-abot sa akin. Tinanggap ko na lang at nagsimulang punasan ang mga luha ko.

"You need help?", tanong niya.

"No, I'm fine. Thank you."

"Looks like you don't. Tell me, is there something I could help?"

"No, I'll try to manage at isa pa you don't know me."

"C'mon I insist, we're Filipinos right? And we're here to help each other. By the way, I'm Nicky."

Nothing is foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon