Teka? [Oneshot]

35.7K 1.1K 353
                                    


A/N: WALANG PART TWO OR SEQUEL, OR KAHIT ANO PANG SYNONYM NG PART TWO, ANG STORY NA ITO. TAPOS NA PO ITO. COMPLETED NA NGA. :) THANK YOU. LALALALALALA. 

PS: WALA PONG PART TWO ITONG STORY. :) THANK YOU. 

Minsan mas magandang maging kaibigan na lang kesa ipagpatuloy ang pag-ibig na wala namang patutunguhan.


Una ko siyang nakilala n'ung gumagawa ako ng resume ko sa isang coffee shop one Saturday afternoon. I was so engrossed at pangiti-ngiti pa sa harap ng laptop ko nang biglang lumapit sa akin ang isang waiter at binigyan ako ng ice-blended coffee.

"Ma'am, here's your coffee." Napaawang yung bibig ko dahil hindi ako nag-order ng ice-blended coffee.

"Sorry baka sa ibang customer yan. As you can see, hindi ko pa ubos yung order ko." Then I raised my mug para ipakitang hindi pa talaga ubos. 

Ngumiti lang siya bilang tugon then umalis na. In fairness, gwapo siya pero parang tanga lang dahil hindi makaintindi.

Tatayo na sana ako para ibalik nang may biglang umupo sa harap ko. "You don't want what I ordered for you?"

"Come again?" Sagot ko. Medyo nabilisan ako sa pangyayari, may nagbigay sa akin ng kape 'tas may nakiupo pa sa table ko. Anong susunod? Lalabas si Shaider?

"I ordered that for you. You don't want it?"

"Ahh, thank you. But why?" Bakit ba 'to umi-english? Mukha ba akong poreynjer?

"Nothing in particular." Cool na cool niyang sagot. Napaka-charitable naman nito na basta-basta namimigay ng kape kapag feel niya lang.

"Teka lang 'no? Magkaliwanagan tayo, Sir. Unang-una huwag ka masyado mag-english kasi kung nakikita mo ubos na yung dugo ko sa katawan kaka-english dito sa resume na ginagawa ko. Pangalawa, mukha ba akong walang pambili ng kape para bigyan mo na lang ako ng kape basta-basta?"

Tumawa siya. Wow. Nakakatawa pala yung sinabi ko? Saan banda? Pakisabi please para makatawa rin ako. 

After ilang minutes tumigil naman na siya sa pagtawa. "Ahh, tapos ka na tumawa? Sige, tawa ka lang habang inuubos ko yung binigay mong kape. Nakakahiya naman kung ako umiinom 'tas ikaw walang ginagawa. Tawa ka lang."

'Tas tumawa siya ulit. Put a little love away! Masunuring bata ito! Siguro na-realize niya na hindi ako natutuwa sa pagtawa-tawa niya kaya tumigil siya at tumikhim.

"Mukha ka kasing masaya kasama kaya nagka-interes ako sa'yo." Ako naman yung napatawa. Naloka ako sa kanya. Dahil lang mukha akong masaya kasama? Eh kung isama ko kaya siya sa impyerno? 

"Iba ka rin eh 'no? Dapat ata ikaw 'tong nilibre ko ng kape para naman kabahan ka sa mga pinagsasabi mo."

Tumawa na naman siya. Irita. Kapag ba sinunog ko pamilya nito makakatawa pa rin siya?

Teka? [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon