Chapter 3: Result
Nakauwi na nang bahay si Cara. It's already 7pm narin kase. Nasa kwarto lang sya at nakahiga. Inaalala nya yung mga ginawa nila Kanina ni Ardee pati narin yung proposal nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan na hindi mapatingin sa kamay nya.
"WAAAH I'M ENGAGED!!!" sigaw ni Cara habang nagtatatalon pa sa kama. Wala namang makakarinig sa kanya dahil nasa ibaba yung mga maid nila at hindi padin umuuwi ang Mommy nya.
Natigilan si Cara ng maalala nya ang Mommy nya.
"Teka ... Paano ko kaya to sasabihin kay Mommy? For sure kikiligin yun!"
Magbestfriend kasi yung mga Mom nila kaya nga okay na okay lang sa kanila ang relasyon nila Ardee.
'for sure kikiligin yun hahaha!'
Humiga nalang ulit si Cara. Sa kama nya ng bigla syang makaramdam ng sakit sa dibdib.
'tss eto nanaman tong kirot nato. Tsk ang sakit >.<'
Napahawak sya sa dibdib nya. Lately kase nakakaramdam sya ng pagkirot ng dibdib nya pero nagpacheck up na naman sya at nag take ng ilang test.
Kinalma nya muna ang sarili nya.
'Ano ba tong nararamdaman ko? Tsk. Imposible namang may sakit ako? tss imposible talaga. I'm Perfectly Fine' kumbinsi nya sa sarili.
Okay nga lang kaya sya? Concern ako e. Bat ba? Hihihi eksenang Author!!
Narinig nya na may nagpark na kotse.
'Si Mommy!' agad syang bumangon at bumaba. Excited masyadong ikwento ang Datiposal? Haha ( Date/Proposal=Datiposal) Pagbigyan ang Author!
Nakita nya ang mommy nya na kakapasok palang nakita din sya nito. Napakaseryoso ng mukha nito at malungkot lang itong nakatingin sa kanya.
'Bad Day sa Office?'
"Carolyn .." malungkot na sabi ng Mommy nya.
Agad itong lumapit sa kanya at tsaka sya niyakap ng sobrang higpit.
"Mom may problema po ba?" nag aalalang tanong ni Cara.
"Why? W-why didn't you tell me? Why?!" umiiyak na ang Mommy nya.
"M-ma? Ano pa bang sinasabi nyo?" medyo kinakabahan nasi Cara, iniisip nya kasi na baka alam na ng Mommy nya yung tungkol sa Proposal ni Ardee kaya ganun ito makareact.
"Kung hindi ko pa nakita si Melen hindi ko malalaman yung totoo!"
Umiiyak padin ang Mommy nya habang sinasabi nya yun.
'Melen? Si Tita Melen? Yung doctor na nag check up sakin? Kilala pala sya ni Mommy? Pero teka? Ano bang ibig nyang sabihin? Anong totoo?' lumakas lalo ang kabog ng dibdib nya. 'Kinakabahan ako'
Hinimas himas ni Carrie ang buhok ng anak. "Baby, you will make it. We will do anything I promise"
Nilayo ni Cara ang Mommy nya sa kanya.
"Mom, hindi kita maintidihan e a-ano po ba kase yun? Ano ba yung totoo?"
May nilabas na envelopt yung Mommy nya mula dun sa bag na nakasukbit dito.
"Tinawagan ako ni Melen kanina may importante daw syang sasabihin sakin. She gave me this tsaka ko nalaman na nagpacheck up ka pala sa kanya. She was so concern about your health kaya kinunsult nya ko agad.. Carolyn why didn't you tell na nakakaramdam kana pala ng sakit?!" medyo galit na yung tono ng Mommy nya pero umiiyak padin ito.
"Wala lang yon Mommy! Simpleng Sakit sa dib--" hindi na sya pinatapos ni Carrie.
"Wala lang? Simple? Anak your Gonna die of we don't cure that Disease of Yours!" nabigla si Carrie sa nasabi nya. Maging Si Cara ay tulala padin.
"Im G-gonna Die?" niyakap nanaman sya ni Carrie.
"Ssh no baby! You won't! You will take surgery sa pinakamagaling na Hospital sa pinakamahusay na Doctor! Lahat gagawin ko to keep you Alive!"
Umiyak narin si Cara.
Sumisikip nanaman ang Dibdib nya kaya umupo agad sya sa may couch sa sala.
Napailing iling nalang ang dalaga habang umiiyak. Tinabihan naman agad sya ng Mommy nya. Kinuha ni Cara yung envelopt at binasa yung nakalagay dun sa loob.
Lab Result ..
Positive .... May sakit sya.
Medyo malala na ito at kailangan ng agarang surgery at treatment.
'Totoo nga mamamatay ako?'
Halos mapunit na ang papel sa pagkakahawak nya. 'Hindi pwede! Ayoko! Ayokong iwan si Mommy! Paano nalang sya kapag nawala ako? At si Ardee ....' napatingin sya sa suot nyang sing sing.
'Nangako ako sa kanya na hindi ko sya iiwan ... Ayokong iwan sya'
Niyakap agad sya ng Mommy nya
"You will take surgery abroad okay? please say yes .." suwesyon ng Mommy nya.
"I'll talk to your Tita Cha, nagttrabaho sya sa pinakamagaling na Hospital sa New York For sure magagamot ka nila dun Baby. Ha?"
'New york? kung ganun kailangan ko pang umalis? Iririsk ko ang buhay na mayroon ako dito at makikipagsapalaran sa abroad? Ni hindi ko naman alam kung gagaling nga ako dun, at paano si Ardee? Sigurado kong mag aalala sya sakin ng husto. Mas mahal pa nya ko kaysa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Kung sasabihin ko sa kanya na may sakit ako, sigurado kong magugulo ang tahimik nyang mundo baka nga igive up pa nya ang studies nya para lang maalagaan ako. Pipilitin din nya kong magtake ng Surgery at aasa sya na mabubuhay ako pero pag namatay ako. Ano nalang mangyayari sa kanya? Ayoko! Ayokong masira ang buhay nya ng dahil sakin! Ayokong ikulong nya ang sarili nya sa isang katulad kong bilang na ang oras sa mundo! Ayokong umasa sya at masaktan, dahil pati ako nawawalan na ng pag asa. Kung sakali man .... Gusto kong makahanap sya ng iba. Gusto ko nga ba?'
'Bakit ba ko nagkakaganito? Wala paman sumusuko na ko. Kaya ko! Kailangang lumaban ako!'
'Para kay Mommy at para kay Ardee'
To be Continue ...
Omamen hihihi Too much Drama ..
BINABASA MO ANG
The Heartless Man
Teen FictionA Man that every girls adores, a man with everything except Love. Until the broken hearted man meets the Girl with nothing except Hope. A Girl who is willing to fight for everything... When Fate lead them together will they be able to changed each o...