Chapter 4

16 1 0
                                    

Chapter 4: James Mathew Salvador

* * * *
Mathew's POV

Hindi ko akalain na magiging magka-klase kami ng masungit na babaeng iyon at ang mas malala pa doon katabi ko pa. Maganda na sana siya masungit nga lang! Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari noon sa National Bookstore kung saan una ko siyang nakilala.

Ako nga pala si James Mathew Salvador. Nandito ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Ivan. Sabay na kaming umuwi pagkatapos ng klase dito ko kasi na-isipang matulog ngayon pareho rin namang busy ang mga magulang namin sa trabaho at pareho silang nasa ibang bansa ngayon.

Magkakilala na kami ni Ivan since nung grade school pa, matalik kasing magkaibigan ang mga parents namin at magka-sosyo din sila sa trabaho kaya naging magkaibigan na rin kami.
.
.
.
.
.
"TokTokTok" Bigla akong natigil sa pag-iisip nang may biglang kumatok.

"Bro kain na tayo? Hali kana sa baba nagluto si manang ng masarap na ulam ngayon, adobo!" masayang sambit ni Ivan ng makapasok na siya sa loob ng kwarto ko (oo may sarili akong kwarto dito sa bahay nila Ivan)

"Cge sunod na ako bro" sagot ko naman at nag ayos na para makakain.
.
.
.
Tahimik lang kami habang kumakain hanggang sa nag salita na si Ivan.

"Alam mo ba ang ganda ng bagong ka-klase natin, ang suwerte mo magkatabi pa kayong dalawa!" panimula ni Ivan.

"Tsk! Maganda nga ang pangit naman ng ugali!"

"Ha? Paano mo naman nasabi nag kausap ba kayo?" tanong niya na may pagtataka.

"Naalala mo ba yung kinukwento ko sa iyo noong nag mall tayo? Yung babaeng tutulungan ko sana sa National Bookstore pero ang sungit"

"Ahh si Ms. Sungit siya iyon? Parang hindi naman niya magawang magsungit sa ganda niyang iyon? Pero bro ano nang Plano mo?

"Oo siya nga iyon, mukha lang siyang hndi masungit siguro pakitang tao niya lang 'yon. At anong plano-plano ang pinagsasabi mo jan?"

"Grabeh ka naman pre hindi naman siguro siya ganoon. At siyempre ang planong ligawan siya!"

Ano bang pinagsasasabi ng mokong na 'to? Paano ko naman liligawan ang babaeng iyon kung napaka sungit naman. Wala nga siguro nagbabalak man ligaw doon eh. At ano naman kung maganda siya? Tsk!

"Bro okay ka lang? Natahimik ka jan? Siguro iniisip mo na kung paano ligawan si Ms. Sungit noh?"

"Tss! Ano bang mga pinagsasabi mo jan wala akong balak ligawan yung babaeng iyon no! Baka bugbog lang ang aabutin ko dun pag sinubukan ko pa siyang ligawan"

"HAHAHA! Grabe ka naman baka naman may nasabi kang mali sa kaniya kaya bigla siyang naging masungit, Cge na ligawan mo na bro" sagot niya sakin habang tawa ng tawa.

"Diyan ka na nga! Wala namang matinong makausap dito sa bahay niyo!" sabi ko sabay walk out at akyat papuntang kwarto.

Habang paakyat ako ng hagdan ay rinig na rinig ko pa ang tawa ng walang hiya kong kaibigan!

Nang makarating na ako sa kwarto ay na-iisip ko parin yung pinagsasabi ng mokong na yun, paano nga kung ligawan ko siya? Ayyy MALI MALI MALI! NEVER KONG GAGAWIN YUN! Makatulog na nga, nahahawa na yata ako sa pagka baliw ng kaibigan ko.

* * * *
A/N:
Hi bro para pala sayo itong chapter na ito ^_^
Please vote, like, comment and be a fan! Thank you 😘

My Enemy BestfriendWhere stories live. Discover now