Chapter 1

24 1 0
                                    

Chapter 1: Meet Elizabeth Morgan

* * * *
Elizabeth's POV

"Ladies and gentlemen welcome to Philippine Airport. Local time is 7:00 in the evening and the temperature is twenty-nine degree celcious. On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you all for joining us in our trip and we hope to see you on board again in the near future. Good Evening and may God Bless you." rinig ko habang naglalakad sa loob ng airport.

"Good Evening ma'am, dito po tayo" bungad sa akin ng driver nang nakita niyang papalabas na ako, kinuha rin niya yung mga gamit ko at dinala papunta sa sasakyan.

Nang makarating kami sa kotse ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto at inilagay na rin niya ang mga gamit ko sa loob.

"Ma'am diretso na po ba tayo sa bahay niyo? O mamamasyal po muna tayo sa buong Maynila?" tanong sa akin ng diver na ka agad namang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Umuwi na po muna tayo manong nakakapagod po kasi ang byahe eh, bukas nalang po siguro ako mamamasyal" sagot ko naman sa kaniya.

"Okay sige po ma'am" pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang nagmaneho.
.
.
.
.
.

Hi I'm Elizabeth Morgan or you can call me "Liza".
I'm a half Filipino and half British. I was born here in the Philippines. At siyempre I prefer using tagalog instead of english.
My family own the biggest Manufacturing Industries in the whole Asia and I'm the only heir of it. That's why I'm here in the Philippines gusto kasi nina mom and dad na mag-aral muna ako dito para malaman ko kung paano mamuhay ng simple, pero sana lang maging maganda ang stay ko dito.

Kung nagtatanong kayo kung ano ang ugali ko? Well simple lang naman ako medyo ma-arte nga lang sa ibang bagay pero hindi naman ganoon ka sama. Hindi naman kasi ako masyadong ini-spoiled ng parents ko hindi katulad nga ibang mayayaman lalo na yung mga feeling mayaman.
"Mabait ako sa Mabait, Masama sa Masama" ganoon lang yun kasimple.

My thoughts interrupted when my driver talks..

"Ma'am nandito na po tayo" sabi sa akin ng driver habang pinagbinubuksan niya ako. Isang oras lang naman ang biyahe mula sa airport hanggang dito sa aming bahay.

"Okay thank you" yun lang ang tanging sagot ko sa kaniya at nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng aming bahay. Yes you heard it right "bahay" well hindi naman kasi siya ganoon ka laki at hindi rin naman masyadong maliit parang tamang-tama lang kaya't parang hindi naman siya matatawag na mansiyon.

Pagkapasok ko ng bahay agad akong sinalubong at binati ng mga katulong at ng mga trabahador. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto upang makapag-pahinga.

* * * *
Kinabukasan

Nagising ako mga bandang alas siyete ng umaga, nakaramdam kasi ako ng gutom nakalimutan kong kumain kagabi.

Pababa na ako sa hagdan at tumungo na sa mesa para makakain. "Hayy salamat" sabi ko nalang ng may nakita na akong nakahain na mga pagkain sa mesa.

"Good Morning ma'am kain na po kayo, may kailangan pa po ba kayo?" tanong ng aming katulong.

"Ahmm.. Gusto ko po ng gatas." sagot ko sa kaniya habang kumukuha ng bacon.

"Okay, sandali lang po ma'am at ipaghahanda ko po kayo" sabi niya sa akin at nagtuloy-tuloy nang naglakad papunta ng kusina.

At ako naman nagdasal upang makakain na.
.
.
.
.

Nang matapos na akong kumain at na-inum ko na yung gatas ko na ipinatimpla ko kay yaya ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko upang maligo.
Sinuot ko na yung pink dress ko and a pair of my cute pinkish shoes hindi naman po siguro halata na favorite color ko ang pink! Actually favorite ko talaga ang color pink and violet= purple.

"Yaya naka handa na po ba yung sasakyan? Paki sabi kay manong na bilisan niya" sigaw ko sa katulong namin.

"Opo ma'am handa na po" sagot ni yaya.

Kinuha ko na yung bag ko upang makaalis na.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko na nakahanda na yung sasakyan na gagamitin ko. Mamamasyal kasi ako ngayon bibili rin ako ng mga gagamitin ko sa school. Magsisimula na kasi ang klase sa susunod na lunes. Excited na nga ako eh sana lang may mga bago akong kaibigan na makilala doon.

* * * *
A/N:
Sana po nagandahan kayo sa Chapter 1. And welcome into Elizabeth's life :)
Please vote, like, comment, and be a fan. Thank you po sa lahat ng nagbabasa nito!

PS. Para pala sayo itong first chapter kasi ikaw dn yung una nag comment😘AshpenRose

My Enemy BestfriendWhere stories live. Discover now