Chapter 1

107 2 5
                                    

Stacey's P.O.V

Excited na ko, pupunta na ko dun sa bahay ng tita ko. Makikita ko na din tropa ko. YEEEESSS!

Medyo matagal nga lang yung biyahe kasi traffic, pero ok lang worth it naman yung pag hihintay ko sa napakatagal na traffic kasi makakasama ko naman yung tropa ko kaso madami na daw bagong tropa, baka naman ma-O.P lang ako dun. Hayaan na nga lang. At least makikita ko na sila. Hahaha. Miss ko na talaga yung mga tropa ko. Matutulog na nga muna ako.

"Huy! Stacey gising na, baba na tayo. Andito na tayo kela Lester" bigla naman akong nabuhayan nun! FINALLY MAKIKITA KO NA ULIT YUNG TROPA KO. Yes! Miss na miss ko na talaga sila.

"STACEEEEYYY!" Salubong sakin ni E.J. Ethan Jared yung real name niya, kaming tropa lang yung tumatawag sa kanya ng E.J, hinug niya naman ako "Miss na kita Stacey! Buti na lang andito ka na. Hinihintay ka nga pala nila Kuya Lester dun sa tapat nila Bianca"-E.J

"Hah? Bat andun kayo kela Bianca? Hindi na ba kayo galit dun?"-Ako

"Nako! Syempre inis pa din noh, syempre nakikisama na lang kami kasi hindi niya naman alam na inis pa din yung tropa sa kanya. Alam mo naman na sensitive siya kaya hindi pa namin sinasabi. Ano? Tara na? Punta na tayo dun, papakilala din kita sa bagong tropa. Hahaha"-ako

"Sige."-Stacey

Pag punta namin dun kela Bianca ang dami kong nakitang bagong tropa, grabe! Dun na nga lang ako sasama muna kay Kuya Lester. Habang magtatagal kami dun, yung isang lalaki na bagong tropa, tingin ng tingin sakin, syempre, hindi ko na lang pinapansin, tapos, maya maya pa, lapit na siya ng lapit kay kuya Lester, nakaka ilang naman kasi di ba? Hindi pa nga kami magka kilala Gumaganyan na. Tsss. Tapos ilang minutes pa, pinakilala na ako ni kuya Lester tsaka E.J sa mga bagong tropa.

"Guys! Si Stacey nga pala, pinsan ko."-Kuya Lester

"Stacey, this is Nicole"sabay turo dun sa katabi nung lalaking kanina pa tumitingin sakin. "This is Carla and Monica, for sure naman kilala mo na sila, kanina mo pa kausap ehh. Eto naman si Angelo" yung Angelo masyadong Mapangasar, nakakainis "and last but not the least, this is Nathan, kapatid siya ni Nicole" ohh! Nathan pala yung name niya. And, kaya pala magkamukha sila nung Nicole. Hmm. Ok.

"Nice to meet you!" Sabi ni Nathan tapos nakipag shake hands siya sakin. Pagkatapos nila akong ipakilala nagkwentuhan ulit kami. And nagulat ako sa sinabi ni Ate Carla, sabi niya kasi sakin na nagagandahan daw si Nathan sakin, ang OA ko no? HAHAHAHHA. Nagagandahan lang naman nagulat pa ko. Tsss. Nung narinig naman ni Bianca yun, parang sumama yung tingin niya sakin. Hinayaan ko na lang.

Nathan's P.O.V

Pagkatapos nila kaming ipakilala, sinabi ko kay Ate Carla na nagagandahan nga ako kay Stacey, kanina pa nga ako pa simpleng tumitingin tsaka lumalapit kay Stacey eh, nahalata kaya niya? Hmm. Habang nag kekwentuhan kami, nagulat ako kasi biglang sinabi ni Ate Carla kay Stacey na nagagandahan ako sa kanya, alam ko, hindi naman dapat pinoproblema yun kaso, kakakilala ko pa lang kay Stacey. Maya maya, nilapitan at kina usap ko si E.J

"E.J"-ako

"Ohh? Bakit? Ayy! HAHAHAHAH. Ikaw ahh, may gusto ka kay Stacey noh?" Sabi ni E.J habang tawa ng tawa.

"Hala? OYYY! Hindi ahh, nagagandahan lang naman ako, hindi naman gusto."-ako

"Sus! Akala ko ba gusto mo si Bianca?"-E.J

"Sus! Yun? Hahaha. Hindi ahh, hahahah. Siguro nagkagusto nga ako kaso saglit lang"-ako

"Paano ka pa ehh."-E.J

"Sira! Dun ka na nga lang." Tinulak tulak ko pa siya. Dami kasing sinasabi.

"Inaantok na ko, uwi na tayo Nathan."-ate Nicole

"Ako din, Monica Tara na."-ako

"Sige mauna na kayo, dun ako sa kabila matutulog"-Monica

"Ok. Sige, ate Tara na"-ako

Umuwi na din kami. Hanggang pag uwi iniisip ko pa din si Stacey, ang ganda niya. Kaso, kakakilala pa lang namin, mamaya, isipin nila nag loloko lang ako. Hays! Ako na nga lang bahala. Makatulog na nga.

Stacey's P.O.V

"Stacey, ano? Pogi naman si Nathan di ba?"-E.J, kahit kelan talaga to.

"Che! Manahimik ka nga dyan."-Ako

"Oo na, tsss."-E.J. Ka lalaki kasing tao napaka ingay.

Lumapit naman sakin si ate Carla "Stacey, pano kung gusto ka na talaga ni Nathan?"

"Luh? Gusto agad? Kakakilala pa nga lang namin eh, masyado namang mabilis kung ganun. Wala pa nga kaming isang araw magkakilala may gusto agad?"-ako

"Hindi ka ba naniniwala sa 'love at first sight'? Hahahaha"-E.J

"Sumingit ka nanaman, kahit kelan ka talaga, kausapin mo na nga lang yung Shaina mo dun. Masyado kang ano eh"-ako

"Luh? Shaina ka dyan? Wala naman siya dito ahh? Hahahaha." Grabe. Makalabas na nga lang dito, buti naman naiwan na siya dun kay ate Carla.

"Kuya Lester, uwi na tayo? Pagod na ko eh. Bukas na kang ulit"-ako

"Oh, sige. Guys! Uwi na kami ni Stacey ah. Bukas na kang basketball tayo. Ganung oras pa din."-Kuya Lester

"Sige! Sabay na din ako. Bye guys! Good night."-E.J

Kinabukasan nagising ako kasi may tumatawag sa labas, sumilip ako nakita ko si Nathan, tapos narinig ko din na magbabasketball na kaya ginising ko sila Kuya Lester tapos bumaba ako para pag buksan si Nathan tapos pinapasok ko na siya.. Tapos ginising ko na ulit sila Kuya Lester.

"Kuya Lester hinahanap na kayo ni Nathan, magbabasketball na daw. "-Ako

"Sige sabihin mo wait lang. Kain na muna din kayo"-Kuya Lester.

Pagbaba ko tumayo si Nathan tapos kinausap ako.

"Stacey, gusto mo bang sumama? Magbabasketball kami?"-Nathan

"Papaalam muna ako kay kuya Lester kung pwede akong sumama"-Ako

"Sige! Wait lang lalabas muna ako tatawagin ko yung ibang tropa"-Nathan

"Sige!"-ako

Tapos pagka labas niya, kumain na din muna ako. After 5 minutes, bumalik na siya kasama sila E.J at hinintay kami. Pagkatapos namin sa lahat ng ginagawa namin, pumunta na kami ng court para mag basketball. Hindi man magaling si Nathan sa shooting, magaling naman siya sa dribbling tsaka sa pag steal. Si Angelo naman magaling mag shoot tsaka sa rebound, ang galing nila. Hmm. Pagkatapos nila mag basketball umuwi na agad kami. Puro gala lang naman ginagawa namin dito. Hehehe.

"E.J, Monica, Angelo ikot tayo"-ako

"Sige"-E.J/Monica/Angelo

Nagkwentuhan lang kami, tapos nag kwento lang si Monica tsaka E.J tsaka Angelo tungkol sa iba pang bagong tropa. Nag tagal din kami sa pag ikot tapos pag dating namin kela Kuya Lester umuwi na din sila Monica. Grabe! Yun lang yung ginawa namin ngayong araw.
Iniisip ko parin yung tinanong sakin ni E.J tsaka ate Carla. OO, pogi naman si Nathan. Pero yung magkakagusto siya sakin, grabe naman, ok na sana yung nagagandahan kaso yung magkagusto? Ang bilis naman. Nako! Makatulog na nga lang.

(N/A: sorry po sa medyo mabagal at konting pag update. Hehehe. Bawi na lang next chap.)

I Fell In Love with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon