Chapter 2 - Problems of an EXO Fangirl

83 1 0
                                    

May comeback daw yung EXO!! Ayun! Nagspazz ka hanggang sa pagalitan ka ng nanay o tatay mo dahil sobrang ingay mo. Naiiyak ka ba kasi di ka makapag spazz ng maayos? Halika rito, hug kita! I feel you chingu. Ganon rin ako.

Lagi kang nakikinig ng EXO songs sa paaralan nyo? Tas biglang may susulpot na mokong na kaklase tas ibabash ang EXO? Halika uli rito chingu, hug kita uli. I feel you na naman. Sarap nila pektusan at upakan no? Pero kung ako sa inyo, wag nyo nalang pansinin. Titigil rin yan kalaunan.

Narinig mong may album o repackage album ang EXO? May plano kang bumili kaso wala kang trabaho kaya wala kang pera. Kung hihingiin mo naman yan sa mga magulang mo, batok o pektos ang makukuha? Halika kayo rito! Group hug tayo!! Hanggang download lang tayo ng mp3 at videos mga teh!

Napagsabihan ka na ba ng iba mong mga kaibigan dahil ang timeline mo sa FB ay puno ng EXO photos and EXO related stuffs tas halos lahat ng EXO pages ay nalike mo na? Yaan mo sila! Inggit lang yan! XD

May concert daw ang EXO next month sa blah blah.. Gusto mong pumunta kaso sa Mindanao o Visayas ka nakatira. Laslas na tayo mga teh! Sobrang swerte ng ibang Tagalog! 

Napagalitan ka na ba ng mga magulang mo dahil sobrang kalat ng kwarto ko at puno ng posters ng EXO? Di ako makakarelate jan chingus :| la akong posters. La kasing pera si author. Haist!

Napagalitan ka na rin ba dahil puno na ng EXO videos ang PC/Computer nyo? Apir! Tas pinapadelete pa talaga yung videos sayo? Ai ani!!!! No, no, no!! Mahalaga ang videos nila!! No deletions of EXO videos will ever happen in the history of my PC! Never!

Naranasan mo na ba ang isa sa mga jan? Naku! Nakakakulot ng bangs no? Ako lahat naranasan ko, kaya eto! Kulot masyado ang bangs ni author.

EXO FangirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon