DLTM: 1

32 0 0
                                    


Tumalikod na sya palayo sa akin nagsimula na naman tumulo yung mga pesteng luha ko. Ang sakit sobrang sakit ng puso ko. Akala ko kasi dati bagay lang sa mga tulad nyang Nerd  na  paglaruan. Oo pinaglaruan ko sya  ginamit ko sya sa pustahan. Akala ko mananalo ako sa pustahan pero nagkamali pala ako. 








Flashback


"So Nagawa mo eto na yung prize"- Naka-ngiting Bati sa akin ni Ate Riva upo ko sa harapan nya ginantihan ko naman sya ng ngiti.

Inabot na sa akin ni Ell ang 15k na pinagpustahan naming tatlo pero yumuko lang ako at hindi kinuha ang pero.





"I'm Sorry"- nakayukong paumanhin ko sa kanila.



"Ha? May problema ba?" - tanong sa akin ni Ate Riva




"Eto na nasaharapan mo yung pera! Sondie ano bang problema mo ha? My GHADD!! 2 year's mong pinaghirapan yung pera tapos susuko ka nalang?" - hiyaw sa akin ni Ell 





Sana hindi nalang pala ako pumayag sa pesteng pustahan nato. Wala na akong nasabi sa kanila tumulo nalang yung luha ko.



"Masasaktan si Nickko kapag nalaman nya to"-  Nakayukong sabi ko




"Tumigil ka nga dyan! Ano bang nangyayari sayo HA? Huwag mong sabihin na may gusto kana sa lalaking yun?"- Tanong ni Ate Riva sa akin



"Ewan ko hindi ko alam, basta ang alam ko natatakot akong mawala sya sa akin na baka iwanan nya ko kapag nalaman nya na niloloko ko lang sya!"- umiiyak na sabi ko sa kanilang dawala.



"Natatakot kang malaman nya? Diba iyon naman talaga ang plano natin! Bakit natatakot ka? Ginusto mo ito Sondie!!! Ginusto mo! tapos ngayon natatakot ka na baka malaman nya na ginagamit mo lang sya ng dahil sa pera! Diba pera lang naman talaga ang habol mo sa kanya?"- Halos mamaos na sigaw nya sa harapan ko.



PAKKKKKKKK!


Sinampal ko sya! Siguro nga dati pera lang ang habol ko dati kay Nikko pero nung tumagal na gumagagan ang loob ko tuwing kasama ko siya. Napapasya nya ko at hindi ko na pala namamalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang puso ko sa sanya.





HINDI KO KAILANGAN NG PERA NYONG DALAWA!!!!- Sigaw ko sa kanilang dalawa.




Nagulat silang dalawa sa ginawa ko kahit kailan hindi pa kami nag-aaway ni Ate Riva ngayon lang simula first year high school magkaibigan na kaming tatlo lalo na sya para na kaming magkapatid na dalawa palagi nya akong ipinagtatanggol sa mga umaaway sa akin. Kahit kailan hindi ko pa sya sinasagot ngayon lang nakakatawang isipin na nag-aaway kami nang dahil lang sa lintek na pustahan nato.


Kalimutan mo nang naging magkaibigan tayo. Bulong niya sa akin at lumabas na nang library. Sinundan naman sya ni Ell



End of the Flashback 



Hindi ko naisip na darating yung point na mahuhulog ako sa kanya masyado kasi akong nakampante na hindi ako mahuhulog sa isang Nerd na katulad nya pero nagkamali ako bumaliktad ang lahat ako ang natalo. Iniwanan na nila kong lahat pati mga kaibigan ko wala na.



Sabagay dapat lang naman na iwan yung tulad kong  manloloko na walang inisip kundi ang sarili ko lang ang selfish ko pala. Ang  sama kong kaibigan ang sama-sama kong tao pati yung taong minahal ako ng sobra ginago ko pinaasa ko tapos ngayon gusto kong huwag niya akong iwanan...



 Sobrang lakas ng hangin ngayon ko lang naramdaman. Tinignan ko muna yung mga batang naglalaro dito sa Park. Lahat sila masaya ako lang yata ang nagiisang malungkot emo dito. 




Naglakad na ako papunta sa apartment ko Isang oras kung lalakarin ko mas mabuti pang maglakad para makatipid na din ako. Natawa nalang ako sa naisip ko kung  dati wala akong pakialam sa salitang yan ang alam ko lang kasi gumastos nang gumastos.




Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog hindi ko na rin nagawa pang tanggalin ang sapatos ko humiga na ako sa kama..


*****


Kinabukasan



7:30 AM na nang magising ako  tumayo sa kama ko pumunta ako sa tapat nang salamin tinignan ko ang sarili ko may suot pa akong shoulder bag na hindi ko manlang nagawng tanggalin kagabi gawa nang dahil sa kakaiyak ko kagabi. Yung mga mata ko magang-maga tapos yung buhok ko gulo-gulo haiiyyst! Para naman akong ni-rape sa itsura ko nato.


Dahil 10:00 AM pa naman ang pasok ko kaya naisipan  ko munang maglins nang apartment ko naglampaso, naglaba, nagluto pero dahil sunog hindi ko din naman nakain itinapon ko nalang. Grabe unang beses palang akong naglinis tuwing sabado at linggo kasi may pinapapunta dito sa apratment ko si mommy para asikasuhin yung mga kailangan ko kasi palagi akong nasa mall halos doon na nga ako tumira. Naligo na ako at nagbihis dumaan muna ako sa Kfc para kumain nang almusal at pagkatapos ay dumiretso na ako sa school namin.



Inayos ko muna yung itsura ko kanina tinakpan ko para hindi mahala na umiyak ako bong magdamag. Pagpasok ko sa tapat ng room namin ay naupo  na ako sa harapan never pa akong naupo sa likod sobrang ingay kasi doon puro lalaki yung mga nakaupo. Hinanap ko sila Ate Riva at Ell nakita ko silang dalawa sa dulo masayang nagkwe-kwentuhan lalapitan ko sana sila pero dumating na yung Professor namin.  


Tinignan ko bawat yung bakanteng upuan na nasa tabi ko wala na talaga sya. Yung dating tao na ginagago ko, Pinangdidirihan ko hinahanap kuna ngayon.



Nakatulala lang ako  buong klase wala akong naiintindihan sa mga itinuturo sa amin.


Natapos na yung buong klase namin at  sumakay na ako ng jeep papauwi na ako ngayon hindi sa apartment ko. Uuwi ako ngayon sa totoong bahay namin pagkarating ko ay bumaba na ako at dumiretso sa kwarto ko nagbihis na ako at bumaba. Naabutan ko si Mommy na nagluluto sa kusina lumapit ako dito at nagmano.



"Mommy huwag nyo na po papuntahin si nanay linda sa apartment ko tuwing sabado't linggo"- Sabi ko kay mommy habang nakayakap ako sa likuran nya.



"Anak may problema ba?" Tanong sa akin ni mommy



"Ha? Wala naman po gusto ko lang po sana na maging independent, Lilipat na rin po sana ako ng ibang apartment tsaka magtra-trabaho na rin po ako." 



"Anak Sigurado kana ba dyan? Hindi mo naman kailangan gawin to" Ayan na naman yung worried face ni Mommmy.


"Mommy hindi naman po kasi tama na habang buhay akong aasa sa inyong dalawa ni daddy masyado nyo na nga po akong inii-spoiled"




"Hayyy! ang anak  ko gumagawa na nang paraan para lumayo sa amin ng Daddy nya" - Sabi ni Mommy at niyakap ako.



  Siguro nga masyado akong naispoiled sa kanilang dalawa na lahat ng gusto ko ay makukuha ko na lahat ng bagay ay nabibili sa pera.   





Don't lie to meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon