DLTM: 2

20 0 0
                                    

 
Dalawang taon na ang lumipas  pero hindi pa rin sya naaalis sa puso ko hanggang ngayong hinihintay ko na baka napatawad nya na ako at iniisip kong babalikan nya ko . Nasapo ko ang ulo ko nang maisip kong wala na palang Kami at inisip kong bakit nya naman babalikan yung taong ginago sya sa looob ng dalawang taon?



"Sodieeee! Nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap" hingal na hingal na sabi ni Ell na halata mong pagod galing sa pagtakbo.


Nagkaayos na kaming Tatlo nila Ate Riva humingi na rin sya ng tawad sa akin at simula noon ilang araw na syang hindi nagpapakita sa amin ni Ell iniwan nya nalang kami nalugi daw kasi yung Company doon a ibang bansa at kailangan pumunta ng parents nya doon upang ayusin ang nalugi nilang negosyo. Tinanong namin kung nasaan ang sya  sabi ng parents nya pumunta daw sa kamag-anak nila doon na daw muna mag-aaral. Nakakalungkot yung nangyari kay Ate Riva wala manlang kaming magawa ni Ell sobrang daming natulong sa akin ni Ate Riva pero wala manlang akong maiganting kabutihan sa kanya.



"HOYYY! SONDIE ANG SABI KO TARA NA MALAPIT NANG MAGSIMULA ANG PROGRAM!!" Halos mabasag na ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Ell. Hayyst! ito talagang babae nato hindi pa rin nagbabago.


Naglakad na kami papunta sa beach ni Ell baka sigawan na naman ako nang babae  nato. Nandito kami ngayon sa Zambales birthday kasi nang kaklase namin noong 3rd year high school kami invited daw kaming lahat tinignan ko ang paligid sobrang eleganteng tignan na halatang sobrang pinaghandaan talaga.



Nagsimula ang Party medyo marami na rin akong nainom na alak medyo sumasakit na rin ang ulo ko. 
Pinagmasdan ko ung mga taong masayang-masaya na nag-eenjoy sa party.




"Bloody Mary please!" Hiyaw ko ulit sa bartender na kaagad naman niyang ginawa ang order ko at ipinadulas iyon papunta saakin  sabay kindat. Naglakad na ako palayo sa kinauupuan ko at agad na hinanap si Ell 


Masasabi kong kahit hindi pa ako nakaka Move On. Pero sa dalawang taong na lumipas masasabi kong naging masaya ako kahit kaunti. Marami ding lalaki ang nagtangkang lumigaw sa akin pero kahit isa wala akong sinagot.


Masayang sumasayaw ang bruha kasama ang boyfriend nya. Pinagmasdan ko nalang silang sumasayaw. 



May napansin akong lalaking nakatayo  sa may papang ng beach, naka-beach short ito, pero nakatop less. Napanganga ako dahil sa abs nito, sobrang tangkad niya na akala mo tumungga ng isang dosenang cherifer, yung buhok nya medyo gulo gulo, ang tangos ng ilong nya at medyo singkit ang kanyang mga mata, maputi rin sya. Geez, mas maputi ata saakin. May kausap sya sa cellphone nya, 





Don't lie to meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon