Alyssa's POV
Nung pakiramdam kong wala na talagang pag-asa na makita ko siya ay nag decide ako na umuwi na. Wala din namang sense kung tutunganga ako dito sa may kalsada.
Halos dalawang minuto na akong naglalakad nang mag ring ang phone ko.
Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Rachel. Hindi ko sana sasagutin pero, parang may naguudyok sakin na sagutin 'to.
Tumigil muna ako sa paglalakad at sinagot yung tawag.
"Hello, bes?" Bungad kong sabi.
"Bes, nasa'n ka?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Pauwi na." Sana hindi siya magtanong kung ano ginawa ko or san ako galing.
Hindi kasi ako ginagabi ng uwi. 5 nga ng hapon na wala pa ako sa bahay ang OA na mag react ni Rachel. 7 PM pa kaya.
"At san ka naman galing?" PATAY! Eto na nga ba sinasabi ko e.
"H-ha, a e, diyan diyan lang." I crossed my fingers. Sana lumusot.
"Alyssa Caymo Valdez, I'll repeat my question: san ka nang galing?" HALA! Ginamit na niya yung full name ko. Galit na 'to.
"A-ano dun sa Serendipity." Pag-amin ko.
"Anong ginawa mo dun? Sino kasama mo? Anong oras na, hindi ka pa umuuwi." Sabihan ko kaya sa'yong ikaw ang dahilan kung bakit ako pumunta dun. But, nah.
I should be happy for my best friend. Kahit pa gusto ko din yung may gusto sa kanya.
"Grabe ka, bes. Hindi ko na alam kung nanay ba kita or best friend e." I said to lighten the mood.
"Sagutin mo nalang yung tanong ko." She said in a serious tone.
"Nag palipas lang ng oras, bes. Hindi ko din namalayan na gabi na pala." Paliwanag ko.
"Nasan kana ngayon?" Wala na yung pagka-seryoso sa boses niya.
"Nasa kalsada. Naglalakad na ako nung tumawag ka." Buti nalang may mga street lights dito kaya hindi nakakatakot mag lakad mag-isa.
"Balik ka sa Serendipity." I frowned.
"Bakit? Malapit na ako e. Konting kembot nalang nasa bahay na ako tapos papabalikin mo 'ko?" Pagreklamo ko. Kahit hindi naman totoo. 3 minutes of walk pa bago ako makarating sa bahay. Pero kahit pa 'no. Nakakatamad na kaya.
"Sige na, bes. Naiwan ko kasi yung Math book ko dun. E may assignment kami. Alam mo naman si Ms. Bautista laging beast mode yun. Palibhasa matandang dalaga." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ganyan tayo, bes e. Kanina lang ang seryoso ng boses tapos ngayon ang lambing na." Pang-aasar ko.
"Syempre, bes. Pinag-alala mo kaya ako. Akala ko naka-uwi ka na e. Nagulat nalang ako nung pag punta sa bahay niyo wala ka pa." Paliwanag niya.
"How sweet naman ng best friend ko."
"Ganun talaga 'no. Sige na, bumalik ka na sa Serendipity para maka-uwi ka na."
"Oo na, oo na. Ililibre mo 'ko ha!" Sabi ko.
"Yes! Sige sige, bye. Love you, bes. The best ka talaga. Ingat!" She said then ended the call.
Ano pa nga ba. Nag lakad na ako pabalik ng Serendipity.
---
"Oh, hija, napabalik ka?" Bungad sakin ni Kuya John.
"May kukunin lang, Kuya." Sagot ko. Tumango siya at binuksan na niya yung glass door. Nag thank you ako at pumasok na sa loob.
Agad akong nag punta dun sa Lost and Found area.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung makita ko Siya. Tapos nag slow mo yung paligid. Para akong nasa isang movie.
Papalapit siya sa'kin. Hindi niya pa rin ako napapansin kasi nakayuko siya at may ginagawa sa bag niya.
I composed my self at sinalubong siya.
"Hi! I'm Alyssa, and you are?" I said then offered my hands. Ngiting ngiti pa ako. She was taken a back. Tila nag p-process pa sa utak niya kung ano yung nangyayari.
Nang maka bawi siya ay nginitian niya ako pabalik at shinake yung kamay ko. "Your soulmate." At pakiramdam kong nag-init nanaman yung pisngi ko.
"You're so cute when you're blushing." She said then pinched my cheeks. Natawa naman ako.
"Why are you laughing?" She asked.
"De ja 'vu kasi e. Hahahaha. Nangyari na 'to kanina."
Tumawa din siya, "Oo nga 'no."
Tumigil na ako sa pag-tawa at nag salita.
"Before we parted ways earlier you said that, I quote, "If we're meant to meet again, we'll meet again. It's just not the right time now." So, pano ba yan, nagkita ulit tayo. Does it mean this is the right time?" Tanong ko. Hoping that she would say "Yes".
Nginitian niya ako, at tinignan sa mata. Oh gosh. Yan nanaman yung nakakalunod niyang mata.
"Yes, I think this is the right time." And with that nahimatay ako.
Joke lang. Kumawala lang ulit yung mga butterflies sa aking tiyan. Yun lang naman.
----
A/NA very short update for you, guys. Tutuloy ko pa ba 'to? HAHAHAHA.
Anyway, ano na nga ba ang mangyayari kay Ate Girl at kay Alyssa?
ABANGAN....
BINABASA MO ANG
Serendipity (AlyDen Fanfic)
RomanceAlyssa's Side Alyssa Valdez wasn't a believer of destiny. Until that one fateful day she met this girl who turned her world upside down. See how a sour cream flavored fish ball, a book and the band she really likes would change her life. Can once...