Part Time Bride: Chapter 1

69 2 0
                                    

 

Author's note:

HELLO~! first time kong gumawa ng story kasi di naman tlga ako writer. Mas more on ako sa pagda-drawing. xD  Gusto ko lang isulat at ilabas to sa utak ko  kasi matagal na niya akong hindi pinapatahimik. Kaya wag masyadong harsh ha? xDD Para sa mga magbabasa nito, OO ikaw. katulad mo na pinabasa ngayon toh, Enjoy nyo na lang 'kay~! and advance thank you na rin kasi you took your time just to read this. ;)

---------------------------------------------------------------------------

*knock knock KNOCK!* 

"Hoy! Alice andyan ka ba? wag mo nga akong taguan! ano ba?! magbabayad ka ba o hinde?! isang buwan ka nang di nagbabayad ah.  kapag di ka pa talaga nagbayad sa susunod na linggo, PAPALAYASIN NA TALAGA KITA!"

***

"sigh... buti na lang umalis na ung balyena." -_- mahinang buntong-hininga ko nang marinig kong tapos nang magsayang ng laway ang may ari ng bahay na inuupahan ko.

Nakuu pano ba yan?! tae naman oh.wala pa akong pangbayad hanggang ngayon.. ni-katiting nga WALA ako! uugghhh, 

ang hirap talaga maging mahirap!

ako nga pala si Alice. si Alice na mahirap pa sa daga. nagtataka kau siguro kung bakit ganto ang sitwasyon ko noh? 

well.. ganto kasi un, si kuya ko lang naman ang may kasalanan ng lahat. Tama ba namang isugal ang lahat ng ipon namin?! tas sinaabayan pa ng pagkakasakit ni mama. Yan tuloy, kinaylangan naming ibenta ung kalabaw namin pati na rin ung ibang baboy. Naku, nakuu! kapag nakauwi talaga ako ng probinsiya, MASASAPOK ko talaga ang bwisit kong kuya!

Nandito kasi ako ngayon sa Manila para mag-aral. Actually last year ko na nga toh sa college eh. Buti na nga lang at scholar ako, bawas gastos na rin. Shocks! speaking of college, may pasok pa pala ako.

Bago ako lumabas ng pinto, tinignan ko muna sa may bintana kung nandun pa ung balye- ay este, ung si aling matilda. 

Baka kasi harangan pa ako palabas at makatikim pa ako ng sermon. Edi lalo na akong nalate!

buti na nga lang at walking distance lang ung school na pinapasukan ko. Atleast nakakatipid na rin ako sa pamasahe.

Habang naglalakad ako, di ko maiwasang hindi isipin kung saan ako makakahanap ng pera.

"OUCH!" Sa sobrang lalim nga ng iniisip ko, di ko na namalayan na may poste na pala sa harap ko.

"Anak ng tokwa't baboy naman oh! Ba't ka ba paharang-harang diyan ah, poste!? kita mong naglalakad ang tao eh." Sisi ko sa poste habang himas-himas ko ung parteng na-untog.

OMG. NABABALIW NA ATA AKO. pati ba naman poste, kinakausap ko na?!!

Nakakaasar naman kasi eh. Kapag di pa tlga ako nakapagbayad sa susunod na linggo, baka kaylanganin ko nang magbalot at  maghanap na ng pwesto sa ilalim ng tulay.

HUHU.... Help me naman LORD.. san ba ako makakahanap ng pera sa lalong madaling panahon..?

Nung time na paalis na sana ako, may napansin akong nakapaskil sa poste.

"Wanted: Part timer" 

"50,000 a month" 

"for more info, call: 092-xxx-xxxx"

 

Grabe! muntik nang malaglag panga ko! akalain mo? 50,000 a MONTH! Ito na ba Lord ung tulong na hinihintay ko? 

ang bilis ah! pro OMG!! thank you, thank you, THANK YOU!!

Part Time BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon