Ang istoryang ito ay tungkol sa isang babaeng (Elizabeth) obsessed sa isang banda lalo na sa vocalist (Hiroshi) nito.
One day, nagkaroon ng event sa kanilang school kung saan bubuo ng isang banda ang mga estudyante para makapagperform sa naturang event. Nagpasya si elizabeth na sumali sa event at bumuo ng banda hanggang sa nakita nya ang grupo ng mga kalalakihan na nangangailangan pa ng isang gitarista, naglakas sya ng loob na sumali dito upang matupad na din ang pangarap nya na makapagperform sa harap ng maraming tao at para mapansin sya ng crush nyang si hiroshi. Ganunpaman, ay kinakabahan padin sya dahil nga puro kalalakihan ang kanyang mga kasama pero dahil inspirasyon nya ang crush nya ay tinuloy nya nalang ang matagal nyang inaasam.
Nabuo ang banda nila na kung tawagin ay "Deadly Monarch" na hango sa isang laro na kinaadikan ng isa sa mga miyembro ng banda. Sina Elizabeth, Kenichi, Dellonche, Genta, Rischiel at Kaigo ay ang mga miyembro ng kanilang nabuong banda. Si Elizabeth at Kenichi ang Lead guitarists, Dellonche naman ang Bassist, Rischiel ang drummer, Mixer si Genta at Lead Vocalist naman si Kaigo. Masayang masaya si Elizabeth dahil natupad na din ang isa sa kanyang pangarap at yun ay ang makasali sa isang banda at makapagtanghal.
Ganadong ganado si Elizabeth at suportado naman sya ng kanyang mga kaibigan lalo na ang kanyang bestfriend na si Keiko. Araw araw silang pumupunta sa bahay nina Rischiel upang magpractice para sa kanilang ipeperform sa darating na event. Lahat sila ay busyng-busy sa paghahanda dito. Ngunit, Nagback-out ang kanilang vocalist na si Kaigo sa kadahilanan na meron syang problema sa kanyang pamilya kaya nagpasya na muna syang umalis pero nalalapit na ang mismong date ng event kaya napagdesisyunan nilang lahat na idisband nila ang kanilang banda ngunit nagpasya si elizabeth na sya nalang ang papalit na vocalist upang di madisband ang kanilang nabuong banda.
Araw na ng event, at lahat ay handang handa na para dito. Masayang masaya si elizabeth dahil hindi naudlot ang kanyang pangarap kaya naman kahit kabado sya ay tuloy padin sya sa agos ng buhay.
Oras na upang magperform ang bawat kalahok, at ito na din ang oras upang magperform sila sa harap ng maraming tao. Halo-halong emosyon ang nadarama ni elizabeth ng makaakyat sya sa stage pero dahil sa suporta ng kanyang mga kaibigan, sa positibong pananaw ng kanyang mga ka band member at sa inspiration nya na ding si Hiroshi ay nagkaroon sya ng lakas ng loob para makapagperform ng maayos na walang kabang nadarama.
Patapos na ang event at iaanunsyo na kung sinu-sino ang mga nanalo upang magharap-harap uli sa susunod na event. Muling kinabahan si elizabeth dahil baka di sila mapili sa mga nanalo ngunit nagkamali sya, isa sila sa mga napiling maghaharap-harap sa susunod na event na magaganap. Sa ngayon ay binigyan muna sila ng project na kung saan gagawa sila ng isang cover mula sa kanilang napiling banda at iuupload nila ito sa YT. Gaya ng dati ay muli silang naghanda upang makapagupload agad nila ang cover na kanilang gagawin, Nagsuggest ang papa ni Rischiel kung paano ang set up na gagawin sa paggawa ng cover music nila at humingi naman ng tulong si Elizabeth sa boyfriend nyang si sasuke pagdidisenyo dito. Lahat sila ay sobrang excited na sa paggawa ng cover music nila kaya naman ay agad na nila itong sinimulan at ginawa pang magarbo ang paggawa dito. Nagsimula na silang pumili ng kanta na kanilang gagamitin sa cover music at ang kanta na kanilang napili ay mula sa bandang "Second Limit" kung saan kabilang si Hiroshi na syang crush na crush naman ni Elizabeth. Pumili na sila ng kantang gagamitin nila at ang kanilang napili naman ay ang kantang "Black Rose" na syang paborito ni Elizabeth. Isang linggo na ang nakalipas at sa wakas ay natapos na din sila sa paggawa ng cover music kaya panahon na upang sila ay mamahinga dahil sa susunod na linggo ay magiging busy ulit sila sa event at sa exam na din.
Araw na upang isubmit ang cover music namg bawat bandang napili. Lahat ng nakapagsubmit ng cover music ay syang magtatanghal ulit sa event na darating at doon ay iaanunsyo kung sino ang nanalo. Muling chineck ng ama ni rischiel ang YT kung saan inupload ng DeMo (Deadly Monarch) ang kanilang cover music. Laking tuwa ng ama ni Rischiel ng nalaman na umabot na sa 1m ang nagview ng kanilang cover music at higit libo na din ang naglike nito. Mas lalo syang natuwa noong nakatanggap ng mail ang page nila galing sa kompanyang "JJSTV2" kung saan hawak nila ang bandang Second Limit. "Isa itong magandang balita para sa mga batang iyon lalo na kay Rischiel at kay Eli" sabi ng ama ni Rischiel. Agad na binasa ito ng ama ni rischiel at lalo syang natuwa sa kanyang nabasa.
"Dear @deadlymonarchjp,
Good day deadlymonarch! We, The JJSTV2 company will invite you to join on our jamming session featuring Second Limit. We love to see all of you to perform in stage together with Second Limit! This is a limited chance! We do not usually hire any starting bands to perform but as we see in your cover music is totally awesome! So we're here to hire all of you as our official JJSTV2 band! Have a nice day everyone.
Sincerely,
JJSTV2."
Gusto ng ibalita ito ng ama ni rischiel pero dahil exam week eh naisip nya na wag muna ito ipaalam bagkus, ay gagawin nalang nya itong surprise message para sa lahat.
BINABASA MO ANG
My FIRST story
RomanceAng story na ito ay tungkol sa isang babae na obsessed sa isang banda at sa vocalist nito. Characters: Hiroshi Moriyama Masakazu Yuuki (Masack) Nobuhiko Kageyama Shouei Sakamotom Teruki Nozomi Kikyo Kinoshita (KidZ) -- Elizabeth Takishima Kenichi...