[My FIRST story] CH.03: Destroyed Love

16 0 0
                                    

Gustong balikan ni elizabeth ang notebook nya dahil kakailanganin nya ito sa school kaso maraming tao na ang lumalabas dahil tapos na ang concert.

"Kennnn. Yung notebook kooooo"-naiiyak na sabi ni elizabeth

"Yung notebook ba talaga o si Hiroshi? Hahahaha"-pabirong sabi ni kenichi

"Ughh. PAREHO!!! Pero yung notebook ko kailangan ko makuha gagamitin ko pa yun!"-elizabeth

"Eli, pakopyahin nalang kita ng notes sa geometry. Para di ka na umiyak dyan hahaha."-kenichi

"Osige. Malabo atang lumabas dito si Hiroshi. Tara uwi na tayo. Ay di muna! Syempre kakain muna tayo. Sayang niluto mo hahaha"-pagyayaya ni elizabeth

Bago sila umalis ay nagpaalam muna si elizabeth kay kenichi na magccr lang muna sya. Habang nasa cr si elizabeth ay di nya padin makalimutan na nagawang makipagbiruan ni Hiroshi sa kanya at nagawa pa nitong tanungin ang pangalan nya. Sobrang daming pumapasok sa utak ni elizabeth kung bakit ganun ang bungad sa kanya ni hiroshi samantalang sya ay halos nafreeze na sa kinatatayuan nya nung nakita nya ito. Lumabas sya sa cr na dissapointed sa sarili dahil hindi man lang nya magawa ang dapat nyang gagawin kay hiroshi bagkus ay natulala na lamang sya sa gulat . Habang naglalakad sya ay nakasalubong nya si hiroshi na papunta din sa cr.

"A-aaaah! Hiroshi!!"-gulat na pagkakasabi ni elizabeth

"Hahahaha. Good timing elizabeth. Nasa akin notebook mo sa geometry. Binasa ko at iilan lang ang nagets ko. Hahaha, eto na oh. Baka kailanganin mo."-sabay abot ni hiroshi ng notebook ni elizabeth

"Uhmm. Hiroshi? Naalala mo pangalan ko? Sa dinami dami mong fans na nakapalibot kanina?"-nahihiyang tanong ni elizabeth

"Ah? Hahaha. Syempre, paanong di ko matatandaan eh ikaw lang tinanong ko ang pangalan"-natatawang sabi ni hiroshi

Nagtaka si elizabeth kung bakit sya lang ang tinanungan ni hiroshi ng pangalan. Natuwa na lamang sya at nginitian na lamang si hiroshi.

"Uhm.. Hiroshi, aalis na ako ah? May lakad pa kasi ako eh. Hahaha"-nakangiting sabi ni elizabeth.

"Oh. Sure, ingat sa lakad mo."-tugon naman ni Hiroshi

Ngumiti nalang ulit si elizabeth sa kanya habang papaalis sya at ngumiti na lamang din si Hiroshi sa kanya.

Hiroshi's POV:
"Nakkyutan talaga ako sa kanya kapag ngumingiti sya. Parang may something sya na ewan. Di ko maexplain."

Pumunta na lamang si hiroshi sa cr upang maghugas ng kamay at pagkalabas nya ay mayroon syang naapakan. Isang keychain.

"Kay Elizabeth kaya tong keychain na to? Haha malamang. Picture ko nakalagay dito at sya lang naman ang nakasalubong ko kaya paniguradong kanya to. May nakalimutan na naman sya, itinatadhana talaga kaming magkita hahaha."-patawang sabi ni hiroshi

Itinago nalang ulit ni hiroshi ang naiwang keychain ni elizabeth saka ito umalis. Pagdating nya sa harap ng sasakyan nila ay tinanong si hiroshi ng ibang kabandmates nya

"Hiroshi, akala namin nilamon ka na ng inidoro.. ang tagal mo sa loob ng cr eh"-Masakazu (Masack)

"Hindi ah. May nakausap lang ako na fan. Sakto lang at nagkasalubong kami sa cr."-Hiroshi

"Sa cr?! Hiroshi baka kung ano ginawa mo sa fan mo ah HAHAHAHA"-patawang sabi ni Nobuhiko (Nob)

"Sira. Nasakto lang na papunta ako sa cr at paalis na sya. Nagkwentuhan lang kami saglit. Tapos umalis na sya"-Hiroshi

"Sana pinakilala mo samin hiroshi. Maganda ba sya? Sexy? Matangkad? Hahaha"-pabirong sabi ni Shouei (Sho)

"Maganda sya, but she's not my type. Parang ang boring nya na ewan. Pero ang talino nya sa math."-tugon ni hiroshi kay Sho

My FIRST storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon