(Extra Chapter, Leiah)
10:20am, ito ang oras ng pagdating ni leiah sa tokyo. Kaya maaga palang ay umalis na si Elizabeth upang sunduin si Leiah sa airport. Excited na excited na syang makita ito. Pagdating sa airport ay naghintay muna sya ng ilang saglit at maya maya pa ay dumating na si Leiah.
"Ateeeee!!!"-Pasigaw na sabi ni Leiah
"Leiah!!! I missed you so much! How are you?"-excited na pagkakasabi ni elizabeth habang niyakap nya ang kapatid nya.
"Ate naman. Don't english me, wala na ako sa ibang bansa. Hahaha, ate diba may ikukuwento ka? Ano yun!!"-excited din na tugon ni Leiah kay Elizabeth
"Later na sa bahay, ikkuwento ko ng buong buo hahaha. So, kamusta naman sa England? Maganda ba?"-tanong ni elizabeth
"Oo ate sobrang ganda sa England! Andami kong natutunan dun. Naging fluent ako kahit papaano sa english pero iba accent nila. Tapos mga pagkain na pwede ko ring maishare kapag nagluto ako ulit. Namiss ko na tuloy reaksyon mo kapag natitikman mo luto ko hahahaha"-tuwang tuwa na sabi ni Leiah
"Ganun ba? Yung kabandmate ko gusto ka nya makilala. Baka daw kasi makapagshare ka sa kanya ng dishes mula sa england. Pero uwi na muna tayo dahil alam kong pagod ka sa byahe."-elizabeth
At umuwi na sila sa kanilang bahay. 1 taon ding nawala si Leiah kaya madaming namiss na gawin su Elizabeth kasama ang kanyang kapatid na si leiah. Pagkauwi sa bahay ay nagpahinga muna sila saglit at maya maya ay inaya ni Elizabeth na lumabas sila ni leiah dahil narin ito sa kanyang pagbabalik sa tokyo kaya nais ni elizabeth na makabonding muna ang kapatid nya buong araw.
"Leiah. Gala muna tayo gusto mo? Puntahan natin yung mga pinupuntahan natin dati. I'm sure namimiss mo na yun."-natutuwang sabi ni elizabeth
"Ate tara. Paalam muna tayo kay mama. Baka kasi hanapin nya tayo."-agad na tugon ni leiah.
"Mama! Pasyal muna kami ni Ate~! Gusto ko ulit libutin ang mga lugar na pinupuntahan natin noon~"-Leiah
"Osige anak. Ingat kayong dalawa ah. Magtext kayo sakin pag nasaan na kayo ah."
"sige po mama~"-leiah
At agad ng umalis ang dalawa. Habang naglalakad ay napagisipan ni leiah na magkwento ng karanasan nya sa England.
"Ate, alam mo ba. Ang hirap mag-aral sa england. Biruin mo, aaralin mo pa yung english na yun tapos yung way nila sa pananalita dapat makuha mo yun. Halos mabulol na nga kapag tinatry ko english nila. Tapos di ka pa masyado makapaghalubilo sa kanila gawa ng iba ang lenguahe namin pareho. Pero kinaya ko naman ang makapagtapos doon ng 1year lang. Sana nga di na ako pabalikin ni papa sa england pero siguro namimiss na ako ng mga naging kaibigan ko dun. Kahit papaano naman naiintindihan nila sitwasyon ko kasi mahirap sa isang hapones ang aralin ang lenguahe at accent nila. Hmmm. Ikaw ate? Marami bang nangyari sayo dito sa japan ng wala ako?"-patanong na sabi ni leiah
"Oo naman leiah. Noon nga diba, nerd lang ako tapos nagfafangirling lang sa iisang lalake. Halos di nga ako nagpapaligaw noon. Kasi nga stick to one lang talaga ako at kilala mo naman kung kanino diba. Madaming nagbago sakin simula nang naging inspirasyon ko sya sa lahat."-elizabeth
"Oh! Balita ko kay mama may boyfriend ka daw ate?! Paano yun? May gusto ka sa isa tapos may boyfriend ka? Hala two time?"-gulat na tanong ni Leiah
"Hahahahaha. Leiah, Sabihin na natin na gusto ko sila pareho. Pero yung isa malabong makamit at yung isa nakamit ko na. Hindi man sya gaya ni Hiroshi pero meron sya na wala si hiroshi."-elizabeth
"Ano naman meron ang bf mo na wala si hiroshi?"-tanong ni leiah
"Hmmm. Sweet si sasuke, mabait, maalalahanin, hindi ako pinapabayaan at madami pa. Kaya masasabi kong perfect na si Sasuke sakin"-elizabeth
"Hmm. Pero ate, kapag ba nakilala mo ng husto si Hiroshi at nalaman mo na higit pa ang meron si hiroshi kesa sa bf mo, sino pipiliin mo?"-leiah
"Syempre si sasuke. Idol ko lang naman si Hiroshi. Mahal ko si sasuke kaya sya padin ang pipiliin ko kahit magkacrush ako sa isang gaya ni hiroshi haha."-elizabeth
"Ohhh. Buti naman ate. Eh paano yun? Diba nakabuo ka na ng banda and official band na kayo ng isang malaking company! Tapos makakapunta ka na sa concert ni Hiroshi! Edi magpapa-autograph ka sa kanya?! Whaaaa!"-leiah
"Oo naman. Magpapaautograph talaga ako. Hahaha baka nga iuwi ko pa sya sa bahay. Dejoke lang syempre."-elizabeth
"Huh? Sira ka talaga ate. May sasuke ka na! Akala ko ba si sasuke pipiliin mo?! Bakit iuuwi mo si hiroshi?! Hahahaha"-leiah
"Joke nga lang. Sineryoso mo naman. Excited na ako leiah, excited na ako makita si Hiroshi!"-elizabeth
"Ate pag nagkita kayo. Picture kayo ah! Hahahaha tapos iwawallpaper mo sa cellphone or ipapaprint mo yan malamang hahahahaha"-natutuwang sabi ni Leiah
Natawa na lamang si Elizabeth at patuloy nalang sila sa paggagala nila. Inilibot ni elizabeth si Leiah sa mga lugar na napuntahan nila noon dahil sa tingin ni elizabeth ay namimiss na ito ng kapatid nya libutin. 5:00pm na ng nakauwi sila sa kanilang bahay. Napagod ang dalawa mula sa galaan nila, natagalan din sila dahil na din sa madami silang pinuntahan at nagkwentuhan lamang. Gabi na at oras na para matulog sila. Gusto ni leiah na sa kwarto ng ate nya matulog kaya naman pumayag nalang ito dahil matagal na din nilang hindi nagagawa ang matulog ng magkasama.
"Ateee... Gusto ko sumama bukas. Kaso pagod pa ako kaya wag nalang"-antok na pagkakasabi ni leiah
"Pahinga ka na leiah. Inaantok na din ako, maaga pa ako bukas. May kasama na din ako kaya mahaba haba pa ang oras mo na makapagpahinga"-elizabeth
"Ateeee..... dalhin mo geometry notebook mo bukas ah."-leiah
"Huh? Para saan?"-nagtatakang tanong ni elizabeth
"Para malaman nya......kung gaano mo sya kagusto...... mahirap man pero pinipilit mo syang abutin......"-leiah
"Ah sira. Matulog ka na. Wag ka na magsalita."-elizabeth
Inayos na ni elizabeth ang kanyang mga gamit na dadalhin sa concert bukas. Isinama na din nya ang geometry notebook nya dahil sinabi ni leiah na dalhin nya ito. Pagkatapos nya ayusin ang kanyang mga gamit ay natulog na sya.
Kinabukasan, Eto na ang araw na pinakahihintay ni elizabeth. Ang araw kung saan first time nyang makakapunta sa concert ng Second Limit.
To be continued.
My FIRST Story: Destroyed Love.

BINABASA MO ANG
My FIRST story
RomanceAng story na ito ay tungkol sa isang babae na obsessed sa isang banda at sa vocalist nito. Characters: Hiroshi Moriyama Masakazu Yuuki (Masack) Nobuhiko Kageyama Shouei Sakamotom Teruki Nozomi Kikyo Kinoshita (KidZ) -- Elizabeth Takishima Kenichi...