Prologue

23 5 1
                                    

"Aalis kana naman? Iiwan mo nanaman ako?"

Halos mangiyak-iyak ako sa harapan niya, ayoko siyang umalis hindi ko alam kung kakayanin ko pang iwan niya ulit ako

"Oo, bumabalik naman ako every summer diba? Babalikan kita promise" nakangiti siya

Hindi ko siya maintindihan, nakakangiti pa siya sa lagay na yan! Eh halos mag-lumpasay na ako dito wag lang niya ako iwan eh.

Unti unting dumapi ang mga nag-uunahang luha sa pisngi ko

"Ayoko! Ayokong every summer lang kita nakakasama, gusto ko araw-araw kitang nakikita, nakakasama. Wag mo na akong iwan please"

Halos mag-makaawa ako sa kanya wag lang niya akong iwanan. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko na ayaw tumitigil sa pag-iyak

"Pangako ko sayo last na akong aalis ngayon pagkatapos neto dito na ako mag-aaral. Hindi na kita iiwan"

"Wez? P-pangako mo yan? Paano pag hindi mo nagawa yan kukutusan kita?" i said between my sobs, nakita ko naman siya ngumiti ng malawak

"Pangako."

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon