I. Once Upon A Time

15 3 0
                                    

Sobrang saya ko ngayon kase naman ilang oras nalang uuwi na si James, ngayon yung araw na sinabi niyang babalik na daw siya

Sobrang saya ko kase naman mag-kakasama na kami, miss na miss na miss ko na siya. Syempre nung una nasasaktan ako kase lagi niya akong iiniwan at babalik lang siya tuwing summer.

Who's James? Boyfriend ko, paano naging kami? Well

Tandang-tanda ko pa yun grade 6 ako ng naging classmate ko siya, di nga kami close nun eh.

Tapos nagising nalang isang araw na crush na niya pala ako, nung una di ko alam kung ano ba dapat ang ikilos ko

Wala pa naman kase akong alam dyan sa crush crush na yan, sa kanya ko nga ata nalaman yan eh.

Last year na nilang pag-stay yun, nung graduation iyak ako ng iyak kase aalis na sila tapos summer tuwing summer nalang daw sila aalis

Hindi ko nga alam kung paano ko natiis yung ganoong set-up eh. 3rd year highschool na ako at dito mag-fofourth year si james

Paano naging kame? Nung 1st year highschool ako sabi niya gusto na raw niya ako, chossy pa ba ako?

Syempre hindi na pero niligawan niya ako tumagal lang naman iyon ng mga isang linggo tapos sinagot ko na siya

Mga 2 month's sila nag-sstay dito sa pilipinas dati pero ngayon makakasama ko na rin siya ng matagal

"Clarisse! Nandyan na si James!"

Halos maibato ko yung phone ko ng malaman kong nandyan na rin sa wakas yung mahal ko.

May surprise kami ngayon sa kanya, dali-dali kong inayos yung damit ko at nag-iintay sa pag-pasok niya

"Surpise!"

Ganun pa rin siya wala siyang pinag-bago siya pa rin yung James na minahal ko

Kaso ang nakakabigla lang na may nakapulupot sa kanyang mga bisig ang isang babaeng maganda, maputi at sexy

"Hi! Ako nga pala si Sophie, Fiancé ni James"

Napatingin ang lahat saakin ng mabagsak ko yung hawak kong baso, nakatingin siya sakin

Akala ko siya ang ma-susupresa yun ako ako.. Surprise Clarisse

Anytime tutulo na yung nag-babadyang luha sa mga mata ko kaya mas pinili kong umalis na lang na lugar na ito

Once upon a time nag-mahal ako ng lalaking pinangakuan akong mahal niya rin ako

Pero ngayong pag-balik niya hindi ko akalaing ipinagpalit na niya pala ako..

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon