(Wala nang balita si Mark kay Shanine. Araw araw ay pumupunta si Mark sa kanilang tagpuan upang hintayin si Shanine, nagdaan ang mga araw, linggo, taon. Nandun parin si Mark napagdesisyon nya na sundan nalang si Shanine sa Manila. )Mark:(malungkot) nakapag tapos nako nang college at siguro nakatapos narin sya kung sundan ko kaya sya Oo susundan ko sya..
(Nagpaalam na si Mark sa kanyang mga magulang na hahanapin nya si Shanine sa Manila nag impake na sya at sumakay na sa bus papuntang Manila, habang sya ay nasa bus ay may nag tanong sakanya..)
Nagtitinda: bili bili na kayo oh boss bili kayo nang cloudnine oh mga chips nine pesos lang bili po kayo?
Mark: ah hindi po (naalala nya si Shanine dahil minsan nine ang tawag nya kay Shanine )
(Maya-maya ay nakarating na rin sya sa manila nagtataasang mga Gusali madaming sasakyan at madaming tao)
Mark: nakabalik narin ako... matagal tagal narin pala..... San kaya ako mag sisimula??? Ah alam kona.....
(Nagsimula na syang hanapin si Shanine, nagdaan ang isa, dalawa, tatlong araw ay di parin nya nahahanap si Shanine. Samantala si Shanine ay pupunta sa kanilang tagpuan nang pagbaba nya Sa bus dali dali syang pumunta sa kanilang tagpuan pero wala si mark dun nakita nya lang si lisa sa kanilang tagpuan )
Shanine:lisa??? A-anong gi-ginagawa mo dto Nasan si Mark???
Lisa: huh? A-ano kase si Mark eh
Shanine: anong si mark?? Nasan basya??
Lisa: Shanine wag kang magugulat hindi na pumupunta si Mark dto galit na galit sya sayo dahil iniwan mo sya sa sobrang lungkot nya ay uminom sya nang maraming maraming gamot na kung ano ano kaya sya namatay....
(Biglang hinimatay si Shanine )
Lisa: Shanine shanine!! Dadalhin kita sa hospital.
Nasa hospital na si Shanine. Samantala tuloy parin ang pag hahanap ni Mark nang biglang tumawag si Lisa kay mark)
Mark: hello.. lisa?
Lisa: Mark wag kang magugulat si shanine patay na wag ka munang pupunta dto ha dyan ka muna sa Manila
Mark: (Sa sobrang gulat ay nabitawan ang cellphone at sya ay nanghina Hindi parin sya makapaniwala sa mga oras na yun ang nasaisip nya lang ay magpakamatay pero iniisip nya parin ang kanyang magulang kaya bumalik nalang sya sa probinsya....)
(Nakabalik na sya, papunta na sya sa kanilang bahay nakayoko lang si mark hinang hina mabagal ang lakad patawid na sya sa kalsada nang biglang nabangga sya nang kotse....)
