NIQ’s POV:
“HAHAHAHA! PRICELESS ANG MUKHA MO RICO!” sigaw ko habang ako’y patakbo.
Paano ba naman nilagyan ko ng icing sa mukha. Binigyan niya kasi ako ng cake eh. Bitter daw ako sa score ko sa quiz. Pasado naman kaso di perfect. Inaasar akong GC. Haha! GC as in Grade Conscious!
“Kaw na nga ‘tong nagbigay ng cake eh.” Sabi nito. Hala! Mukhang asar siya ah. Umalis nalang siya bigla doon.
“Hala ka Niq! Nagalit ata si Rico.” Biglang sabi ni Alex. Kasabay naming kumakain kasi sila Alex at Raf dito sa may field.
“Naku! Marunong ba yun magalit? Di ko pa naman maalala kung anong ugali niya.” Sabi ko nalang sa kanila sabay yuko.
“Mag sorry ka na doon dali!” sabi ni Alex at sabay hampas ng kamay na parang pinapapunta ako kay Rico.
“Waaah! Eto na nga T___T Sorry naman kasi. Wait ah. Punta na ko don.” Sabi ko sa kanila at saka sinundan si Rico
______________________________________________
RAF’s POV:
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Dapat nga matuwa pa ako dahil nawalan ng alaala si Niq eh. Pwede na kaming dalawa ni Alex. Hindi ko rin kasi kaya siyang lokohin na. Sasabihin ko naman sa kanya noong araw na iyon pero nangyari nga yung aksidente eh.
Napabuntong hininga nalang ako.
“Okay ka lang ba? Gutom ka pa ba?” nagaalalang tanong sa akin ni Alex.
Napailing ako bilang sagot.
“Hindi. May iniisip lang.”
“Siguro si Niq ano? Nagaalala ka ba sa kanya?” tanong nito sa akin na hindi nakatingin.
“Oo. Mali kasi eh. Alam ng lahat na kami pero eto tayo, nagpapanggap na di kami. Kung sabihin natin ang lahat kaya?”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “NO! A-ayokong magalit ang bestfriend ko sa akin Raf.”
“Pero nagalit na siya eh. Noong araw na iyon, nalaman na din niya.”
“A-ayoko Raf. Siguro pag nakakaalala na siya. Sabihin natin kung ano man ang meron tayo.” Sabi ni Alex sa akin. Nakita ko na nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinunasan ko iyon at niyakap siya. “I love you Raf.”
“I love you too Alex”
______________________________________
RICO’s POV:
Nakakaasar! Nakakainis! Nagwalk out ako dahil lang sa pesteng kamay na yan! Nakita ko kasing humawak si Raf sa kamay ni Alex eh. Kakainis talaga. Kita na ngang nasa harap si Niq eh. Wow talaga.
Nandito ako ngayon sa CR naghuhugas ng mukha. Matutuwa naman sana ako sa ginawa ni Niq eh kaso nga nakakita ako ng di kaaya aya sa paningin ko. Kainis.
Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ko sa CR. Nagulat ako ng harangan ako ni Niq pagkalabas ko.
“Uy Rico, galit ka ba? Sorry na..” sabi nito sabay yuko.
Napangiti naman ako. Parang bata talaga ‘tong si Niq. Ginulo ko ang buhok niya. Magsasalita na sana ako ng…
“Naman eh!! Ginulo ang buhok ko!” sabi ni Niq habang inaayos ang buhok.
“HAHAHAHA! Parusa mo yan!”
“Ah ganon Rico?” sabi nito sabay pamengwang! “Humanda ka sa akin!”
Naghabulan lang kami ng naghabulan hanggang sa mahuli niya ako at kiniliti na naman. Napasandal nalang ako sa pader habang kinikiliti niya. Grabe kasi mangaliti hahaha!
*Click*
Natigilan kami ng mapansin naming na may nagflash.
“Cute niyo dito. Bagay kayo.” Biglang sabi ni Alex kasama niya si Raf.
“Talaga? Padalhan mo ko niyan ah.” Biglang sabi ni Niq sabay punta sa tabi ni Alex.
Tinignan ko naman si Raf ng masama. Talagang ginagalit niyo ako. Sinasaktan mo talaga si Niq. Kakairita ang pagmumukha talaga. Kahit si Alex eh. Talagang wala silang balak sabihin kay Niq ang lahat? Wow. As in Wow talaga.
“Tara na nga Niq. May mga masasamang damo dito.” Hinila ko si Niq papunta sa rooftop. Actually, kanina pa siya na ‘Rico, ano ba?’, ‘Uy’.
Pagkarating na pagkarating naming sa rooftop bigla ko nalang siyang binitawan.
“Ano ba Rico!? Ano bang problema mo!? Anong masamang damo pinagsasabi mo!? Nabulag ka na ba?!”sigaw sa akin ni Niq. Mahahalata mo siyang galit.
“Oo! Bulag na bulag na ako dahil una palang di ko na nakita ang lahat! Kung nakita ko lahat ng iyon! Edi sana di mangyayari sayo yan!”
“Ha?” yan lang ang tanong niya.
“Wala. Wala ito. Sorry. Hays.” Niyakap ko nalang siya agad. Instead na nasasaktan siya ngayon, ako ang nasasaktan eh. Hindi lang para sa akin, para din kay Niq.
“Uy, ano ka ba? Kung may problem aka, sabihin mo lang sa akin. Agad agad kang nanghihila pati sila Raf at Alex napagbuntungan mo.”
Kung alam mo lang Niq ang lahat. Kung alam mo lang.
===================================
Chapter 3 na ! ^O^/ HAHAHA! Sorry natagalan ang UD T__T
Ang ikli ng mga chappy T__T
Dedicated itong chapter na ito kay cutiesioham05 ^_^
Sana mabasa niyo din ang mga stories ni ForgottenKismet at Yilin04. HAHAHA! Kami yan PFFT. :3
Don't forget to vote and comment.
Thanks ♥
~YANDY
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories
Teen Fiction[KathNiel Fictional Story] Sa bawat piraso ng alaalang bumabalik, kapalit nito ay sakit na nararamdaman ng aking puso. -Niq Santillan