keep safe

0 0 0
                                    

Pauwi na ako galing school, gabi narin kaya binilisan ko ng kunte ang paglalalad ko, biglang humihip ng malakas at malamig na hangin. Naalala ko pasko na pala next week.

Ti-next ko muna si chad para ipaalala sa kanya yung group project namin. Habang nagtetext ako may biglang humarurot na motor sa gilid ko sabay ng pag ihip ng malakas at malamig na hangin uli. Hinablot niya bigla yung phone ko.

Waaaaa! Yung phone ko! Hindi ko na siya nahabol sa sobrang lakas niya magpatakbo ng motor. Naka black jacket siya tapos may black na bag din siyang dala dala. Nagulat na lang ako na may narinig akong malakas na pagbagsak. Pag liko ko nakita ko yung lalaki na nakamotor na naka higa na pati yung motor niya naka tumba narin. Merong lalaki na nakatayo sa harap ng lalaki naka brown jacket naman siya at suot suot niya yung hood. Apak apak niya yung braso nung lalaking humablot ng phone ko.

Kinuha ng lalaki yung phone ko tapos lumapit ako sa kanila. Binigay nung lalaki yung phone ko tapos kinausap niya yung lalaking humablot ng phone ko. Uma angal siya kaya nakawala siya sa pagkaka apak sa kanya. Kaya tumakbo siya ng mabilis. Hinayaan nalang namin siya tumakbo. Ang importante nakuha ko na yung phone ko.

"Sa susunod wag ka ng mag tetext sa kalsada lalo na sa ganitong oras." sambit nung lalaki."
"Okey. Thank you pala ah"

Di na niya ako pinansin, umalis na siya habang yung kamay niya nasa bulsa ng jacket niya. Tinignan ko nalang yung likod niya habang papalayo sakin. Umalis narina ako dun baka mamaya meron pang mangyaring hindi maganda.

Pagdating ko sa bahay nakita ko na sila kuya at lola na kumakain sa dinning room. Binaba ko muna yung bag ko sa sofa tsaka umupo sa tapat ni kuya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong sakin ni kuya josh.
"Eh sa ngayon pa lang ako dumating eh" pilosopo kong sagot sa kanya.
"Aba kelan ka pa natutong mamilosopo?" inis na tanong niya sakin.
"Hayaan mo na siya joshua, ang importante naka uwi si caye ng ligtas."sambit ni lola.

Si lola na tagapag ligats ko sa tuwing sinesermonan ako ni kuya josh.

Umakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Sinilip ko muna si kuya kyle sa kwarto niya wala kasi siya sa baba eh. Ayun tulog mantika. Hahahaha ang cute ni kuya kyle, naka nganga pa siya habang tulo laway hahaha.

Pag pasok ko sa kwarto ko humiga ako habang nakatingin sa kisame.
Naisip ko uli yung lalaki na kumuha ng phone ko sa mokong na naghamblot ng phone ko. Di ko man lang natanong yung name niya.

**

Hoy bessy! Napalingon ako sa likod ko. Si Shania lang pala.

"Good morning shayne;shania" masaya kong bati sakanya.
Tinapik na niya yung balikat ko, hingal na hingal pa siya habang binabanggit niya yung bessy.
"Oh bakit? May problema ba?"
"Bessy si chad." hinihingal padin siya.
"Ha? Anong nangyari kay chad?"mahinahon pero pasigaw kong tanong sakanya.
"Si chad, nasa likod ng campus. May kaaway kasama nadin yung mga kuya mo dun."

Hindi na ako nagtanong pa sakanya hinila ko nalang siya papunta sa likod ng campus kung saan ang daan ng mga nag diditch.
Napatitig ako sa mga lalaking nanduon. Nakita ko si kuya kyle na naka higa na at pilit paring bumabangon si kuya josh sinusuntok yung kaaway niya. Si chad naman nakikipag suntukan din. Pero hindi nag patinag si kuya kyle. Nung nakita niya na may papalapit sakanya at balak siya suntukin. Gumulong siya papunta sa kaliwa niya para maka iwas sa suntok nayun. Pag lagpas ng lalaking balak sumuntok kay kuya kyle. Inunahan na niya to. Sinuntok ni kuya kyle ng sunod sunod yung kaaway niya. Nung nanghina na yung lalaki. Tumayo si kuya at inapakan niya yung dibdib nung lalaki tapos sinipa niya yung private part nung lalaki.

Nung natapos na yung na away. Tumakbo kami ni shayne kila kuya at kay chad. Nagulat sila kuya nung nakita nila ako. Akala mo nakakita ng multo.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na parang may halong galit yung tanong sakin ni kuya josh. Di ko sinagot yung tanong ni kuya. Sa sobrang pag aalala ko niyakap ko ng mahigpit si kuya josh.
"Anong ginagawa niyo dito caye?"tanong ni chad sa amin ni shayne.
"Sabi kasi sakin si shayne na nandito daw kayo, nakikipag away."

"Nung pag kakasabi ko kasi nun kay caye hinila na niya ako papunta dito. Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita sasabihin ko pa naman sana na wag ng pumunta dito kasi baka magalit pa si josh." sambit ni shayne. Hindi siya makatingin samin nakatingin lang siya sa sahig.
" sa susunod caye wag ka ng basta basta pupunta dito, baka mapano ka lang." sambit ni kuya josh.
"Pero kuya..." di ko na natapos yung sasabihin ko. Kasi umalis na silang tatlo.

--

Ring ring /uwian na/

Feeling ko wala akong natutunan ngayong araw, sobra kasi akong nag alala kala kuya pati kay chad. Ibang iba kasi yung mukha nila kesa sa dati. Mas marami silang pasa at sugat ngayon. Pumunta na ako sa parking lot, nakita ko na sila kuya na nakasandal sa kotse namin.

"Kuya's!" sigaw ko sa kanila. Tumayo na sila at pumasok na sa loob. Pumasok narin ako baka masigawan pa ako eh.
Tahimik lang kami sa loob, ingay lang ng aircon ang naririnig ko. Ng makarating kami sa tapat ng bahay bumusina si kuya josh para ipabukas ang gate.

Umakyat na ako sa kwarto para matulog. Wala akong gana kumain eh.


Knight and Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon