Part I

1.7K 10 2
                                    

The Locker Story
By: Yram Neube 
(Twitter: @YramNeube)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Reality 1


Andito ako ngayon sa loob ng restaurant, may inaantay ako. Kung sino siya. Secret na muna. Bigla naman akong napatingin sa isang sulok, dahil ang kupad niya atang kumilos ngayon ay biglang nagbalik isa isa ang mga pangyayare.



Start of Flashback 1:

7 years ago:

Thursday:

Ako si Madonna Shyanne Montenegro, 4th year high school. Kasalukuyang kong kasama ang isa sa mga best friend ko na si Jani. Oo isa sa mga best friends ko pero dahil siya lang naman ang kasama ko sa classroom kaya malamang magkasama kami dahil nasa kabilang section ang buong Barkada. 5 minutes na lang at maglulunch na! Finally makikita ko nanaman ang mga kaibigan ko.


"5,4,3,2," Pagbibilang ko.

"Okay good bye class! /1!" Sabay naming sabi ng teacher ko.

At dahil miss ko na ang mga BFF ko. Eto hala bira deretso ako sa class room nila kung saan naman ako komportableng komportable. Palibhasa kasi mas close ako sa class na ito kesa sa class ko eh. 

"Shaniiii!" Sigaw ko pa dun sa isa sa mga magaganda kong BFF.

"Mandieee!" Bati niya sa akin. Habang si Jani kasama yung mga kaibigan pa namin. Wala lang trip lang namin humiwalay ni Shani, nagda date kami eh! Wala nang basagan ng trip ah!

"Uy may kwento ako sayo girl, alam mo ba nakaka asar sa loob ng classroom! Nakakaasar si Kris! Tss!" Ako

"Bakit naman? Aber?"

"Ang sungit sungit, lakas bumarkada kay bi-polar eh!"

"Haha! Gagita ka talaga!"

"Well. Nga pala I am trying to make a story sa Wattpad," so sinabi ko sa kanya yung plano ko. "Okay ba?"


"Oo. Pero bakit parang si Kris yung makakatuluyan mo, kala ko ba asar ka dun?"

"Kayanga, well, for unknown reason nung nagranking kami ni Kricia siya pinaka gwapo sa akin, saka kung characteristic pa kamo, pasado siya, kuskusin mo lang yung kasungitan niya sa katawan, okay na siya eh!" Pagdedepensa ko, possible nga bang nagkakacrush na ako sa kanya? Eeww. No way.

Eh kasi, gwapo naman talaga eh, idadag mo pa ang brains at yaman niya! Teka baka akalain niyo hanap ko pera at poorita ako, well isa lang naman akong only child na tiga pagmana ng Montenegro Hotel and Resorts Corporation. In short mala Paris Hilton ang peg ko.

"Hoy! Montenegro pasok na sa loob ng room!" Ay palaka! Si kambal ni kasungitan pala yun. Siya tumawag kasi siya mayor at time na daw!

"Hoy Yazuma! May first name ako ah! Tae ka!" Tinawag ko din siya by last name niya, kala niya kung sino siya ah! Tsss.

"Ewan ko sayo! Pasok na!"

"Opo eto na! Tss."

Pag pasok ko naalala ko, may HW nga pala kami sa Math ngayon! 
Buti na lang at wala pang teacher, magawa na nga! Shoot! Nalimutan ko na pede na nga pala akong mag tayo ng egg farm sa notebook ko dahil inuulan ako ng 0 sa mga HWs. Kaya.... 





"Kris!!!!!!"

"Bakit?" Sabi niya.

"Help mo naman ako pleaseeee. Sige na please!" Matching puppy eyes ang peg ko ngayon, medyo desperada eh.

"Fine." So ayun tinuro niya sa akin yung mga equations na hindi naman konektado sa buhya ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kelangan ko ang sine at cosine sa buhay ko eh.

Eto na yung Math Teacher ko! Chineck na niya yung HW at na perfect ko!

Pagtapos ng klase, nag locker muna ako. Actually katabi ng locker ko yung locker ni Kris at sakto andun siya.

"Dude!!!! Thank you so much! Kamsahapnida!

"Tanga! Korean yan eh! Japanese ako eh! Pero anyway, you're welcome!"

Ouch ah. "Alam ko naman eh! Di ba pwede feel na feel ko mag Korean ngayon?"

At umalis si kuya naglakad at iniwan ako. Haha! Anyway la naman akong paki eh! Ang bi-po talaga nun!

Makauwi na nga.






Pagdating ko sa bahay, nag FB muna ako. At ngayon ay nakaOL si sungit. Dahil mayor naman siya, tatanungin ko na din kung ano meron bukas.

Ako: DUDEEEEEEEE! 
Siya: DUDETTEEEEE!
A: Pede magtanong? 
S: Nagtatanong ka na kaya. Pero sige. :)))
A: Ano meron for tom?
S: Quiz sa computer, Fil HW. :))
A: Ah. Okay thanks! :)
S: You're welcome! :))

Wow ah! Kala mo naman in person nakangiti talaga! Tss.

The Locker Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon