Part III

372 3 0
                                    

"Btw, thank you nga pala. So kelangan kaka pasok mo palang lumalandi ka na?"


-SKAY




"Hoy! Babae! Pasok na!" Ay kabute! Iniwan napala ako ng mga kaibigan ko! What the fudge si sungit andito pala.

"Ay kabute! Andyan ka pala... Kanina ka pa ba dyan?" Duh Mandy duh.

"Oo." Pacool niyang sabi.

"Nakita mo?" Tanong ko. Malamang nakita niya, andyan lang siya sa likod mo eh.

"Para hindi ka na makulit, oo nakita ko lahat. Lahat-lahat, pati yung note. Akalain mo pinagaagawan ka sa panget mong yan."

Aray naman, ganon ba ako ka panget. Ang sakit ah, nakakahurt na nga yung note eh, sinamaan ko siya ng tingin. Yung masamang pacute ba. Haha. "Grabe ka naman, tinatanong ko lang kung may nakita ka, hindi ko hinihingi yung opinion mo," leche! Ang sungit niya!

"K. Fine." If I know asar talo tong gwapong masungit na 'to eh! What did I actually said that?


At siyempre kaya nga niya ako tinawag diba eh. Kaya naman nag punta na kami pa balik ng classroom. "Oy Kris na masungit, secret lang natin to ah!"

"Siyempre, at bakit ko naman pagsasabi yan? Kala mo naman kagandahan ka para pag tsismisan," grabe na talaga tong lalaking to. Kaunti na lang talaga. Hahalikan ko na to eh, pero syempre joke lang!

"At siyempre wala naman akong hinihinging dahilan sayo, kaya kung maaari kung wala kang sasabihin na kaaya-aya manahimik ka na lang," banas kong binitiwan sa kanya ang mga katagang iyan.


"Afsfahagauduajwjsjiakwsmaia," pabulong niyang sinabi.

"Anong sabi mo?" Malamang hindi ko narinig, pabulong nga diba.


At dahil matalik niya ngang kaibigan si bi-po, winalk-outan niya ako! Tss. Ingit lang siguro yun sa beauty ko. Oh my gosh, Mandy, tama na masyado ka ng feeler.




Pagpasok ko sa classroom:

"Hoy! Sabi ko samahan niyo ako, hindi yung iwanan niyo ako," mataray kong pananalita kay Jani.

"Sorry na girl, yang crush mo kasi pinapasok na kami eh," pagdedepensa naman niya.

"Anong crush pinasasabi mo?" Pagtataka ko.

"Tss. Kunware ka pa." Hay nako! Sasagot sana ako ng biglang dumating si Gab.

"Oh Gab?" Jani.

"Wag kang feeler di ikaw ang pinunta ko!" Gab

Isa pa tong bi-polar eh! "Guys ano ba?" Ako.

"Sya-sya maiwan ko muna kayo. Ayieee!" Ano ba naman Jani, wala talaga akong mafeel eh. Sorry Gab, pero let me try. One week. One week lang ang kelangan ko.


End of Flashback 1

Reality 2:

Aba, kaya naman pala ang tagal niya eh! May kasama siya eh! Sina Gab at Kris magkasama! Ano 'to magrereunion kami pagtapos ng mga nangyare dati? Umupo na sila.

"Kanina ka pa ba?" Gab.

"Naman, di ba obvious sa mukha ko? Bakit mo yan kasama?" Ako

"Una hindi obvious sayo, kasi panget ka na talaga. At bakit ano naman ang masama kung kasama niya ako?" Singit naman ng epal na si Kris.

"Tss."

Ayun umorder naman kami at nagkwentuhan. Habang kinakain ko yung paborito kong pagkain dito, dahil ito ay tabi ng school namin dati, hindi ko maiwasang magbalik tanaw.


Flashback 2: (Continuation of flashback 1)

Tatlong araw na ang nakakalipas at siyempre, nanliligaw pa din si Gab. Sinabi ko na sa kanya na I am going to try for a week. So I decided na ifocus ang sarili ko sa kanya. Ang mga kaibigan ko naman, hanggang ngayon eh kinikilig pa din. At ang nga kaklase ko naman alam na nila kung ano ang nangyayare, kaso may mga ilang bitter pa din sa hindi ko maintindihang bagay.

Nasa loob kami ngayon ng classroom at inaantay namin yung math teacher namin. Nga naman, first subject namin eh. Katabi ko ngayon si Gab nang may biglang dumating na bagyo na may dalang mapait na hangin.

"Pede ba! Ang aga-aga wag mag landian dito!" Sabi ng bagyo. Kaasar, unang una sa lahat naguusap lang kami ni Gab at hindi naman nga magkahawak ang kamay namin ah!

"Ano ba Kris! Kung naiinggit ka edi ligawan mo na din si Maria!" Si Maria lang naman yung babaeng napapabalitang gusto niya. Lagi daw kasi silang magkasama.

"Tss. Asgsgshahshajshajaka," ayan nanaman yang pabulong niya. Tss din siya.

Dumating naman ang teacher namin. Okay naman ang araw ko ng maglolocker na ako during dismissal, nakita ko na dadalawa lang ang tao sa hall, ako at si Kris. Tss. Well, I don't care, maglolocker pa din ako!

Habang naglolocker ako biglang may nasabi ng hey sa akin at si Kris yun. Told you, he's bi-polar.

"Hey," mahina kong sabi dahil magkatabi lang naman ang locker namin.

"Ano nga pala meron para bukas?" Dagdag ko.

"Social, Computer, Physics," sagot niya.

"Okay. Thanks!" At umalis na siya.

Nang kukunin ko na yung physics ko, may nahulog na papel. Saan naman kaya yung nanggaling? Duh Mandy syempre sa loob ng locker mo.





"I'll let you be with him for 4 days since I know you're just being respectful, but please, at least be considerate enough towards the feelings of others, or else I'll cut down the time I've given to you."

-ASKY




Weird. Very weird, actually. It has the same hand writing as the one who had given me the note 3 days prior, but with different initials. Somehow it creeps me out, but at the same time, it flatters me since I know that somebody actually cares for me.

Too much English and wrong grammar for me, pero diba, ano ba yan. This week nga naman, ang daming nangyayare and so on. Nakita ko naman si Maria at mukang nakita niya yung expression sa muka ko.

"Hindi ko gusto si Kris, kaibigan ko lang siya, kaya wag mo ng ipilit, magkaibigan lang talaga kami," kalmado at nakangiti niyang sinabi.

"Ha-hehehe. Eto naman, joke lang naman yung kanina," ako.

"Alam ko, pero sensitive si Kris," she said in a worriedly tone.

"Sige mauna na ako, " yan na lang ang nasabi ko at naglakad pabalik para kunin yung bag ko. Ang wierd naman nun, bakit bigla niyang binrought yung topic na yun. Possible bang nasaktan ko talaga si Kris? Pero parang ang shallow naman niyo kung dahil lang sa sinabi ko. Ganon ba niya talaga kagusto si Maria? O ganon ba talaga ako nakakaoffend magsalita. Ugh! I feel guilty. I should be nice to him na nga lang ulit.

The Locker Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon