Miks's POV.
Nagising ako ng maaga dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bumangon na ako at pumunta sa comfort room para gawin ang morning rituals ko. Naligo na rin ako at nagbihis ng uniform ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa labas. Nagulat ako ng makita kong may nakaparadang sasakyan sa labas. Ayy, nakalimutan ko. Susunduin pala ako ni Dylan ngayon.
Pinuntahan ko siya sa kanyang sasakyan at binati ng, "Good morning!" Sabay pasok sa sasakyan.
Pumasok din siya at, "Good morning babe. Did you eat your breakfast?"
"Not yet. Uhh, do I need to call you 'babe' too?" Nahihiya kong tanong sakanya.
"Ofcourse yes. We should really act like a normal couple." Tumango na lang ako sakanya.
"Ikaw? Kumain ka na din ba?"
"Not yet too. Daan na lang tayo sa drive thru. Maaga pa naman." Tumango na lang ulit ako.
Doon kami nag-drive thru sa Shanen's Pancake House. Umorder lang siya ng pancakes at kape. Habang papunta kami sa school ay kumakain kami. Iisang kamay lang ang gamit niyang pangdrive at yung isa naman pangkain.
Pagkadating sa school ay agad siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. "Thank you." Sabay ngiti ko.
"Your welcome." At ngumiti din siya. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin, kumbaga HHWW/Holding Hands While Walking. Pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Haha grabe nakakatawa ang mga mukha ng mga tao sa paligid namin. Nakanganga sila. Kulang nalang pasukan ng langaw mga bungaga nila. HAHAHA!
Hinatid nga ako sa classroom ni Dylan tulad ng sabi niya. "Sabay tayo lunch mamaya." Tumango ako. "BYE BABE!" Nilakasan niya pa ang pagkasabi at tumakbo bigla. Grr! Wag ka lang papahuli sa akin dahil malalagot ka talaga. Bigla naman akong naconscious dahil halos lahat ng classmates ko nakatingin sa akin.
Dumiretso na ako sa upuan ko at umupo na. Antagal naman ng teacher namin. May lumapit naman saaking babae. Uhh I don't know her name, hindi kasi ako interesado. "Kayo na ni Dylan?"
"Yeah."
"Kailan lang?" Pansin ko ang pagtigil ng iba sa mga ginagawa nila na parang nakikichismis din, tss.
"Kahapon lang." Sakto namang pumasok yung teacher namin. Si ma'am Jasmin Ramirez. Hay salamat! Bumalik na sila sa kani-kanilang upuan at nagsitayuan. Pati ako ay tumayo na rin.
"Good morning class." Our teacher greeted us.
"Good morning ma'am Jas." We greeted her in unison.
"Take your seat class." Sabay upo niya dun sa teacher's table.
"Thank you ma'am." Umupo na din kami at nagsimula na naman ang ingay.
"Keep quiet class. I'll be busy because I have something important to do-"
"YEEEEEEYYYY!"
"I said keep quiet! Patapusin niyo muna ako bago kayo magcelebrate diyan. But, I'll be giving you group activities." What? No. Mas gugustuhin ko pang ako na lang isa. Pero may magagawa pa ba ako? "Group yourselves into four. Since 32 naman kayo, lahat kayo may mga kagrupo. Each group will receive a paper and your task is already in there. Please submit that tomorrow. That's it, good bye class." At umalis na siya. Nagsimula na silang maghanap ng kagrupo. Ako? Dun lang ako sa grupong may kulang. Ano pa nga ba?
Ng matapos na silang makahanap ng grupo ay may isang grupo na kulang ng isa. Tatlong babae sila. Lalapit na sana ako ng inunahan ako ng babaeng nasa gitna nila na feeling ko ay leader nila. Maganda naman siya. "Wala kang kagrupo? Sali ka na lang samin." Tapos ngumiti siya. Mabait naman pala eh. "Sige." Tapos sumunod na ako sakanya.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Almost-Perfect Girl
Teen FictionThere's this girl named Cloei Mickhaela Reyes. She's almost-perfect girl because she have the looks, the brain and the wealth. But what makes her just almost-perfect and not beyond-perfect? Lovelife. She have a very very bad lovelife. She always end...