Short Story-1

1K 2 3
                                    


Finding Love

By Ralden

"Bayag Kabayo?"

Pero hindi siya nagsasalita.

"Bayag Kabayo ho? San po yung sakayan nun?"

Pero mas lalo nagtaka ang matandang lalake, nakakatitig lang siya sakin, siguro nagagandahan siya sa beauty ko o baka nabastusan.

Magsasalita pa sana ako, pero isang boses ng babae ang sumungaw.

"Ineng.. hindi ka taga rito nu?, walang sakayan papuntang Bayag kabayo, kailangan mong lakarin yun ng apat na oras"

Ako naman ang hindi nakapagsalita. Napanganga nalang ako sa sinabi ng matandang babaeng nasa right seat ng Dyip.

"kung gusto mo sumabay ka nalang samin, dadaan 'to dun, mga dalawang oras ang byahe..."

Tiningnan kong mabuti ang lumang Dyip na sinasakyang ng dalawang matanda, pinaghalong kalawang at putik ang pintura ng katawan nito, yun ngang nakasulat na "Not for Hire" naging "No or Hi" hindi ko alam kung matatawa o malulungkot ako, parang sinasabi sakin No-wag kang sumakay, or Hi- sakay na, habang nakanganga yung bumper ng Dyip na parang tumatawa.

Sabi nila malas daw tumingin sa basag na salamin, e yung sumilip sa basag ng side mirror ng Dyip? Totoo pala talaga yung mga nakikita ko sa TV ng mga overloaded na sasakyan sa probinsya dala dala ang iba't ibang produkto: mga sari-saring gulay, sako ng bigas at pakiramdam ko may kabaong din dahil amoy patay yung loob, mga naglalakihang troso naman ang angkas nito sa bubong, mga bungkos ng tela naman ang katabi ng dalawang matanda sa unahan. Noong mga oras na iyon isa lang nasa isip ko.

Sino ang mas unang bibigay yung Sasakyan o yung Nakasakay?

"Ineng dun ka sa taas, sa unahan may konting espasyo pa dun" Sabi ng matandang babae ng mapansin niyang nakanganga ako.

No choice na, sa isip ko.

Nakangiwi akong tumungo sa matandang babae, na No choice na rin siyang bawiin pa ang alok niya sa'kin. Kaya dalawa kaming nakangiwi sa katanghaliang tapat.

Byaheng langit, Sabi ko pagkaangas ko sa bubungan ng Jeep.

Pasado 3:30 pm na rin ng mga oras na 'yon, buti nalang mahangin at malilim sa lugar, malawak na kagubatan at di maubusang mga puno ang nahahagip na mga mata ko, malayung-malayo sa syudad. Ang sarap langhapin ng simoy ng hangin, kasabay ng mga katas ng tinapyas na kahoy, amoy ng kalawang, at mga nabubulok na gulay, na hindi narin nalalayo sa amoy ko.

Madaling araw sana ang binalak kong sched ng byahe, kaso yung kontrabida ng buhay ko, na isang matabang matandang dalaga na boss ko ang pumigil sakin, bawal daw ako mag leave dahil big event ngayon, parang gusto ko siyang murahin ng P*tang ina mong balyena ka di ka pa napisat ng pison!, dahil araw-araw naman niyang sinasabing big event at bawal umabsent, kesyo ganyan kesyon ganun. E palagi ko lang naman ginagawa e umiskwat at makipag-usap sa mga deodorant.

Sa limang taon ko bilang promodiser ng mga deo, alam na alam ko na kung anong kailangan ng isang tao, lalake, babae, bakla, tomboy at lahat ng kasarian ng kili-kili. Maraming umaaway sakin kapag hindi nila naa-achieve yung porselenang kutis ng mga artista. Sabi ko naman, Deodorant yung binibenta ko, hindi milagro!

Ngayong araw Todo, ang sales stalk ko, Kailangang maka kota para makaalis ng maaga, Lahat na ata ng pang uuto nasabi ko na, " MIRACLE DEO!" BILI NA KAYO MGA MA'AM SIR, KAYANG BUMUHAY NG PATAY NA KILI-KILI!" pero wa epek ang beauty ko, isang bagay nalang hindi ko pa nagagawa, Sa kalagitnaan ng Demo, bigla akong nahilo at nahimatay, Biglang Tumawag ng medics at inalalayan ako sa labas. Sabi na nga ba hindi pangkili-kili ang beauty ko, pang-Starstruck.

FINDING LOVE-SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon