Chapter 6 Woah!

19 2 1
                                    

Chapter 6

Cath's POV

Nakakatamad na palagi nalang bahay--> school--> bahay .Minsan naman gagala kaming 6C's. Haayy, parang ang boring naman ng buhay ko wala manlang challenge?

Ni hindi ko panga nakikita ang prinsipe ng buhay ko, wala din akong crush ngayon. Sa tingin nyo, abnormal na ba ako? Kasi palagay ko hindi pa nakakahanap ng perfect guy si God na karapat dapat sakin.😁

By the way, on the way na pala ako sa school (A/N: magka rhyme yun. haha) ng makita ko si Jared namay ka halikang babae.

"WOOAAHH!" OA na ba ang reaction ko? haha pagpasensyahan nyo na nagulat kasi ng sobra.

"Oh, iha na pano ka?" tanong ni Mang Noel dahil siguro sa nagulat sa pagsigaw ko.

"A-ah eh wala po, may nakita po kasi akong pusa na tumalon galing sa ikalawang palapag hanggang kalsada kaya na pa "Woah" po ako.

"Ah okay, akala ko kasi iha kung na pano ka eh. "

So, totoo talaga yung mga sinabi nila Clarissa. Sasabihin ko ba sa kanila lalo na kay Claire? baka kasi di maniwala yun di nga naniwala nung isang araw kina clarissa na tatlo silang nakakita, ako pa kaya na mag-isa kong nakita. Muntik na talaga silang mag-away kaya nga hanggang ngayon may tampuhan pa sila. Ano ng gagawin ko ngayon?

"Ay, bahala nga si batman. Sige ho, baba na po ako, text ko nalang po kayo if magpapasundo na po ako. Salamat & ingat po kayo!" Nag paalam nako kay mang Noel at nagsimula ng maglakad.

Iniisip ko parin kung anong gagawin ko, kung pano ko sasabihin kay Claire na maniwala sya samin at ng matauhan na sya habang maaga pa. Kaseee nemen!

"Arrghh!"

Hindi ko namalayang napalakas ko ang pag sigaw.

"Ay baklang panget!" Laking gulat ko ng may humarang sakin. Bahagyang tumaas bigla ang kaliwa kung kilay.

"Umalis ka nga dyan!" nakakainis. "Sinisira mo araw ko eh." pero pabulong kong sinabi.

"Nakita kong dumaan ang kotse mo kanina" cold nyang sabi.

"S-ooo? a-no naman sayo? Iyo ba ang daanan huh?!"

"Woah! dahan-dahan naman umuusok na ilong at tenga mo oh! Masyadong defensive ka naman ata.tsk!"

"Haleeerrr.. Hindi nuh! Ang tanong, ba't naman kailangan kung maging defensive?" Tss. kung tutuosin ikaw nga ang dapat maguilty at maging defensive ngayon. Hullo! bestfriend here!

"Sige, mauna nako.......jerk!" pero syempre hininaan ko ang last word. *smirk*

-------

(A/N: Hello po! sorry medyo matagal-tagal din bago nakapag-update. Pasensya na po medyo busy lang. At SOBRANG THANK YOU po sa patuloy parin nagbabasa kahit alam kung medyo lame ang mga updates ko. ingat po kayo. Don't forget to VOTE & COMMENT 😊😂😜)

Tears of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon