CHAPTER 5 : Nightmare

54 5 0
                                    


Sepherene's PoV

Gabi na ng makabalik kami ni Jean sa dorm. Agad na humiga si Jean sa kama nya dahil kanina pa sya pagod na pagod. Umupo lang ako sa tabi nya at nilalabas isa-isa ang mga pinamili namin para maayos na.

"Dapat pala, hindi na tayo bumili ng Ice Maker." Sabi ni Jean tsaka ngumuso ng parang bata. Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay at ipinatong nya dito ang kanyang ulo.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko ng hindi sya tinitignan. Nagkibit-balikat sya. "Wala lang. Para kasing gastos lang yan, eh hindi naman natin magagamit yan."

"Kulit mo kasi eh, sabi sayo 'wag na natin bilin." Sagot ko at tumawa. "Pero, hayaan mo na. Nandyan na 'yan eh. Ano pa bang magagawa natin?" Tanong ko kaya nagkibit-balikat naman sya.

Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit. Nilagay ko ang ilang piraso ng mga 'Kutsara, Tinidor, Plato, at Mangkok' sa isang lagayan.

"San natin ilalagay to?" Tanong ko kay Jean at itinaas ang Ice Maker para makita nya. Humarap sya sakin tsaka tinuro ang ibabaw ng cabinet. "Dun na lang, gawin nating display. Hahaha." Sagot nya at tumawa tsaka bumalik ulit sa pagkakahiga.

Napa-iling na lang ako at nilagay na sa ibabaw ng cabinet ang Ice Maker na nasa kahon pa. Nang mai-ayos ko na ang lahat ay humiga na rin ako sa tabi ni Jean. Humikab ako at nag-unat-unat.

-- * yawn * --

"Sepherene." Tawag ni Jean kaya napatingin ako sa kanya. "Yes?" Tanong ko. "Uh- wala. Tinignan ko lang kung gising ka pa. Geh, tulog na tayo. Goodnight. Mwaps!" Sagot nya at pumikit na.

"Wait--ano- punta tayong library bukas, ah." Sabi ko, tumango lang sya kaya pumikit na ko at sinimulan ng matulog.

Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na matulog na ay hindi talaga ako matulog. Humarap ako sa kanan, pero di pa rin ako makatulog. Humarap ako sa kaliwa, 'ay hindi rin ako makatulog. Paikot-ikot lang ako hanggang sa ipinikit ko ang mga mata ko para ipilit na matulog na.

"Sepherene Granger, baby." Tawag ng isang boses lalaki. Nakatingin lang ako sa batang babae na may pangalan na 'Sepherene Granger.'

"Daddy!" sigaw ng bata at yumakap agad ito sa Daddy nya kaya binuhat sya nito. Mukang ang saya-saya nila dito. Dumating naman ang isang babae, binaba nung daddy yung bata at tumakbo ang bata palapit dun sa babaeng dumating.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOGWARTS ACADEMY (School of Witchcraft and Wizardry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon