"Hi Miss Yui! Sabi na nga po eh first day pa lang pupunta na kayo." nakangiting bati sakin nung isa sa mga staff.
"You know the routine." mabuti pa tong staff ang friendly sakin.
First day ng Book Fair, wala pa masyadong tao. Haay, buti naman. Bulong ko sa sarili. Kinakabahan ako. I don't know if can do this. To talk to a complete stranger. To introduce myself and make friends. No, i know i can't. But it's too late. Nakipag deal na ko.
Breathe in, breathe out. You can do this.
First try.
I start looking for someone that looks like 'somehow' pretty close to my personality. Like you know, loves book not just pretending to love them but actually meant it.
"Uhm, hi!" darn it, super weird ata ng pagkakasabi ko..
"Uhh, hello?"
Holy crap ano na sasabihin ko? Aaaahh. This is so embarrassing.
"Do you like books?" oh gosh, Yui. You're so stupid! Why would you ask that. Whyyyy
"Of course. That's why i'm here."
"Oh." ang stupid kasi Yui.. "By the way, i'm Yui."
"Yes, kilala kita. Uhm, can i go now? May mga hinahanap pa ko eh."
"Oh. Yeah, sure."
Fail: Strike 1
Second Try.
Pumunta ko sa Sci-Fi section. Sa pagkakaalam ko yung mga sci-fi enthusiast madadaldal. Baka merong friendly dito. Let's try..
"Hi! Nabasa mo na yan?" tinutukoy ko yung book na hawak nung girl. Stenie Meyer book.
"Nope. Chinicheck ko pa kung ano yung story."
"Ah.. Maganda yan, i've watch the movie and read the book. Good ending." naka-thumbs up ko pang sabi.
Seriously di ko na alam ginagawa ko. I'm trying to be cheerful, baka kasi mas nakaka-attract ng friends pag laging masaya and outgoing. But why does it look na hindi 'to effective sakin.
"Ah.. Ganon ba, sige thank you." nilapag nya yung book.
Fail: Strike 2
May nagawa ba ko? Or they just don't like me. Hindi naman ako nakaka-intimidate, wala naman akong sakit, mabango naman ako. Tell me world, WHY?
Okay fine, one more try. If i sense na wala ulit. Ako na lang aalis. After all, napahiya na naman ako. I think that's enough for today.
Third Try.
I saw two girls in the Chic-lit Section, okay Yui do a quick review.
Same age.
Pretty.
Smart Looking.
Tall.
Friendly (?) i hope so..
Naglakad ako papalapit sa kanila, parang medyo narinig ata nila ako na papalapit. Medyo humina yung voice nila. This is it, feeling ko biglang naging mute lahat. Wala akong naririnig kundi boses ko. Oh please. Kahit isang beses lang, palusutin nyo naman ako sa kahihiyan.
"Hello gu--"
Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang sila umalis. Marami ring nakakita. 10 people, i guess.
I know that it's weird when some girl is walking towards you keeping a creepy fake smile plastered in her face in order to make friends with others. That is creepy in so many levels, but it is rude to just stare at that person and then turns around with a smirk and then leave.
Nakakabastos. Nakaka-offend.
What would you expect, Yui? Na merong bigla na lang susulpot just to know you and be bffs? As if.
Pst.
What was that? Hm.. whatever whatever, probably imagination.
Pst.
Oh Gosh, no. Meron na naman. Ano ba yun? May bata ba dito? Ugh.. Lumingon ako sa kanan, wala naman. Sino naman kaya yun..
Pero nung binalik ko na yung direction ko infront nagulat ako may girl sa left side ko. Ang lapit nya na sa left cheek ko.
"Ah!" medyo napasigaw ako kay girl, syempre bigla na lang sya lumabas jan at naka-stare pa talaga.
"Who are you?"
"Hi! I'm Andrei Veronica Samonte. Ava for short."
"Okaay, ahhh.. I'm Yu--" and hindi na naman ako pinatapos. Pero not like kanina, di naman ako nainis dito kay Ava.
"Sue Yui Dela Merced, right?"
"Uhm.. Yes. Teka bakit mo ko kilala? And, if you don't mind me asking. Ano ginagawa mo dito? Nagulat lang kasi ako bigla ka na lang nandyan." this girl is a weirdo
"Ano ka ba!! Sikat ka kaya lalo na sa mga book events! Saka schoolmate kita, well, magiging." she smiled. Ang saya nya ha. Hahaha
"I see. Teka, mahilig ka din sa books?"
"Uhm.. Di masyado eh. Pero kasi isa ako sa staff."
"Huh? What? Why? I mean.. Di ba same age lang naman ata tayo? 16?"
"Yes! Wala lang, gusto ko lang masubukan."
"Ahhhh." wow, napaka adventurous.
"Hm.. Nice meeting you Ava. I'll go now, bye." uuwi na lang ako. Since wala naman gusto makipag-friends dito..
"Huh? Bakit? Maaga pa ha?"
"Baka kasi iniintay na ko ng mom--" teka, i realize something..
"--uhm Ava?"
"Bakit Yui? Ay, teka masyado na ba kong fc? First name basis kasi, sorry." ^^v
"No, okay lang no. That's right, tawagin mo na lang akong Yui. Uhm.. Gusto mo mag-dinner?" i hope pumayag syaaaaa
"Oo naman!" YESSS!! Buti pa 'to friendly not like the other girls here.
"Ok then, sa bahay na tayo mag-dinner. I want you to meet my mom." I smiled.
At last nagkaroon na ko ng lakas ng loob na makipag-friends. Ulit..