Chapter 1

169K 2.3K 146
                                    

CHAPTER 1

Three years ago

BIANCA'S POV

Nabubuhay lang ako na laging pangalawa sa kapatid ko na si Allison.

Aminado ako na mas maganda, mas magaling at mas mahusay sya sa lahat ng bagay.

Hindi mo kami mapagkakamalan na magkapatid.

Maputi sya samantalang ako ay morena.

She looks so fragile at ako naman ay may strong personality.

Pati sa ugali ay nagkaiba kami.

Sya ang masunurin at mabait na anak, ako naman ang rebelde at black sheep ng pamilya.

Hindi maiwasan ang maikumpara sa perfect sister ko at hindi ko maiwasan ang maiinggit sa atensyon na nakukuha nya pero ganun pa man mahal ko sya.

Hanngang sa dumating si Lyndon sa buhay namin.

Una ko pa lang syang nakita ay tumigil na ang mundo ko.

It was like that the first time I saw him was the last time I saw my heart.

Kung gaano kabilis ko syang nagustuhan ay ganon din kabilis akong nabigo.

"Bianca, I want you to meet Lyndon. He's my husband."

Si Allison na naman ang nauna.

Pati sa lalaking gusto ko ay napunta sa kanya. Sa Italy sya nagtatrabaho kaya naman nagulat na lang ako ng malamang may asawa na sya at buntis pa.

I feel so guilty. Mabait sa akin si Allison, ibinibigay nya sakin ang mga bagay na gusto ko.

Pwede ko din bang hilingin si Lyndon sa kanya?

Sa paghiling ko na 'yon hindi ko alam na agad akong mapagbibigyan, hindi ko din naman ginusto na may mangyaring masama kay Allison.

Namatay sya pagkatapos ipanganak ang kanyang kambal.

That time sobrang devastated si Lyndon.

Sa pagkawala ni Allison napabayaan nya ang mga anak nya kaya naman I took the responsibility sa pag-aalaga sa mga pamangkin ko.

Dahil ulila na kami ni Allison ay sa bahay sya ni Lyndon nakatira kasama ang biyenan nya.

Sa pag-aalaga sa kambal ay halos doon na din ako tumira matapos ang libing ng kapatid ko.

"Bianca, pwede ba tayong mag-uasap?" tanong sakin ng papa ni Lyndon habang nilalaro ko ang dalawang bata.

"Sige po tito." sabi ko sa nagtatakang tono. Bihira lang mag stay dito sa bahay ang papa ni Lyndon dahil madalas 'tong nasa ibang bansa. Napapansin ko na lagi nya kong pinapanood habang nakikipaglaro sa dalawang bata.

"Parang ikaw na din ang naging ina ng kambal. Pasensya ka na hija kung sayo sila naiiwan. Alam kong may sarili kang buhay at may trabaho ka pa."

"Okay lang naman tito. Busy naman po kasi si Lyndon."

"Simula ng mawala ang kapatid mo ay nagpapakamatay na din sa trabaho si Lyndon, nakakalimutan na nga nya na may anak pang naiwan ang asawa nya."

Tama si tito, simula ng namatay si Allison ay hindi na madalas umuwi ng bahay nila si Lyndon.

Naiintindihan ko naman sya, ayaw lang nya siguro mag-stay sa bahay dahil nandoon ang masasaya nilang moment ni Allison.

Para syang buhay na patay at nasasaktan ako na makita syang ganon.

Sa pagkawala ni Allison ay tangay nya ang puso ng bayaw ko.

Gusto ko syang yakapin at bigyan ng comfort, gusto kong ilabas nya lahat ng emosyon na itinatago nya. Hindi ko man lang sya nakitang umiyak ng namatay si Allison.

Alam ko namang nasasaktan sya at pinipilit lang nyang magpakatatag.

Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin pero may part ng pagkatao ko na gusto kong pawiin ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.

Nagitla ako ng tawagin ako ni tito.

"Bianca, are you listening?"

"Yes tito?" tumikhim at umayos ng upo si tito bago muling nagsalita.

"Sabi ko nga kanina. I think kelangan ni Lyndon ng asawa na mag-aasikaso sa kanya at sa mga bata."

"Pero ilang buwan pa lang na namamatay si ate, nagluluksa pa si kuya." sobrang insensitive naman pala ng papa ni Lyndon ni hindi pa nga natutuyo yung lapida ng kapatid ko sa puntod tapos gusto ng palitan yung pwesto ni ate bilang asawa ni Lyndon.

"Alam ko. I'm sorry Bianca, wala akong karapatan para sabihin 'to at kapatid mo pa naman si Allison. But Bianca life must go on! Kelangan ng mga bata ng kikilalaning ina."

"I think that's not a good idea." alam ko naman yung punto ni tito pero ang palitan ang pwesto ni Allison ng ganung kablis ay parang insulto lalo na kay Lyndon. Oh my gosh! Nalilito ako! Nagseselos din ako kung sino man ang papalit bilang Mrs. Ronquillo. Magiging mabait naman kaya yun sa mga pamangkin ko?

"Kaya nga I suggest, marry my son Bianca Alvarez."

"WHAT?!?" okay. Matagal ko ng gusto at pinangarap na sana ako na lang si Allison pero ang maging asawa ni Lyndon sa ganitong sitwasyon? NO WAY!! He's a stone-hearted! Hindi nga ako mahal nung tao. Isa lang ang mahal nya. Ang kapatid ko who unfortunately died.

"Nakausap ko na si Lyndon. He agreed." napamaang na lang ako sa sinabi ni tito. Pumayag si Lyndon? Bakit? Alam kong si Allison lang ang mahal nya at kailanman hindi mababaling ang atensyon nya sa akin.

"Bianca, pakasalan mo ang anak ko para sa mga bata. Mas mabuti ng ikaw ang kilalanin nilang ina."

"I can't believe this." gusto kong matawa out of frustration. Napatayo ako ng makita ko si Lyndon na papasok ng pinto. Walang makikitang ano mang emosyon sa mukha nya. He's so cold. Ano na lang ang mangyayari kung magpapakasal kami.

"Kuya."

"Iwan ko muna kayo." hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng lumapit sa akin si Lyndon. Nandoon na naman ang urge na gusto ko syang haplusin at yakapin. Gusto kong iparamdam ang matagal ko ng itinatagong pagmamahal sa akin. Hindi ko yon magawa dahil pakiramdam ko ay tintraydor ko ang sarili kong kapatid. Minamahal ko ang asawa nya.

"I need you Bianca."

Sa mga sinabi nyang yon' ay natangay na lang ako ng emosyon ko. Ramdam ko kasi sa boses nya na nahihirapan na sya at kailangan nya ako. Nalilito ako.

I'm sorry ate pero kailangan ako ng asawa mo.

Masama ba kong kapatid para mahalin sya?

"Yes. I'll marry you.”

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod pero ang alam ko lang gusto kong alagaan si Lyndon at ang mga bata.

Ano bang naghihintay sa akin?

Marriage without love.

Mahalin ang isang lalaki na mas malamig pa sa yelo.

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon