Chapter 11

103K 1.3K 85
                                    

Chapter 11

BIANCA'S POV

Ilang araw na din nung nangyari yon at masasabi ko na malaki ang pagbabago sa pagsasama namin ni Lyndon. Ngayon ko lang nakita yung sweet side nya, ganito din kaya sya kay Ate Allison? Kaya ba sya nagustuhan ni Ate kasi may ganitong side si Lyndon? Siguro nga baging malamig at manhid si Lyndon nung mga nakalipas na taon at ngayon nakikita ko na handa na talaga syang mag move on kasama namin nina Elaine. Tatlong taon naman na ang nakaraan siguro naman ito na yung right time para mag move on kaming lahat. Hindi naman sa kakalimutan namin si Ate pero may buhay kaming lahat. Hindi naman pwede syang ma-stuck habambuhay sa nakaraan.

Masama ba ko? Masama ba ko para mahalin yung lalaking mahal ng kapatid ko? Lagi na nga lang akong pangalawa, laging sakin napupunta ang nagamit na nya. Gusto ko lang naman alagaan at mahalin sina Lyndon at ang mga bata. Masyado ba kong makasarili kung hiniling ko na sana akin na lang talaga sila?

----------

"Mommy papasok na kami!! Babye po!!" paalam sakin ni Elaine at humalik sa pisngi ko ganun din si Ivan ginantihan ko naman sila ng yakap.

"Hon. alis na kami ng mga bata, ihahatid ko pa sila." ngumiti ako kay Lyndon at hinalikan sya sa mga labi. Ngumisi lang sya at tumango.

TVFN: The Substitute Wife 30

"Mamaya ah."

"Baliw! Hahaha. sige na baka ma-late pa kayo." at inihatid ko na yung mag-aama sa gate at nag wave ng makaalis na sila. Isa pa 'tong pinagbago ni Lyndon, nagiging malapit na sya sa mga bata. Tama lang naman kasi mga bata pa sina Elaine at kailangan nila ng atensyon ni Lyndon. Napakalambing na mga bata. Nangiti na lang ako mag-isa habang naglilinis ng bahay, ganito talaga yung pinangarap ko na buhay may asawa, simple lang at masaya. Ayoko na ulit bumalik sa magulo kong buhay gusto ko magsimula ng simpleng pamilya.

Naglilinis ako ng bahay ng mag ring ang telepono. Ayan na naman siguro yung tumatawag pero hindi naman sumasagot, walang magawa sa buhay yung tumatawag na yun. Pumunta ko sa sala at inangat yung phone.

"Sino na naman ba 'to?" paangil kong tanong sa kabilang linya.

(Galit ka 'te? Si Sheila 'to gaga! Sino ba kagalit mo?)

"Aww. Sorry Sheila. May nanloloko kasi dito sa bahay nakakabwisit na."

(Palagyan mo kasi ng caller ID anyways punta ka ngang palengke.) wow ah! Makapag-utos! Napaka dominante naman talaga nya oh.

"At ano naman ang gagawin ko dun aber? Ang init kaya don."

(Si Yvo kasi nasa trabaho daw kaya nakikisuyo pabili daw si Brooke ng isang kilong santol.) Santol? Dun naglilihi si Brooke? Hahahaha.

"Santol? Grabe naman. Buwan ba ng santol ngayon?"

(Yun nga eh! Hindi! Sige na babye na may kliyente ko ngayon. Punta ka?)

"Titignan ko, mag-mall kami ng mga bata mamaya eh."

"Sige.Sige. Kay Jackie na lang pala. Bye.) sobrang busy talaga ng babaeng yun na hindi na makausap ng matino. Simula nung naghiwalay sila ng asawa nya naging workaholic na. Tsk.

After maglinis ng buong kabahayan nahiga ako sa sofa para magpahiga. Ang laki kaya ng bahay kaya sobrang nakakapagod linisin ang buong bahay tapos ako lang mag-isa. Kailan kaya babalik si Manang Delia? Pero parang mas gusto ko 'to kasi kami kami lang yung nandito mas okay mag family bonding. Haha.

------------

Sinundo ko na yung mga bata sa school nila at dumiretso sa pinakamalapit na mall, ganito kasi ko sa kanila kapag madami silang nakuhang stars sa school ililibre ko sila sa Jolibee. Sayang nga lang kasi hindi naman mahilig sa ganito si Lyndon at mag oovertime sya sa trabaho. Sana kahit isang beses lang makasama namin sya sa mga ganito. Haha. Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad at syempre bilang babae di ko maiwasan ang mapatingin or mapasukat sa mga damit sa boutiques.

"Mommy dun muna kami sa labas. Ang boring dito!" ungot ni Ivan na halatang bored na talaga. Hirap talaga pag ganitong may kasama kang bata sa mall hindi makapag shopping ng matino.

"Baka mawala kayo ah? Okay pero dito lang sa tapat ng boutique ha?"

TVFN: The Substitute Wife 31

"Yes mommy! Let's go Elaine!" tinanaw ko sila palabas at nakita ko na nagtatakbuhan sila sa labas. Ang lilikot talaga nila wag naman sana silang lalayo at maloloka ko pag nagkawalaan yung dalawang yun. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagtingin sa mga damit.

Sukat doon sukat dito. Bumili ako ng mga sexy na negligee syempre magkatabi na kaming natutulog ni Lyndon dapat talaga sexy na suot ko pag natutulog hindi na tulad dati na isang oversized shirt lang. Hahaha. Nang magasgas na yung credit card ko este mapagod sa pagsashopping lumabas na ko ng boutique at nakita sina Elaine sa loob ng ice cream parlor at masayang kumakain ng ice cream. Nangunot yung noo ko, hindi ko naman sila binigyan ng pera ah? Pano naman sila nakabili ng ice cream? Nagtataka pa din ako nung lumapit ako sa kanila at tumabi sa upuan nila.

"Mommy, you want ice cream? Charap!" sabi ni Elaine na ang dungis na ng bibig dahil sa chocolate ice cream.

"Darling pano kayo nakabili ng ice cream? Nasan money nyo?" malambing kong tanong sa kanila pero nacurious talaga ko.

"Nilibre po kami mommny nung magandang babae."

"Saka po nung gwapong lalaki."

"Sino yun? Diba sabi ko sa inyo na wag kayo makikipag-usap sa iba at tatanggap ng kahit ano?" okay hindi ko na maiwasan magalit sa kanila kasi naman pano kung kidnappers yun?!! Tapos pano pag may pampatulog pala yung ice cream na yun?!!

"Mommy mabait naman po sila eh. Ang bait nga po ni Ate Angel eh."

"Angel? Yun ba yung name nya?"

"Opo saka muka po syang angel." inosenteng sagot ni Ivan habang patuloy pa din sa paglantak ng ice cream. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sorry na po mommy, ayoko na nga nitong ice cream!" aba't nag pout pa sya at nagpaawa effect. Niyakap ko si Elaine at hinalikan sa ulo at pagkatapos ay pinunasan yung mga nagkalat na ice cream sa gilid ng bibig nya.

"Sorry na po mommy hindi na muulit." yakap din sakin ni Ivan at ginantihan ko din sya ng yakap.

"Next time wag nyo ng uulitin ha? Just tell me if may gusto kayo ibibigay ko naman eh." sabi ko sa kanila at ako na yung nag subo sa kanila ng ice cream.

"Talaga po mommy?" Ivan

"Promise mo ba yan mommny?" Elaine

"Yes" bakit ba ganito makatingin 'tong mga bata na'to

"Pinky promise ka muna mommy" natawa ako ng nag sign sila ng pinky promise kaya nakipag pinky promise na lang ako.

"Pinky promise po. Ano ba gusto nyo?" tinignan ko sila at ngumiti sila ng sobrang wide!!

"BABY!!! GUSTO NAMIN NG BABY!! PENGENG BABY!!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila. Agad agad? Makahingi kala mo may factory ako ng baby ah. Hahaha. mga inosenteng bata. Grabe lang!! Mga sabik sa kalaro? Sana nga talaga magkaroon na din ako ng sariling anak.

TVFN: The Substitute Wife 32

"Kumain na lang kayo then uuwi na tayo."

Hanggang sa makauwi ay kinukulit pa din ako ng mga bata about dun sa baby, nagkagalit pa talaga sila if boy or girl yung mgaiging baby ko eh hindi pa naman ako buntis. Di naman kaya ganun kadali bumuo ng bata. Hahaha.

Nang makauwi na ay nagtakbuhan na yung dalawang bata sa taas para siguro paglaruan na yung binili naming laruan kanina. Ang kukulit talaga! Kanino kaya sila nagmana?

Nahiga ako sa sofa para magpahinga, ang dami pala naming binili pati bumili na din ako ng neck tie para kay Lyndon at kung ano-ano pa. Feel na feel ko kasi pagiging Mrs. Ronquillo ngayon pa na may mutual feelings na kami. Mutual? Hindi pala ko sure kasi hindi pa naman nya sinasabi yung gusto ko marinig. Kukunin ko sana yung telepono para tawagan si Sheila ng biglang mag-ring yung phone. Yung nanggugulo na naman kaya 'to o si Sheila?!

"Hello?"

"Hello?" aba't wala pa ding sumasagot. Nakakaasar na talaga 'to. Yung paghinga lang nung caller yung naririnig ko at nakakaasar kasi ayaw man lang magsalita eh obvious na may tao sa kabilang linya.

"Hoy pwede ba kung wala ka magaw-------

"Bianca"

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon