Alden richards mall show

0 0 0
                                    

Grabe sobrang excited kami ng kapatid at mga kaibigan ko ngayon. Bakit? Kasi nasa Ever lang naman ngayon ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Kanina pa kami dito. Maaga talaga kami pumunta dahil panigurado maya-maya lang ay magsisiksikan na dito.

At hindi nga ako nagkamali, sobrang siksikan at ang i nit init na dito. Kung di lang talaga si Alden to uuwi na kami. Sari saring amoy na ang nandito at grabe na makahiyaw ang mga tao eh wala pa naman si Alden.

"And finally our Pambansang Bae is here!!!! Ladies and Gentlemen ALDEN RICHAAAARDSSS "

And you know what happened next? sigawan, hiyawan bulyawan, kawayan,tulakan, batukan, sabunutan, balyahan at kung ano pa ang nangyari. Ilang beses ngang natapakan mga paa namin pero kebs lang para kay Alden hahaha.

Kumanta lang ng tatlong kanta si Alden , nagpasalamat saka sumibat.
Pero yung mga tao sinisigaw pa din pangalan nya. Grabe talaga si Alden, he made everyone madly crazy.

Uwian na at ang dami pala talagang tao. May nabangga akong poste este tao pala tapos na tapakan pa nya ako.

" Aray. Putekkk"

"Sorry, sorry miss , pasensya na" tapos nagmamadali na syang naglakad.

Napatingin ako sa paanan ko, bigla kasing umilaw. Dinampot ko kaagad and for the nth time natapakan na naman ako. Sa badtrip ko nagmadali na ako na halos makalimutan ko na may mga kasama pala ako. Nagtagpo-tagpo din naman kami sa harap ng mall.

KRRRIIINGGG KRRRRIIIINNNGGG KRRRINNNGGG

''Anong tunog yun?'' Jaz -kaibigan ko

Napahawak ako sa bag. Ay OO NGA PALA. Yung cp kanina.

''Kanino yan ha. Ikaw di ko alam ano ka pala...' -Gene kaibigan ko din

'Che manahimik ka nga. Napulot ko 'to kanina dyan sa loob. Uwi na muna tayo mamaya na natin alamin kung kanino to. Gabi na o, magagalit na mga magulang natin''

At nagsiuwian na nga kami.

An Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon