6:00 am.
*yawn* It's rise and shine.
Ay oo nga pala January Marie Castillo, Mars for short. 20 years old.Taga Q.c.
Panganay sa apat na magkakapatid. Wala na kaming parents ilang taon na rin silang yumao. Sa ngayon nakikitira kami sa tita naming si Tita Lara wala pa syang asawa kaya okay lang na dito muna kami sa kanya. Mayroon syang karinderia na nakakatulong sa pang araw araw namin. Kaso yung tatlo ko pang kapatid mga nag aaral pa Si May, yung sumunod sa akin First year college si June naman third year high school at si July ang bunso ay Grade V. Ako, high school lang tinapos ko, pag ka graduate ko nag aaply na agad ako di na afford ni tita na pag aralin ako ng college. Marami rami na rin akong napasukan na trabaho para lang makatulong.Ngayon, sa bake shop ni Gene at Jaz ako, magkapatid sila. Mga kaibigan ko sila mula high school. Mababait sila at solid kaming magkakaibigan.
7:00 ang pasok ko at 4:00 pm naman ang uwian so may 1 hour pa bago ko isoli yung cellphone ni.. Ay ano ba pangalan ?? Ay di pala nya sinabi.
Naghanda na ako sa pagpasok, saka bumaba ng kwarto.Naabutan ko yung mga kapatid kong nag aalmusal.
''Good morning'' bati ko sa kanila
''Good morning ate'' matamlay nilang tugon sabay kagat uli sa pandesal nila. Sanay naman na ako lagi naman silang ganyan eh simula ng mamatay mga magulang namin. Sobra silang naging malungkutin at maiinitin ang mga ulo.Lumabas na ako, sa shop na lang uli ako mag aalmusal. Dinaanan ko muna si Tita Lara sa karinderia nya. Sobra talaga ako nagpapasalamt kay tita kahot na mga pasaway mga kapatid ko ay nagsasakripisyo pa rin sya para sa kanila. Hindi ko na nga alam paano ko sya masusuklian
''Tita pasok na po ako''
''O sige hija ingat ka ah. Ay teka kumain ka na ba??"
''Sa shop na lang po male-late na po ako eh. Sige po.''Okay naman ang araw ko sa shop may nagbigay din ng tip mga 50 pesos din hahaha pero okay na rin yun pang meryenda hahaha.
Halos makalimutan ko na ngayon ko pala ibabalik yung cp na napulot ko sa mall kahapon.
''Samahan ka na kaya namin , baka mapaano ka pa, di ba sabi no nakakatakot yung boses nung nakausap mo?" Sabi ni Jarold kaibigan ko din, katulad ko dito din sya as shop nagtatrabaho. Ewan ko ba sa lalaking to, mayaman naman sila pero mas gusto nyang magtrabaho. Gwapo to si Jarold at sweet.
''Oo nga Besh baka rape-in ka non o di kaya naman holdapin tapos pag pumalag ka isilid ka nya sa drum tapos itapon sa ilog. Halaa besh baka kainin ka ng pating don''- sabi naman ni Gene, well gay sya pero loves ko yan kahit minsan oa na talaga sya.
Napatulala na lang kami sa kanya hahaha
''Abno walang pating sa mga ilog hahaha. Saka wag nyo na alalahanin so Mars, malaki na yan. Di ba Mars'' sabi no Jaz with matching pataas taas pa talaga ng kilay hahaha. Kapatid sya ni Gene. Playboy yang ungas na yan kahit di naman kagwapuhan, pero ang macho nyan. Idol daw kasi nya si Jerald Napoles.
''Oo nga naman keribels na ni Mars yan, baka nakakalimutan nyo champion sa Arnis nung high school tayo" so Micha na pinaka matagal ko ng kaibigan, since elementary magkasama na kami nyan, sya ang may alam ng lahat tungkol sa akin lahat pati size ng sandals ko.
" Nga naman kayang-kaya ko na yun, saka malapit lang naman as Circle lang. Isa pa, subukan lang talaga ng lalaking yun noh makakatikim sya sa akin ng Flying kick at hit where it hurts the most''
"Ay besh bongga yun ah, pero pwede bang ako ang tumira dun sa ... Aray namn Jaz" binatukan sya ni Jaz
"Ang ligalig mo na naman eh, takte nandidiri tuloy ako sayo"
''O bago pa maghalo ang langis at tubig ay mauna na ako. Text na lang ako pag may problema''
" Ingatss...'' Sabay sabay naman nilang sambit.
_____
Buti na lang hindi pa traffic kaya maga-aga akong nakarating dito sa Circle.
Habang naglalakad ay bigla na lang sumakit yung ulo ko, kaya umupo muna ako.
Pinikit ko yung mata ko at pinakiramdaman yung ulo ko nang..Meoww meoww meoww
Napamulat ako at agad kong hinanap kung saan galing yung tunog ng pusa. Mukha na akong tanga dito linga ako ng linga di ko pa rin makita yung pusa. Umupo na lang uli ako dahil sumakit uli yung ulo ko.
Meoww meoww meoww
Namulat uli ako. Pinakinggan kong mabuti kung saan ba nanggagaling yung tunog.
Meoww meoww meowwww
Ewan ko ba pero gusto ko talagang makita yung pusa.
Napatingin ako sa paanan ko at sa wakas nakita ko yung pusa. Ang kaso parang nahulog ata sya dito sa kanal kaya di sya makalabas.
Naawa naman ako sa pusa,parang gusto kong maluha.
BINABASA MO ANG
An Ordinary Love Story
RandomOrdinary na kung ordinary. Cliché kung cliché. Ganito naman talaga ang buhay di ba? First time to write at nakikigamit lang po ng account hahahaha.:-)