Xelfualizee (Personal Copy)

4K 50 12
                                    

***1***
I hate April! Talaga naman! I totally hate April!

...and April's not a person. Yung month ang tinutukoy ko. Yung buwan nga sabi nila. Hindi yung moon. Oh well, bago pa ako malito sa mga iniisip ko, ngayon eh naiinis lang talaga ako. Parang nagsabay-sabay naman na kasi lahat ng problema ko.

Sana huwag na lang dumating ang April. I would totally live without it. At sana... after March, May na kaagad.

Hindi naman ako Anti-April Activist or something. Kung bakit ba ayaw kong dumating yun? Simple lang. Malalaman niyo rin kung bakit. Pero wala akong magagawa. Kahit anong pagno-nobena pa ang gawin ko para mawala ang April sa buhay ko, duamating pa rin.

Una sa lahat, kung anu-ano lang ang inaalala ko. Parang kahapon lang kausap ko pa yung pinsan ko at sinasabi ko sa kanya na pupunta kami sa mall at gagastosin namin yung naipon namin. Pero ngayon, mukhang malabo pang mangyari yun sa susunod na taon.

Sa school, feeling ko kagabi lang yung Prom namin kahit na 2 months ago na yun. Ewan ko ba, nung mga oras na iyon parang hindi ako nakakaramdan ng lungkot. Lagi kong sinasabi sa kanila na magiging ok din naman ang lahat. Kakaiba pala talaga kapag nandoon ka na sa oras na iyon... tatamaan ka na lang. Eh mas mukhang umiyak pa sila kaysa sa akin.

Isa pa itong kapitbahay namin na lagi akong pinapahabol sa aso nila dahil kaaway ako. Na-touch nga ako nung pumunta ba naman sa bahay at bigla na lang nag-sorry. Ayun, siguro nakonsensya. Tinanggap ko naman yung sorry niya. Aba, it's about time na marealize niya na ilang milya na rin yung pinagtatakbo ko sa araw-araw na pagtakbo ko simula sa bahay nila hanggang sa bahay namin para lang hindi ako makagat ng aso niya.

At isang tawag lang sa telepono. Isang tawag lang at nagbago ang lahat.

"Ok Pa... o sige." narinig kong sabi ng Mama ko.

Hindi ko rin maintindihan nung simula yung tawag na iyon, pero alam kong yung tatay ko yun. Hindi nga kami kinausap pero ok lang dahil long distance call yun at mahal naman kung hahaba pa ang usapan.

Pagkatapos nun sinabi na sa amin kung ano ba yung tawag na iyon.

At yun nga... which lead us to the whole I-hate-the-month-of-April thing.

Aalis na kami ng Pilipinas. After living in this country 14 years of my life, ganun-ganun na lang at aalis na kami.

Kaya nga ngayon, it's April, at nandito kami ngayon sa NAIA airport. To make things worse, yung Lola ko eh panay pa ang yakap at halik sa aming mag-iina at nakita ko na umiiyak na rin siya. Ayoko sanang maiyak, kaya hindi ko ginawa. Sa eroplano na lang siguro, yung tipong wala nang nakakakita sa akin.

Marami akong mami-miss dito. Kung ako lang siguro ang papipiliin eh hindi ko na gugustuhin pang umalis dito. Pero ano pa nga bang magagwa ko? Nandito na ito 'di ba?

Nag-board na kami sa eroplano nun. Medyo matagal dahil tatlo-tatlong Balikbayan boxes ba naman ang dala namin. Kada-lakad ko nun lalo na akong naiiyak. Niloko pa ako nung kapatid ko.

"Si Ate kunwari pa.. naiiyak na yan!" sabi niya tapos siniko pa ako.

"Tumahimik ka nga diyan Gabby!" kasi naman nagmo-moment ako bigla na lang may ganun.

Ito namang isa kong kapatid, ang arte-arte at poise na poise na hindi mo maintindihan.

"Hello? Can you move faster?" sabi niya sa akin at nakapamewang pa.

Napataas yung kilay ko. Tingnan mo nga naman, parang hindi 11 years old 'to ah! Ang arte! Mas maarte pa sa akin.

"Hoy! Huwag ka ngang OA! Feeling mo naman dahil papunta ka lang ng America sosyal ka na!" sinimangutan ko, "Paenglish-english ka pa.. english kalabaw naman alam mo!"

Kasundo ko naman yang dalawang kong kapatid. On most parts. Pero yun nga, ako ang pinakapanganay at kailangan kong intindihin na lang. Bata pa kasi eh. Yung dalawang yan, parehas elementary. Ako lang ang high school.

Nanay ko? Ayun. Nangunguna.

Nakaalis na rin ang eroplano nun. Nung naramdaman na nga namin na gumagalaw na, lalo talaga akong nalungkot nun. Si Gabby nun narinig ko pa.

"Kakalungkot ate no?" sabi niya at seryoso na siya.

Ginulo ko lang yung buhok niya. Tama siya, nakakalungkot nga.

Pero kahit ganun pa man, naisip ko na baka nga tama sila at mas magiging maayos yung buhay namin sa America. Cereals? Chocolates? Hi-TETS? Este hi-tech pala...

...hindi naman siguro ganun kasama.

Iniisip ko lang, magiging mahaba bakasyon namin. OH YEAH!!! August daw kasi ang simula ng klase doon, eh kababakasyon lang namin dito so hindi pa namin kailangan pumasok. Mahaba-habang pag-upo ang gagawin ko sa bahay nito! Hindi naman siguro mahirap mag-adjust doon.

Pinoproblema ko lang sa school doon, di kaya ako mag nose bleed kapag nakarinig na ako ng mga English?!? Haayyy...

Kakapanood ko nung movie doon sa gitna namin at kakakinig ng music doon sa headset sa upuan ko.. biglang huminto yung eroplano at nagsitayuan yung mga tao.

Ano bang meron?

"First stop natin." sabi ng nanay ko.

First stop?

Then, kinuha namin mga hand-carry namin doon sa taas. Bumaba kami ng eroplano. Ang bilis naman yata?!?

Nung makita ko yung mga sumalubong sa amin... aba.. akala ko kung bakit. Nasa Nagoya Japan na pala kami. First stop nga. Maghihintay kami uli para mag-refuel daw yung eroplano at magbaba ng pasahero.

Mag do domo arigato na sana ako kaya lang biglang pumasok sa utak ko yung idea.

"You mean... 4 hours pa lang tayo nagbi-biyahe?" tinanong ko sa Mama ko.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti.

OH GOD... apat na oras pa nga lang sumasakit na yung pwet ko.. paano pa kaya kung 17 hours pa?



Mahaba-habang pagbubutas ng upuan pa ang gagawin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Xelfualizee (Personal Copy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon