•°Twenty°•

3.5K 72 4
                                    

"We should love, not fall in love, because everything that
falls, gets broken."
-Taylor Swift

Broken

We went to his condo that afternoon. He cooked our lunch and we ate. We talked about different stuffs like yung pagsasampa ko ng kaso sa mga magulang ni Stan at kung ano ano pa. Pero napansin ko na pag yung kaso 3 years ago ang kinukwento ko sa kanya parang nawawalan sya ng gana.

Mula nang araw na yun araw-araw nya na akong sinusundo para mag lunch. Maguusap lang kami tapos ay ihahatid nya uli ako sa opisina. Minsan pa nga ay hindi na ako nakakapasok uli because we'll end up in bed after eating. He said that's a good exercise, natatawa na lang ako.

Umusad na rin ang kaso para sa mag asawang Zobel. Yesterday the court release its judgement, guilty. They're now in jail. I saw how hurt Stan is but I can't do anything about it. Unti-unti na ring nasisira ang samahan naming dalawa. Kakausapin nya lang ako kapag tungkol sa trabaho at kay Nathalie. Hindi namin napaguusapan ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Siguro kaya nangyayari ito sa relasyon namin dahil we never tried. Hindi namin sinubukang ayusin ang karampot na pag asa ng relasyon namin.

I admit I'm at fault. Masyado akong nahuhumaling kay Vince to the point na nakakalimutan kong may bagay pa akong dapat ayusin. Maybe because Vince is a breath of fresh air to me. He made me forget my problems sa kaunting panahon.

I'm not going to the office today. Ngayon na malalaman ang mga taong kasangkot sa kaso ng pamilya namin. I feel a little bit nervous. Sinabi ko ang bagay na ito kay Vince pero hindi naman nya pinalakas ang loob ko. Napansin ko lang na malungkot sya, isang bagay na hindi ko alam kung bakit.

"Len ikaw na bahala kay Nathalie okay? Baka gabihin ako ngayon."

I said as I put my shoes on. Matapos ay nilapitan ko si Nathalie na kargakarga ni Len. Hinalikan ko sya sa noo at pisngi.

"Be good to ate Len okay?"

She nodded. I smiled and left the house. Nakarating naman ako agad. I'm 30 minutes ahead of time, mabuti na rin yun para maihanda ko ang sarili ko. I don't know what to feel right now. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon ko mamaya but I will try my best to be calm.

"Good morning Ms. Cordoval."

Bati sakin ni Attorney Santos ng pumasok ako sa hall. I smiled and greeted him too.

"Buti naman at maaga kang dumating. We have to talk some things bago ang court hearing."

Tumango ako. We spend the remaining time briefing about the hearing. Matapos ang halos isang oras ay tinawag na kami. I confidently walk inside the hall I'm feeling a bit nervous, my hands are agitating but I kept my composure, ayokong ipakita na kinakabahan ako.

We sat in front of the judge. Nagsimulang dumami ang tao sa loob ng court hall.

"The primary suspects are here."

Attorney Santos informed me. Hindi ko tinapunan ng tingin ang mga suspect na dumating. Attorney said na lahat ng mga narito ngayon ay may kinalaman sa kaso. Mula sa pinakamaliliit na detalye hanggang sa pinakamalaki. Ayoko silang tignan dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Inilatag na ni Attorney ang mga ebidensyang hawak namin.

Obviously si Attorney Santos ang prosecutor ng kaso. Marami pang pumasok na lawyer kasama na doon ang public lawyer ng mga suspect. Huling pumasok ang judge. Pagkaupo nito ay agad nyang tinawag ang pansin ng lahat at sinimulan na ang hearing.

Nakinig lang ako ng magsimula ng maghain ng mga ebidensya si Attorney Santos. Nagsimula ng magbatuhan ng mga tanong. I can feel the tension.

"May I call the daughter of Mr. and Mrs. Cordoval."

Act I: Sinful Acts ✓ [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon