27

234 13 0
                                    

Rapmon's POV

ISANG TAON NA RIN ANG LUMIPAS NG HINDI KO SIYA NAKITA. Ganyan ba ang salitang ASA.

*ASA - Isang salitang lagi kong iniiwasan. Iniiwasan dahil ayaw ko na itong madama at maramdaman pa.*

Pero bakit nung nasa bus ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Ngiting hahantong nanaman sa salitang Asa at sa dulo niyan ay masasaktan nanaman.

Nasa park ako ngayon at nagtatambay. Ito yung lugar kung saan ako pumunta nung umalis siya. Hindi ako pumasok sa eskwelahan non. Ang hirap kasing malaman na yung pinaghirap mo, bigla na lang mawawala tapos kapag hindi mo na siya gusto, doon pa siya babalik.

Yan naman ang salitang Tadhana, MAPAGLARO.

Iniisip ko ngayon kung ano-ano nanaman ba ang mangyayari sa akin.

Kung aasa nanaman ako o kung magmo-moveon na kahit walang kami.

Naka-upo ako ngayon at nag-iisa. Sanay naman akong mapag-iwanan

Pinikit ko ang mata ko at dinarama ko yung mga tinig na nasa paligid ko. May nagigitara, may naglalarong mga bata habang tumatawa, may malakas na tinig mula na hampas ng puno, simoy ng hangin at sa tinig ng ibon.

Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Masaya.

Dalawa ang dahilan kung bakit ko ngayon nararamdaman iyan.

Una, dahil na rin siguro nagbalik siya.

Pangalawa, may dahilan nanaman ako para pumasok sa eskwela.

Hindi ako tanga para saktan niya na paulit-ulit pero naging tanga ako dahil hinayaan ko siyang mawala siya kahit na walang kami.

"Rapmon" isang tinig lang ang narinig ko mula sa tabi ko. Isang tinig na hinanap ko isang taon na ang nakakalipas. Hindi pa rin nagbabago ang isang katulad niya nang ibuka ko na ang mata ko.

"Hmmm" iyon lamang ang naging sagot ko. Ayoko muna siyang kausap siya ngayon hindi dahil sa iniwan niya ako kundi gusto ko lang mapagisa ngayon.

"Sorry" - siya

Iyan lamang ang narinig ko sa kanya. Alam kong pinagsisisihan niya ang ginawa niya sa akin.

"Para saan naman?" - ako

"Dahil iniwan kita nag-iisa. Nag-iisa ka habang wala ako. Nagsosorry ako dahil alam ko ako yung mali." Hindi niya maigawang tumingin sa akin dahil nangingilid na ang mga luha namin.

"Oo tama iniwan mo ako pero naisip mo ba yung nangyari sa akin nung nawala ka?" - ako

"Oo. Alam kong nahirapan ka at alam kong ako yung may kasalanan." - siya

"Alam mo naman pala eh bakit mo pa ginawa? Hindi lahat ng sorry napapagaling yung sakit. Hindi mapapagaling ng isang sorry ang paghihirap ko ng isang taon. Hindi ako tanga para tanggapin agad yung sorry mo" - ako

Umalis na lang ako hindi dahil sa naiinis ako kundi dahil nakita ko nanaman siya. Hindi ako naaawa sa kanya kundi sa sarili ko. Nasayang kasi ang mga araw na wala man akong nagagawa at nagmumukmok sa kwarto kakaisip kung babalik pa ba siya.

Pero isang katanungan ngayon ang bumabagabag sa akin.

Kaya ko ba siya mahalin ulit?

O katulad lang siya dati na iiwan na lang ako sa ere?

Don't forget to vote, comment and follow

•Jiminionism• 

Hari Ng Umaasa || k•nj  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon