"Miss, Gio nga pala. Isang aswang."
Mabilis kong inagaw ang kamay ko sa kaniya. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon lang ako nakakita ng isang tulad niya. Ang pangit niya.
"HAHAHAHAHAHAHA!", hagalpak niyang tawa. "Huwag mong sabihing naniwala ka sa sinabi ko?"
Patuloy siya sa kanyang pagtawa ng malakas. Gabi na at baka magising pa sina Mama at Papa.
Siya'y naglakad papunta sa lugar ko. Hindi ko maiwasang hindi matakot kahit mukhang naman siyang mabait.
"Eto ba?", sabi niya habang tinatangal ang piraso ng balat ng kaniyang mukha.
"Prosthetics lang 'yan! Hahaha."
Patuloy niyang tinanggal ang prosthetics na sinasabi niya sa kaniyang mukha. Pero bakas pa din ang makeup na kaniyang ginamit. Naglakbay naman ang tingin niya sa palid ng kuwarto ko. Naglakad siya at pumasok sa banyo kong bukas ang pintuan.
Nang siya'y lumabas, basang-basa ang kaniyang mukha. Natanggal na ang bakas ng makeup sa kaniyang mukha at kitang-kita ko na ang maputi at makinis niyang balat.
"Pasensiya ka na ah! Natakot ata kita. Hahaha. Kung nakita mo lang sana ang hitsura mo, hahagalpak ka rin siguro kagaya ng ginawa ko kanina.", pagmamalaki niya.
"Umalis ka sa kuwarto ko.", mahinahon kong sabi.
Pagod na ako at wala nang gana sa walang kwentang mga biro at kalokohan.
"Ah. E, sige. Pasensiya na talaga. Sincere na 'to, o?", sabay turo naman niya sa kaniyang dibdib.
"Umalis ka na. Pakiusap."
"Sige. Aalis na 'ko."
Naglakad na siya ulit papunta sa bintana ko at bababa na sana, ngunit may pahabol pa siyang sinabi.
"Salamat pala sa tubig. You saved my life, though."
At bumaba na siya sa may bintana. Mababa naman ang palapag ng bahay kaya siguro siya nakababa ng mabilis. Hindi na rin ako magtataka kung paano siya nakakalipad ng peke kanina. Dahil pagsilip ko sa bintana, nakita ko siyang may bitbit-bitbit na bakal na hagdan sa kanang kamay at hawak namam niya sa kaliwa ang kaniyang pekeng pakpak.
~
Nagising ako na masakit ang ulo dahil madaling-araw na rin akong nakatulog. Naaalala ko pa rin ang itsura ng lalaking nagpanggap na aswang kagabi. Ang buhok niya ay mas mahaba pa kaysa sa akin. Ito'y hanggang balikat, samantalang ang sa akin ay kagaya ng gupit ni Valeen Montenegro, maigsi at parang gupit panlalaki. Ang mukha niyang maputi't makinis na malayo sa itsura niya kapag mayroong prosthetics. Matangkad din siya, mayroong nakangiting mga mata, at may mapupulang mga labi.
"Musika! Anak, maligo ka na. Papasok ka pa sa eskwelahan.", tinapik naman ako ni Mama.
Bakit ko ba inaalala ang itsura noon? Ako'y napabangon at dumiretso sa banyo para maligo. Sinara ko ang pinto at tumingin sa salamin. Ang lalim na ng mga mata ko. Napayuko ako at napansin ko agad ang kwintas na may pendant na hugis nota sa gilid ng lababo. Dinampot ko naman ito at tinitigang maigi. Tiningnan ko din ang pendant na hugis nota at may nakaukit doon na "Gio."
Dali-dali akong umalis ng bahay dahil ako'y mahuhuli na sa aking klase ng alas otso. Pagdating ko sa eskuwela ay may sampung minuto pa para pumunta sa klasrum namin. Maaga-aga pa pala. Ako'y naupo na sa likod dahil palihim akong makikinig ng kanta soot ang aking earphones. May gig na naman kasi mamayang gabi. Kelangan mamemorya ko na ang kantang kakantahin ko para mamaya.
"Hindi ka talaga palakaibigan, no?", tanong ng isa kong kaklase bago ko pa maisoot ang earphones sa tainga ko.
"H'wag ka na dito. May importante akong gagawin."
"Hindi ka na naman makikinig at isosoot mo na naman 'yan sa tainga mo.", sabay nguso niya sa earphones ko.
"Doon ka na. Hindi naman tayo close."
Napailing na lamang siya at bumalik na sa kanyang upuan.
Nang natapos ang klase at dumeretso agad ako sa lugar kung saan kami maggi-gig.
Kinuha ko na ang mikropono at nag-ensayo bago magsimula ang gig. Kumpleto na rin kami sa banda. Si Craig, ang drummer naming astig kung pumalo ng drums. Si Kio, ang bassist naming gigil sa kaniyang bass guitar. Si Yana, ang isa pang acoustic guitarist at kapalitan kong vocalist. At si Paolo na-
"Nasaan si Paolo?", tanong ko sa kanila.
"Ah, Ikay. Nagkasakit kasi si Paolo. Last minute lang nakapag-abiso sa text.", sagot naman ni Kio.
"Oo nga. Kaya inimbita ko muna yung isa kong kaibigan para tumugtog ng electric guitar para mamaya.", dagdag naman ni Craig.
"O, ayan na ata siya.", pagtawag ni Yana sa atensyon namin.
Napatingin ako sa pintuan ng lugar at nanlaki ang aking mata.
"B-bakit 'yan nandito?"
"Magkakilala kayo, Ikay?", tanong ni Craig.
Tiningnan niya ako ng nakakaloko at sinabing, oo, isa siya sa mga babaeng napaiyak ko.
BINABASA MO ANG
Ingay ng Katahimikan
Short StoryIsang nilalang na mapagpanggap. Isang babaeng hindi naniniwala sa mga bagay na mahiwaga. Sila'y pinagtagpo ng hanging hindi pangkaraniwan. Isang pangarap na pilit na inaabot ng dalawang pusong baguhan. Awit na inialay sa isa't isa. Muling paghihiwal...