"Darmie? Anong nangyari sayo?"
Agad na tanong ng Tita Rissa niya at gulat na gulat naman si Chito dahil sa magulong buhok ni Darmie at parang nakipag-away lang sa kapit-bahay nila.
"Teh? Okay ka lang ba?"
Agad na napatingin si Darmie sa pinsan niya. Yung pananalita niya kasi. Boses babae. Hindi naman kasi mapigilan ni Chito yung tono ng boses niya dahilan sa pag-alala niya sakanyang pinsan.
Para hindi na magtaka si Tita Rissa dahil sa tono ng boses ng anak niya ay nagsalita nalang kaagad si Darmie.
"Huhuhu.. May kumuha ng mga tinapay ko!!"
Agad na pinaupo ni Rissa sa sala ang kanyang nakakaawang pamangkin.
Ano ba talaga ang nangyari sakanya?
Takang tanong sa sarili ni Rissa.
Matapos ang madramang iyak ni Darmie sa pinsan at Tita niya ay sinabi na niya ang lahat ng nangyari sa kanya sa bakeshop.
"Ano ba pangalan nun?"
Galit na tanong ni Chito sa pinsan na parang nag-iisip kong sino ba talaga yung lalaking yun.
Napakamot nalang sa batok si Darmie dahil sa hindi niya talaga matandaan ang pangalan ng antipatikong lalaking yun.
"Hindi ko matandaan eh! Basta kapag nakita ko siya ulit ay makilala ko talaga yung pagmumukha niya! Ugh!"
Hindi na matanggal talaga sa utak ni Darmie yung mukha nung lalaking yun at yung! Yung boses niya! Aish!
"Sige Darms..kain na muna tayo at ng mawala na yang pagka-badtrip mo dyan! Hali na kayo!"
Mabuti nalang pinaalala pa ng Tita niya na hindi pa pala sila kumakain.
Baka gutom lang to!
Sabi ni Darmie sa isip-isip niya.
~~~
Habang sarap na sarap na kumakain silang tatlo ay biglang may asungot na kumatok.
"Ako na po, Tita"
Si Darmie na ang nagbukas ng pintuan para masuntok niya kaagad sa mukha ang kung sino man ang naiistorbo sa kanila ngayon.
Nang handa na ang kanyang mukha na sinasabing 'Kumakain kami. Istorbo ka sa paningin ko' sign. Ay bigla nalang itong nagbago ng buksan na niya ang pinto.
"Antagal buksan. Psh"
Kung kanina ay gusto niya itong suntukin, ngayon naman ay parang gusto ni itong i-wrestling hanggang sa mabali yung mga buto nito dahil sa kayabangan!
"Nahiya naman kami sa pagdating mo! Mabuti pala na naalala mo pang may naghihintay ditong tao na buong magdamag na naghihintay sayo!"
Agad na sigaw ni Rissa sa anak niyang walang modo.
"Ma..may nangyari lang sa bahay ng kaibigan ko, okay? Hindi na ako nakatawag sa inyo kagabi dahil na lowbat ako"
Malumanay na pagka sabi niya sakanyang Mama.
Totoo talaga yung sinasabi ni Anton sakanyang Mama. May welcome party kasi kagabi sa bahay ng matalik niyang kaibigan.
Bagong dating galing Canada. Balak daw niyang magbakasyon muna daw dito sa Pilipinas.
Pagka-gising nga niya sa bahay nung kaibigan niya ay pawis na pawis ito at marami nang dalang mga tinapay.
Sabi naman daw niya ay namiss daw niya yung mga tinapay sa pilinas kay siya bumili nito. Weird nga nun eh!
"Ma..sige, para mapatunayan ko sa inyo na hindi ako nagsisinungaling ay papupuntahin ko siya dito sa bahay mamaya"
Tahimik lang na kumakain habang nakikinig sa usapan ng mag-ina sina Darmie at Chito.
Si Rissa naman ay hindi pa rin naniniwala sa anak niya kaya naisip din niyang baka oras na para makilala niya ang mga kaibigan ng kanyang anak.
"Sige. Mamayang tanghalian, okay?" kompyansang sabi ni Rissa sa anak.
Napangiti naman ng malawaka si Anton dahil sa mangyayari.
"Okay!"
Magiging masaya 'to, Tol!!
Masayang naiisip ni Antonh sa sarili.
Agad na siyang pumunta sa kwarto at nagpalam muna dun sa sala.
Ite-text niya kasi yung kaibigan niyang galing pa abroad!
To: Daven
Pre! Lagot ako kanina kay Mama! Papapuntahin ka daw muna niya dito sa bahay! Dito ka na daw mananghalian!!
Messaged Sent.
Habang si Darmie naman ay nagtataka kung sino yung bibisita daw sakanila ngayong tanghalian?
Sana naman ay hindi masama yung ugali!
Napaisip ulit si Darmie dahil sa nangyari nung umaga sa bakeshop.
Makikita ko kaya ulit siya?
BINABASA MO ANG
When She Falls
ChickLitHindi malaman ni Darmie kung ano ang ikina-swerte niya sa kanyang buhay ay, yun naman ang ikina-malas niya sa buhay pag-ibig. Forever Alone nalang ba talaga siya? O Maniniwala pa rin siyang may sasalo pa rin sakanya kapag mahuhulog na siya sa bwesit...