M-1 [Bismood]

4 1 0
                                    

Megan's POV

"Ano kaba megan, hindi kita maintindihan! Ano ba gusto mo palabasin ngayon?! Na hindi kita inalagaan! Puro kanalang satsat gawin mo din kaya para malaman mo, may mahal na akong iba! Mas okay nang mag break na tayo!" yan lang ang ala-ala ng past ex boyfriend ko..

minsan iniisip ko nga kung sino ba yung mali ako ba o siya, gusto ko ng kalimutan yung past at dumeretsiyo nalang agad sa future..

kayalang sa tingin ko mahirap, parang laro, kailangan mo muna ma game over bago ka tumatag at lumaban ulit ng panibago..

Ang hard masyado ng pag-ibig noh bago mo mahanap si the one , you will find the strangers o sabihin nating sabit lang sa buhay, panggulo in other word..past is past okay!

Nagsuot nalang ako ng earphones at nagpatutog ng "EULYMASHUP " mas astig kasi kung puro mix ang papakinggan mo, para sakin narerelax utak ko at nakakalimutan ang mga ex ex nayan..kung si y nalang hanapin ko..

Bumaba na ako sa sinasakyan kong bus at nagsimula na naglakad sa iskuwelahan.. Iskuwelahan na hindi ko kilala.. Naglibot lang ako nang tingin at nakita ko ang pangalan ng iskuwelahan..

"Institute of math, arts and sciences" Magandang simula sa bagong salta, grade 7 palang ako at sa ayaw mo o sa gusto nagkaroon na ako ng 5 boyfriends o sabihin nating EX BOYFRIEND..

hindi naman sa pagmamayabang pang palipas oras lang sila sakin, tsk gastos sa buhay puro nalang sweet sweet nilanggam na nga panty ko sa sobrang tamis nakakasawa din..

Pare-parehas lang naman sila, kaya kapag nakalimutan ko yung isa may isa pa.. ANG SAYA NOH

Kinuha ko yung papel na binigay sakin nung nag enroll ako, nakalagay dito ang room na papasukan ko , oras at teacher na magtuturo sa klase..

Sinimulan ko nang hanapin ang unang room, kayalang sa sobrang laki ng iskuwelahan na to siguradong ma l-late ako sa unang pasukan, wag naman ganun ..

Lumapit ako sa isang lalakeng nakaupo sa pinakagilid na bench ,feeling ko matagal na siya dito grade 10 na siguro to, subukan natin tanungin..

"Uhm excuse me puwede mag tanong?" Mahinahon kong sabi sakanya, wag niyang subukan isnobin ang isang katulad ko.. Wala lang wag lang niya isnobin sayang laway ko noh napaka precious ng aking laway..

"Hindi" mabilis na sabi niya , ay isa siyang pilosopong lalake na napunta sa moon na pinatapon sa mars na nahulog sa earth..

Tinikom ko nalang ang bibig ko at tumalikod at nag simula na ako maglakad ng bigla niya akong hawakan sa braso.. At hinatak papaupo sa tabi niya ,Problema nito?

"Bakit?" Irita kong sabi, at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.. "Yan na ba tanong mo? Isa lang puwede mo itanong.. Sagutin ko na ba?" Sabi niya.. Ano to isang tanong isang sagot, anong kala niya siya lang tao sa mundo na puwede ko pagtanungan..bahala na nga

"Hindi! San ba toh? Nahihilo na ko sa iskuwelahan na to, malapit lang ba yan dito?" Sabay turo sa papel na hawak ko, "S-b doon mo makikita" tumayo na siya at nagsimula na maglakad papalayo..

Sb? Ano yun! Sonny batangas? Song breaker? School band? Serious bed? Takteng lalake ka! Sa kahaba haba ng pinagsasabi mo SB lang !

Habang nag iisip parin kung ano yun, Inukitan ko nang "SB?" Yung lamesa na tinungtungan namin kanina, para may alaala ako sa lamesa..

"Lika na sa first building! Mag t-time na! " sigaw ng babae na malapit sa inuupuan ko, first building? Building! Saniban moko aking alien saniban moko!! ALAM KO NA!

"Tukteng second building! Pakamatay kana haiz nalaman ko din" nang nalaman ko na second building lang pala yung SB na sinasabi ng lalakeng ewan na pabebe na yun, naisip ko tuloy napaka stress ko na ngayon dahil sakanya..

Nagsimula na ako maglakad at nagtanong sa guard kung saan ang second building, buti pa ang guard napaka bait kahit muka na akong dugyot na prinsesa..

"Sa kaliwa yung second building" sabi ni manong guard na napaka bait, "salamat po kuya manong guard" masaya kong tugon, buti pa to madaling sumagot sa tanong ko hindi kagaya nung pilosopong lalake na yun, isa pa nakakainis makahila siya...

Pumunta na ako sa sinasabi nung manong guard na second building at hinanap ko na yung room kong napaka hirap hanapin..at pumasok na sa loob

"Uyy may kaklase na ulit tayo" "naks may chicks" "ano kaya name niya" "ganda niya oh!" Yan lang mga naririnig ko nung pumasok ako sa room, ano to famous agad ako? Pumunta nalang ako sa pinaka dulo kung saan nalang bakante at pabagsak na umupo..at yumuko

"Goodmorning class i am santos olivia marie" sabi ng teacher , nanjan na pala si maam haiz nakakatamad mag goodmorning ,inaantok ako "Goodmorning maam santos olivia marie" tugod nila lahat aiz bahala sila jan basta ako matutulog..

"So ngayon magpakilala muna kayo sakin mag simula tayo sa dulo.." Dulo? Sino ba dulo ako o? "You miss na nakayuko.. Sayo tayo mag uumpisa, kindly go to the front?" Tuloy nitong sabi, ako nga! Aish

Tumayo na ako at pumuwesto sa harap "okay you may start" pasimula ng teacher, mukang interisado lahat ng kaklase ko dahil nakatingin sila lahat saakin .. " im megan fluer just call me megan, from university of mathematics" at bumalik na sa inuupuan ko at yumuko, ng may kumalabit sakin..

hindi ko siya pinansin ng ulitin niya ang pagkakalabit niya..

Sumilip ako ng unti pero hindi ko siya makita ng maayos dahil blur pa ang paningin ko kaya tumingin ako sakanya  habang kinukusot ang mata.. Ng nakita ko na ang buo niya muka nagulat ako, at napasigaw.. Siya s-si!!

"IKAW!!" Sabay tayo, kaya nagulat sakin ang mga kaklase ko at teacher ko..sino paba! Edi yung lalakeng nagpahirap para makapunta ako dito! Hinayupak niya..

"A-ay sorry po" sabay upo ng pabagsak, kainis napahiya pa ako dun ahh ,umiwas nalang ako ng tingin at hindi na siya pinansin hanggang matapos ang klase.. Nakakainis siya ! Panira ng araw ko.. Panira talaga!

 MEMORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon