Chapter 5*The BRAT cried?*

35 4 4
                                    


Dedicated to @Phoebe2428

Guyzz! Tnxxx po sa 59 reads, 11 votes , and 15 comments... gusto ko pong ide-dicate tong chapter na toh kay @Phoebe2428 dahil siya po talaga yung nage-effort na mag comment and vote... kahit dun sa 2nd story ko. Love you all!

♥→←→←→←♥

Irish Sevenie's POV

Bwiset talaga! Ang init init! Letche kasi yung lolo ko eh. F*ck!

"Ven? Kakain na tayo. Tara na!" Narinig kong sabi ni Ely.

Ven?

Bakit ganon yung feeling? Parang ang saya ko? Fudge! Pake ko ba sa Ven na sinasabi niya?! Eh seVENie yung name ko eh! Alangan diba? Psh. Ano naman kung friend ang turing niya saken?! May friends naman ako! Ay. Friend lang pala! Si Critieny lang naman eh..

Si Critieny Kyle Parco. Ang kaisa-isang bestfriend ko. Pero kahit isa lang I'm happy kasi alam ko na di siya fake. Psh!

"Ven? Gising ka na ba? Kakain na tayo."

"Uhmmm? Ano bang ulam? Fish fillet? Chicken curry? Menudo?"

"Haha.. nope! Tignan mo nalang sa baba." Sabi niya sabay labas ng kwarto namin.

Bumaba na ako at naabutan ko dun ang 4 hunks at si Ely. Lumapit ako sakanila at nakita kong ang bakanteng upuan nalang eh yung sa tabi ni Ely at Kyzer. Tsk! Pwede nayan.

"Oy! Anong ulam?" Tanong ko sakanila.

"Kunin mo dun sa microwave. " utos ni Havy sakin.

"Aba! Kapal mo din ah?! At sino ka para utusan ako?!" Taas kilay at nakapamewang kong tanong.

"Wala naman akong sinabing ikaw." Sabi niya sa malamig na tono at narinig ko pang nagtawanan ng mahina yung iba.

"F*ck you!" Sabi ko sabay akyat sa taas at kinuha ang pouch ko. Wala naman akong phone eh. Bwiset na tanda kasi.

Pagbaba ko naabutan ko si Ely at Kyzer sa may hagdan.

"Uhmmm... Ven? San ka pupunta? Wag kanang umalis. Gabi na oh! Baka mapano ka."

Bakit parang alalang alala siya? Tsk. As if naman may paki siya diba? Psh!

"Oo nga, Sevenie. Or gusto mo samahan kita?" -Kyzer.

"Hayaan nyo nga siya! At ikaw naman babaita.. kung aalis ka edi umalis kana! Arte pa eh." Sabi niya sabay kain ulit. Psh. Taena niya!

"Halika na bilis." Tapos hinatak na ako ni Ely papuntang kusina.

"Kakain ka din pala. Ang dami mo pang arte. Psh!" Narinig kong sabi ni Havy. At di ko na napigilan ang sarili ko.

"Ano bang pake mo? Bwiset ka talaga! Mabulunan ka sana..." sabi ko tapos umakyat na sa kwarto namin.

Pag-upo ko sa kama namin di ko na mapigilang maiyak. Bakit kasi ang sama sama niya sakin? Inaano ko ba siya? *sob* Takteng yan! Bakla ba siya?! Ganon?! P*ta.

"Ven? Okay kalang ba? Dinalhan kita ng pagkain oh. Kain kana..."

Humarap ako sakanya.

"Bakit ba ganyan yang kuya mo? Inaano ko ba siya?! Peste!" Naiiyak ako lalo pag naiisip kong may nag-aalala pa pala sakin. Sana pala sinunod ko nalang si tanda. Baka sakaling di ganito... putakte!

"Hayaan mo na. Ganyan talaga si kuya eh. Mula nu-----"

"Hoy Aizelyn?! Bakit mo dinalhan ng pagkain yang BRAT na yan?! Huh?!" Sabi ni Havy.

"Kuya tumigil ka nga! Umiiyak na nga siya oh!" Sabay turo sakin

"Psh. Arte nya lang yan!" Ah ganon?!

"Pwede ba tigilan mo nga ako Lexin Havy?! Inaano pa kita?! Bwiset!" Sabi ko sabay sara ng pinto.

Havy's POV

Tsk. F*ck that brat! Bakit naalala ko yung itsura ng nanay ko sakanya habang umiiyak?!

D*amn... the BRAT cried? Himala! Arte lang yun. Psh! Ani naman ngayon? Edi umiyak siya!
★←→←→★

Oh em gee... panget ba?

Btw, thanks nga po pala dun sa mga nagbabasa nito lalo na kay @Phoebe2428 and dun po sa mga silent readers... labas labas po pag may time! Haha...

Lovelots,
Krizellieee ;)

The Brat became a MAID? [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon