Chapter 3

12 1 0
                                    

Hi Readers, so as i've mention last chapter na makikilala nyo na ang Chen brothers pero nag decide ako na sa ibang chapters ko nalang sila ipapasok. Nakilala nyo nanaman si Nate eh haha. Watch out nalang kung saan sila susulpot :) Mag krus na kaya ang landas ni Terrence at Samantha? 

P.S. Hindi ko maipasok sa media yung picture ni Nate huhuhu :( hindi ko alam kung bakit. Pero siya si Chanyeol ng EXO hihihi bias ko din sya eh kaya napili ko sya hihi. :)

Thanks for reading! :)

------------------------

Terrence's PoV

"Bro tama na yan, kanina ka pa nainom" sabi sakin ni Lex, pero diko pinansin at tinuloy ko lang ang pag inom ko.

"Isa pa ngang Whiskey Black!" sigaw ko dun sa bartender, takte kelan ba matatapos tong sakit nato?  Una Nawawala yung asawa ko tapos ngayon naman nagsisi alisan ang mga investors sa kumpanya? bakit ba kelangan magsabay sabay? arghhhhh.

"Bro ano ba, makikita mo din si Sabrina alam ko namang di niya matitiis si Althea diba?Babalik din yun sa inyo"

"Fvck Alex! alam mo ba kung gano ako nahihirapan pag nakikita kong naiyak si althea sa gabi? hinahanap nya mommy niya, yung feeling na bilang ama niya wala kang maisagot kasi hindi mo alam kung nasaan ang nanay niya!" inis kong sigaw kay Alex. wala eh frustrated na nga ako sa mga nangyayari tapos sasabay patong si sabrina! Lagot talaga siya sakin pag nakita ko siya.

"oh Terrence Romeo andito ka nanaman? hahaha suki ka ngayon ng bar ni Alex ah?" Sabi ni Blake sakin na tinapunan ko lang ng masamang tingin. Di ko nalang pinansin si Blake at pinagpatuloy nalang ang paginom ko ng alak. 

krinng kringgg kringg

arghh sino bang natawag sakin ng ganitong oras? diko nalang pinansin kung sinong tumawag sakin at basta ko nalang itong sinagot.

Hello? Who's this?

Bro, Levin here. Nahanap na ng tauhan ko yung asawa mo. 

Nagulat ako at the same time natuwa dahil at least kahit papaano ay mababawasan na ang problema ko. Saan naman kayang lupalop ng mundo siya nagpunta?

Great, I'll deposit the money tomorrow morning sa account mo bro. Salamat sa tulong, E-mail mo nalang sakin ang mga nakuhang information ng tauhan mo."

"Welcome bro. Well it's surprising na nasa Pilipinas lang siya bro. Asahan ko yan ha? baka naman bigyan mo nanaman ako ng bounce check? hahaha" tawa niya sa kabilang linya, kahit kelan talaga tong si Levin.

"Gago! Kelangan inuulit ang nakaraan? Tss. Sige na bye na salamat."

-End of Convo-

"Oh si Levin ba yun? ano sabi? nakita na niya si sabrina?"

"Oo nakita na niya, humanda talaga sakin yang si Sabrina"

"woaaah easy bro! haha remember she's still Mrs. Montejo"  lasing na saad ni Blake sakin. Tss wala na tong ginawa kundi maglasing at mambabae sa bar. hay nako. Sumenyas nalang ako kay Alex at lumabas na ng Bar. Uuwi na muna ako ng bahay para makapag pahinga bukas ko nalang irereview yung e-mail sakin ni Levin. 

-BAHAY-

"Good evening manang, si Althea po?" tanong ko kay manang rosing pagkapasok ko ng bahay.

"Oh iho, ginabi ka nanaman? nako ikaw na bata ka naglasing ka nanaman. Nakatulog na yung anak mo sa kakahintay sayo, nasa kwarto na siya." mahabang paliwanag ni manang rosing sa akin, nginitian ko nalng siya at dumeretso nako sa kwarto ni Althea sa taas.

His Wife's FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon