Umiiyak, lumuluha, ako'y nasasaktan
Tuwing naaalala ang iyong pagkawala
Nais kong malaman ang iyong mga dahilan
Upang ako'y 'yong iwan na parang hindi kawalaSaan nga ba talaga lubusang nagkamali
Hindi ba sapat ang lahat ng kaya kong gawin
Mga pangako mo'y tuluyan na ngang nabali
Tuluyan na ngang nagbago ang lahat sa atinMataas pa rin ang pagsikat ng haring araw
Kislap ng mga bituin ay kayganda pa rin
Ngunit ang lungkot ay patuloy na sumasapaw
Anong kanilang saysay kung ika'y di na akinPuso ngayo'y pinapako ng paulit ulit
Mga mata'y tila ulap na puno ng tubig
Bawat araw na nalipas ay puno ng pait
Nais muling maramdaman ang iyong pag ibigPanaho'y lumipas, may bagong taong dumating
Nais pawiin ang lungkot sa aking damdamin
Ngunit bakit nagbabalik ang 'yong paglalambing
Sa'yong pagbabalik ay kaya pa bang tanggapin?Ikaw ay tinanggap ngunit siya'y nabaliwala
Muling nahalina ng iyong mga mata
Pinilit mabalik ang nasira mong tiwala
Nais balikan ngunit may pakpak ang balitaImbis na balikan, ika'y pinasalamatan
Sa lahat ng sakit na iyong ipinaramdam
Nais ipabatid na ako ay natauhan
Dahil panlilinlang lamang ang tangi mong alamIkaw at ako'y hindi para sa isa't-isa
Pagkat dala mo'y kahon ng kasinungalingan
Siya ang aking pipiliing bigyan ng pag-asa
May pait at sakit ma'y magiging tapat namanTuluyan na ngang ika'y aking nakalimutan
Siya naman ay natututunan ko nang ibigin
Subalit sa kabila ng lahat ng nagdaan
Aking masasabing mahalaga ka pa sa'kinHindi ko na alam ang takbo ng aking isip
Naguguluhan na sa tunay na ninanais
Siya nga ba'y naging pamawi lang ng pagkainip?
Ako'y handa na bang tunay sa kanyang pag alisUmiiyak, lumuluha, ako'y nasasaktan
Kaibigan mo pala ang pumasok sa'king buhay
Bakit hindi pinaalam ang 'yong karamdaman?
Tuloy ang pagdurusa sa iyong pagkamatay© 15 October 2015
BINABASA MO ANG
Mga Letrang Iniukit
PoetryMga tulang hindi malaman kung paano maaalala Nais iparating sa iba at di gugustuhing mabaliwala Aking pinipiling ilimbag na iaalay kahit kanino Maihayag lamang ang gustong iparating ng katauha't anino.