Dinig

10 0 0
                                    


Tunog ng alon ng dagat na maalat
Simoy ng hanging yumayakap sa akin
Pag-ibig mo'y humahaplos sa'king balat
Mga mata mong 'sing kislap ng bituin

Di alintana ang lamig sa'king paligid
Handang tiisin makasama ka lamang
Nais mahagkan na parang isang lubid
Nariyan sa tabi, laging nag-aabang

Iyong himig na 'sing ganda ng musika
Iyong galaw na daig ang mananayaw
Humahalimuyak naging salamangka
Nagwagi ang pag-ibig na umaaapaw


© 26 December 2016

Mga Letrang IniukitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon