Tuloy ang ikot ng mundo at agos ng buhay
Makita man ang patutunguha'y walang kasiguraduhan
Unti-unting nauubos, ang buhay ay malumanay
Kailan ba tatahan? Malayo pa ba ang pupuntahan?Binabalot ng lamig na tila pumipigil sa paghinga
Lumalabo ang paningin, may pag-asa pa ba?
Pagal na puso't isip ay naghahangad ng pahinga
Nais matakasan ang walang katapusang pagkagibaPatuloy na gumuguho ang pinagsikapang itayo
Ginugulan ng oras upang katatagan ay makamtan
Ang paglalakbay ay umabot na nga sa malayo
Ngunit nawalan naman ng saysay ang mga nakuhang kaalaman© 07 January 2020
BINABASA MO ANG
Mga Letrang Iniukit
PoetryMga tulang hindi malaman kung paano maaalala Nais iparating sa iba at di gugustuhing mabaliwala Aking pinipiling ilimbag na iaalay kahit kanino Maihayag lamang ang gustong iparating ng katauha't anino.