Rizha
Si Ian lang ang natauhan at ang natatanging naglakas loob na magsalita pagkatapos ng tanong ni Kaye. "Ano pang tinatayo niyo? Tumawag tayo ng ambulansya!"
Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nagising kami sa pagkakatulala at kaagad kaming natatarantang kumilos.
Naunahan ako ni Dale sa telepono kaya kinakabahan lang akong nakatingin sa kanya habang nag-aabang siya ng sasagot. Nakakunot ang noo niya at paulit-ulit na pumipindot ng numero. "Shit. Anong problema nito?!"
"Anong problema?" Hans asked.
"Walang sumasagot?" Tanong pa ni Edgar.
Nababanas na nagsalita si Dale. "Hindi. Hindi 'to tumutunog!"
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kaagad akong lumapit kung nasaan siya at inagaw sa kanya ang telephone. Sinubukan kong magdial ng paulit-ulit pero katulad ng sinabi ni Dale, walang tunog na lumalabas mula dito. Tumayo ako at tumingin sa likod ng mesang pinagpapatungan nung telephone. Sinundan ko ng tingin ang kable nito. Hinila ko ito pataas hanggang sa makita ko na putol ito. Magkasalubong ang mga kilay ko habang nag-iisip at nakataas ang kanang kamay na hawak ang kable.
May nagputol ng linya.
Narinig ko ang kanya-kanya nilang reaksyon at kumento. Halos magsigawan na sila sa sobrang taranta. Hindi ko na lang ito sinagot at mabilis akong tumingin kay Kaydence.
"Kaye... our phones! Dali!"
Kaye nodded in understanding at mabilis na umakyat para kunin ang mga cellphone namin kung saan niya 'to tinago. Ang iba namang mga lalaki ay nandoon kay Jio at inaalis ang mga bakal na nakakabit sa katawan niya.
Maya-maya ay bumaba na rin si Kaydence. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong kaba at pagkataranta.
"Nasaan na?" Tanong ko nang mapansin kong wala siyang bitbit.
"Hindi ko alam. Wala doon sa pinaglagyan ko," litong lito siya nang sinabi niya ito.
"HA?!" We reacted.
"Akala ko ba doon mo nilagay?" Ethan asked.
"Di ko alam, okay?! I swear, guys I swear! Doon ko lang talaga yun nilagay sa may drawer ng kabilang kwarto tap—"
"Kung doon mo 'yon nilagay edi sana nandun pa rin!"
"Seryoso! Hindi ko nga alam kung bakit wala na don! Ano naman gagawin ko d—"
"Ah bahala na!" Singit bigla ni Ian. "Dalhin na lang natin mismo si Jio sa pinakamalapit na ospital dito dalian niyo."
Sumangayon kaagad si Jeth.
"Renz, yung susi?" Gin asked.
"Ito, ito. Tara!" Binuhat nila si Jio. Iniwas ko ang tingin ko dito dahil hindi ko 'to kayang tignan ng matagal.
Nagmamadali kaming dumiretso sa garage ng bahay na 'to. Napahinto kami nang huminto bigla sila Justin na may buhat kay Jio.
"Bakit? Huy tara na!!" Sabi ni Lei.
Huminto na rin sila Renz na nauuna sa amin at parang hindi sila makapaniwala. Bakit humihinto ang mga 'to? Sayang sa oras!
BINABASA MO ANG
The Yearbook
Mystery / ThrillerThirteen different names. Thirteen different descriptions. Thirteen different deaths. Only one killer.