Rizha
Muli kong pinunasan ang walang hintong mga luha habang pinapanood ko silang linisin ang katawan ni Dale. Kahit anong pagsabi nila na wala akong kasalanan, hindi ko pa rin mapigilan sisihin ang sarili ko. Kahit anong gawin ko eh bumabalik at bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Nakita ko ang pagpaslang sa kanya pero wala akong nagawa. Ni hindi ko man lang sinubukang kilalanin ang killer. Wala akong ginawa...
Ang bigat-bigat sa loob. It's depressing to lose someone you love, but it's way more depressing to know that you lost a loved one because of your own doing.
Tuloy-tuloy na naman na mga luha ang gumapang pababa sa aking mukha. God, I'll carry these regrets to my death bed. Kasalanan ko talaga 'to.
Nakita ko kung paano pilit itinatago ni Kaye ang pagpunas niya sa kanyang mga mata while she's cleaning Dale's body. Ganoon din si Ethan at si Renz na halata na sa mga mata ang pagkapagod sa lahat ng nangyayari. Hindi ko na napigilan nang napahagulgol na talaga ako. How in the hell did we end up like this? We just wanted a reunion, a vacation. That's all...
"Rish..." Leira called. Napatingin ako sa kanya. I did not even bother to wipe my tears away. Ilang beses ko na iyong ginawa pero wala namang nangyayari.
"Mas mabuti pa kung umakyat ka muna sa itaas. Magpahinga ka muna," she suggested na kaagad ko namang inilingan.
"No... Pare-pareho lang naman t-tayo. You are tired too. I-I can't just let you do all the work..." Sinubukan kong sabihin sa kabila ng aking pag-iyak.
"But you need it more... Kung ako ang nakakita ng nakita mo, hindi ko rin alam kung paano ko ihahandle. Please, rest..." Halata sa boses niya na pinipigilan niya rin ang kanyang pag-iyak.
"Leira..."
"P-please, Rish. Just do it for me, okay?" I can clearly see it. She is breaking down, too. We are all breaking down. The situation is slowly and emotionally killing every cell in our body...
It's as if we've turned into mere empty capsules.
A body without a soul.
Alive but also lifeless.I looked at her and exhaled, and the moment I did, it felt like I was releasing the remaining life within me. "O-okay."
Muli, pinunasan ko ang luha ko, tumalikod, at sinimulan ang pagpunta sa kwarto. Mabilis akong dumapa sa kama and let my thoughts fly with time. Kahit gaano na ako katagal na nakadapa, hindi ako makatulog. Hindi ako makapagpahinga. It's as if my mind itself is refusing to rest. If anything, this supossed-to-be rest just made my thoughts more restless. Kung ano-ano ang naiisip ko. May katapusan pa ba 'to... maibabalik ko ba ang oras... kaibigan ko ba talaga ang pumapatay... paano kung sinamahan ko si Dale... paano kung isinama niya si Ian...
Bigla akong napadilat nang mapadpad ang isipan ko kay Ian.
Si Ian...
Naramdaman ko naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nang maalalang hindi ko pa siya nakakausap pagkatapos noong nangyari kay Dale. Namuo ang kaba at takot sa aking sarili. The guilt is pressuring me and it's overwhelming. Dale is Ian's best friend, and it's my fault that Dale is gone. I killed his best friend...
Isipin ko pa lang ang nararamdaman ni Ian ngayon hindi ko na alam ang gagawin. Damn. I need to talk to him. Right. I need to see him. Kailangan kong humingi ng tawad kahit alam kong imposible iyon dahil walang kapatawaran ang ginawa ko. Hinayaan kong mamatay si Dale...
BINABASA MO ANG
The Yearbook
Mystery / ThrillerThirteen different names. Thirteen different descriptions. Thirteen different deaths. Only one killer.