Let Me ask you, Kei.

100 7 0
                                    

Mula ng araw na yun, walang time na hindi ako hinahatid ni Xian. Ilang linggo na nga rin eh. Mabuti nalang talaga, marunong syang maghintay. Lagi kasi akong Late. Pero syempre, lagi din akong nagpapasalamat sa kanya. Alangan namang, hindi ko sya pasalamatan eh andami na nyang naitulong sakin. Sya na nga rin ata nagawa ng assignments ko. HAHAHAHA. 

Canteen:

"Kei, may gagawin ka ba mamaya??" tanung nya habang nakain ng Fries

"Bukod sa.. um.. Sa Math assignment?? Wala na." sagot ko

"Ganun?? HAHAHHAHA! Sige sige! mamaya sumama ka sakin ah." 

"H-Ha?? san nman??" 

"Basta." 

Pagkatapos ng Dismissal, Nagpunta kami ni Ken sa isang Resto Bar sa Makati. Ano bang gagawin namin dito??

"Ehem! Bakit tayo nandito??" tanung ko 

"Ha?? Basta!" tapos nakita ko naman na parang natataranta sya.

Problema nito?? 

Umupo kami sa isang Seat doon. Wala masyadong tao kasi maaga pa. Ang alam ko lang, parang iilan lang yun tao sa loob. 

Maya, maya pa.. 

May nagpuntang performer dun sa Stage. Yun din yung mga kaibigan ni Xian. 

O______O

"This song is requested by Xian. Pare! suyuin mo pa!! Kulang pa!!" sigaw nung isa

"Oo nga!! Kulang pa!! HAHAHHAHA!" 

"Sira ulo!!" sigaw ni Xian na halatang nagbibiro lang din. 

Nagulat naman ako at tumayo si Xian at nagpunta din dun sa Stage. Hinawakan nya ang Mic at nagsalita. 

"This is my Last proposal to you Kei. Hahahha! Sana, maappreciate mo. I really like you.." 

Naghiyawan ang mga tao..

Nagumpisa yung kanta at nagulat ako sa narinig ko..

(NOW PLAYING: One And Only you BY Parokya)

Habang nakanta sya sa Stage, siya lang ang nakikita ko. 

Ang sweet nyang tingnan at nakatitig lang sya sakin. Anong gagawin ko?? >_____<

Itong Playboy na'to. pati ako kinakabahan sa ginagawa nya! 

Pagkatapos nyang tumugtog, nag-walk out ako. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako na parang ewan. Normal pa ba 'to? Hindi na ata. (=______=)

"Kei!! " tawag nya

Hindi ako lumingon.

"You feel it don;t you??!!" tanung nya. Lumingon ako sa kanya at halatang natatawa sya sakin.

"Anung na-feel??" sigaw ko din sa kanya. 20 steps kasi ang pagitan naming dalawa.

"This!" sabay turo sa heart

"H-H-Hindi ah!!!" sigaw ko at tuluyan nang umalis.

Nako Kei, buti nalang umalis ka dun. Nagiinit ang mukha ko eh. Nako nako nako!! Kailangan kong lumublob sa Bathtub. (-_________________-)

KINABUKASAN: 

"YIIIIEEEEEEEEE!!!!" Pang-aasar nina Jeremy. 

(-__________-)

"HAHAHHAHA! ONE AND ONLY YOUUUU!!!" --Eric

"Tch. YUN LANG E-EH." Sagot ko

"Yun lang daw!" sabay kiliti sakin ni Carisse sa Bewang

"Oo! Yun lang!" say ko

Grabe. Parang sila ang ginawan ng ganung bagay kung kiligin. Hindi naman ako kinikilig no?? Diba?? DIBA?!! 

(=___________=)

Nagulat nalang ako ng bago ako maka-balik sa room, nandun si Xian. 

"O-Oh?? B-Bakit nandito ka?? " seryosong tanung ko.

Ngumiti sya. "Kasi, Let Me ask you, Kei." say nya

"Ano yun??" 

"Grabe!! hanggang ngayon ba nililigawan parin sya??"

"Hindi ah! SILA NA!!"

"WHOAAA! Siya ang pinakamatagal ah!!" 

yan ang bulong bulungan. AY HINDI PALA BULONG. Sadyang pinaparinig nila. .____.

"Kei, this is your last chance yo define your feelings for me.. kinilig ka ba sa nakita mo kahapon??" say nya

"Ha/??? anung kahapon??" say ko

"Y-Yung kahapon!" 

"Ahh. Medyo." 

"Edi , tayo na??" 

"Ha? agad agad???"

"Kei, Sabihin mo lang na mahal mo na ako... o gusto mo na ako.. Please." halatang naging seryoso sya bigla. Ano bang nangyayari sa kanya?? 

"Pero.. hindi ko naman napi-feel yun eh. " 

Halatang nabigla sya sa sagot ko at dun na nagumpisang umalis.. 

Hindi ko naman talaga napi-feel eh... Siguro nga, sobrang init lang ng atmosphere sa bar kaya nainit ang mukha ko nun at siguro nasobrahan ako sa Cofee kaya, hindi mapakali ang puso ko. 

Hindi ba?? Yun lang yun?? 

* * *

Kung Alam Mo Lang KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon