Ilang araw ang naka lipas mula ng Accident na'yun, nabalitaan ko nalang na nag-transfer na si Xian. Hindi na sya nagpakita pa after nun. Then, few weeks pa ang lumipas, nag post ng status ang isa sa Subject teachers namin na mami-miss daw nya ang thoughtful na si Xian. Umalis na ito ng bansa for good at doon na sya mag-aaral.
Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko nun, especially after he disppeared na walang pasabi man lang, doon ko lang na-feel na parang may kulang. Ksama ko naman mga friends ko, pero parang may mali eh. May kulang..
One day... My friends and I accidentaly bump into his friend. And he told us na ako ang may kasalanan kumbakit umalis si Xian. Sinisisi din ako ng mga friends nya.
"Ano kamo?? Boy, nahihibang ka na ba? Bakit naman si Kei??" Tanung ni Vane na naka crossarms pa.
"Oo nga! Labo mo," say pa ni Karen.
"Huwag ka ngang mambintang dyan. Malay mo naman may emergency kaya dun nalang sya mag aaral! Pero huwag mong ma pin-point si Kei!" Habol ni Jamaica.
"Kung pumayag kang maging kayo," panimula nya."Edi sana nandito pa si Xian. Hindi naman nun gustong umalis eh!"
"Anung sinasabi mo?" tanung ko.
"Ang gusto lang ng parents ni Xian, ipa kita ni Xian yung First Love nya na dahilan nya para mag-stay dito sa Pinas. Kung pumayag ka nalang sana, edi nandito pa yung lalaking yun!" paliwanag nya.
"A-Ako?? F-F-First Love niya? Niloloko mo ba ko? Ano bang sinasabi mo kasi.. you know what? Wala akong maintindihan. " Aalis na sana kami pero nag salita ulit sya.
"Alam ng parents ni Xian na ikaw ang first love ng anak nila. Matagal ka na nyang gusto kaso... torpe sayo yun. Kahit gag* yun sa ibang babae, sayo parin naman ang bagsak nun. Ginagamit lang nya ang mga babae para matakluban ang kahihiyan na hindi ka nya malapitan nuon palang!"
"... Ikaw ang sinabi ni Xian na dahilan para mag stay sa Pinas. Pero... kahit ginawa na nya ang lahat at nagpaka alila sayo, okay lang sa kanya. Kahit nga mga Gimik namin tinanggihan nya para sayo. Tapos pinaasa mo lang pala sya? Grabe ka."
Inaaway na siya nina Carisse pero pinatigil ko sila. Sinasabi nina Karen na baka ginugulo lang nung lalaki ang isip ko para makunsenysa sa pagtanggi ko kay Xian. Pero kahit ano pang sabihin nila, bakit parang pakiramdam ko, totoo ang sinasabi niya??
Nagmukmok ako maghapon pagkatapos ng convo na yun. Kahit pagdating ko sa bahay, sobrang bigat ng nararamdaman ko. Then, nakita ko sa cabinet ang Love Letter ni Xian na ibinigay sakin.
Umupo ako sa kama habang may unan sa Lap. Inumpisahan ko nang basahin ang letter...
Dear Kei,
Ako yung lalaking hindi mo aakalaing seryoso. Bukod sa alam kong tingin mo sakin, madaming babae at hindi naging seryoso sa babae, alam kong hindi mo ko magugustuhan. Gusto ko na nga lang iwasan ka gaya ng ginagawa mo sakin ngayon pero, hindi ko magawa. Unang kita ko palang sayo nung first day of school, lagi na kitang inaabangan sa Cafeteria kung saan kayo natambay ng mga kaibigan mo. Lalo pa nung naging kaklase kita. Sobrang saya ko nun dahil tinupad ng Tita ko na Director ng school ang wish ko sa kanya. Na maging kaklase kita bago kami mag migrate sa States 2 years from now. Kailanga kasi eh, pero willing ako magpaiwan sa Pinas kapag naging tayo na. Gagawin ko ang lahat para sayo,, kaya liligawan kita kapag nagkalakas nako ng loob.
BINABASA MO ANG
Kung Alam Mo Lang Kaya
HumorAnong gagawin mo kung ang Happiness na gusto mo ay nasa tabi mo na pala PERO pinakawalan mo pa?? Ngayong nawala na siya ng tuluyan.. Magkakaroon ka parin ba ng Happiness?? Makakahanap pa kaya ikaw KUNG siya parin ang hinahanap-hanap mo??