* Mr. Raindrop falling away from me now……… *
* You know how much you mean to me now *
* Why must you leave *
(Sa hindi po nakakakilala sa kantang yan, ending theme po yan ng anime na Gintama.. hehehe yan lang nagustuhan ko sa anime na yon.. yun lang po... ciao ciao)
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Hindi ba kayo pamilyar sa ringtone ng cellphone ko? Ending theme po yan ng Gintama ... hehe ang cute po niyan promise. .. kinuha ko na ang cellphone ko at sinagot ito ng medyo half sleep pa.
“Hello?” walang buhay kong sagot.
“Good morning my loves ^__^” masiglang bati sakin ng nasa kabilang linya.
“Anon a naman ba ito ngayon, Cha? Alam mo naman na natutulog pa ako sa mga oras na ito.”
“Eto naman, hindi ba pwedeng tumawag sayo ang GIRLFRIEND mo para batiin ka at ipaalala na may DATE po tayo ngayon”
Talagang nilakasan niya ang pagsasabi ng salitang girlfriend at date.
“May sumusunod na naman ba sayo ngayon?”
Kapag tumatawag ito ng ganito at pinagdidiinan ang salitang girlfriend eh may stalker na naman siya.
“OO nga eh, ang kulit talaga ng isang ito. Ilang beses ko na ngang sinabi na may boyfriend na ako ayaw pa rin akong tigilan. Nakakairita na kaya please tulungan mo ko, last na talaga to.” Mahina at nagmamakaawa niyang sabi.
“Hay naku, kung di lang talaga kita bestfriend at love …… haaayyy.. nasan kaba ngayon?”
“Magkita na lang tayo sa WOF.. I LOVE YOU!!! ” masigla niyang wika sa kabilang linya.
“OO na, sige hintayin mo na lang ako doon”
“Okay bye.. Ingat my love ^__^”
Binaba ko na ang cellphone ko at naghanda na para pumuntang mall at para sa pagtulong sa aking beloved bestfriend Charice. Hinanda ko na ang aking wig at ang beloved cap. Nagmadali na akong pumuntang mall baka mapano ang bestfriend ko… at habang nasa biyahe ako magpapakilala muna ako… ehem ehem , … ako nga pala si Gien Ice Olayres. Siguro nagtataka kayo kung bakit kailangan kong magwig ano. Ang totoo kase niyan, magpapanggap akong boyfriend ng bestfriend ko para mapalayas ang stalker niya na sure akong si Sam na naman yun. Sa ngayon pala eh nagbabakasyon ako.
Okay, andito na tayo sa mall. Tinawagan ko si Cha, after ilang ring..
“Hello” sagot niya at medyo maingay sa lugar niya at may kumakanta pa.
“Nandito na ko, san part ka ng WOF?”
“OO, Dalian mo!!”
“okay bye.” Binaba ko na ang cp ko.
Nang makarating ako sa WOF agad ko rin siyang nakita at nung papalapit na ko sa kanya at nung napansin niya ako agad siyang lumapit sakin at niyakap ang kaliwa kong braso.
“Oh, anong nangyari sayo?” nabigla ako dun ah.. bigla pa naman akong yakapin.
“CHA, I LOVE YOU!!!!” sigaw nung lalaking may hawak ng microphone. Si Sam. Kaya naman pala.
“Tara na, alis na tayo dito” utos ni Cha sabay hila sakin paalis doon.
Nang medyo nakalayo na kami…………
“Nakakahiya yong ginawa niya, naalala ko tuloy yung ex ko..” galit niyang wika habang naglalakad kami.
“Hahahaha!!! Pero aminin nakakakilig din yong ginawa niya” pagbibiro ko