CHAPTER 2 "GOING BACK HOME" Part 1

8 0 0
                                    

CHAPTER 2 “GOING BACK HOME”

Part 1

*GON’S POV*

Hi guys, ako nga pala si Gian Gon Olayres. At yeah, ako ang kakambal ni Gien Ice. At ngayon andito ako sa bus at bumabyahe papunta sa bahay namin sa probinsya. Sana hindi pa ako huli.

“Para po!!”

Bumaba na ako sa bus at naglakad na papunta sa bahay pero bigla akong napatago sa likod ng poste ng Makita ko ang papatigil na itim na kotse sa harap ng bahay. Bumaba ang isang lalaking mga kasing edad ko lang. Tinanggal ng lalaki ang shade niya at doon ko alng siya nakilala, si Celfrion, ang utusan ni papa at ang bantay ni Gien. Mukhang huli na ako, dapat pala mas inagahan ko pa ang pagpunta dito. NAKAKAINIS. PAANO NA YAN, GIEN.

*GIEN’S POV*

“DING DONG” “DI-DI-DING DONG”

*yawn* minulat kona ang mga mata ko at tumayo na para buksan ang gate. Grabe inaantok pa talaga ako.

“DING DONG” “DI-DI-DING DONG”

“ANJAN NA”

Nakakainis naman oh, parang ngayon lang nakapindot ng door bell, wagas kung makapindot eh. Pagkabukas ko ng pinto, doorbell pa rin siya ng doorbell kaya pagalit kong binuksan ang gate.

“NGAYON KA LANG BA NAKAPINDOT NG DOORBELL HA”

“Ha! Pa-Pasensya kna. Alam ko kaseng tulog ka pa sa mga oras na ito kaya-”

“Alam mo naman pala eh. Teka, Anong ginagawa mo dito???”

“Ha? Ah-eh, pinapasundo ka ng director”

“Di mo naman kailangan pang pumunta rito para sunduin ako, uuwi rin naman ako. Wala ba siyang- ay oo nga pala, wala naman talaga siya sa aking tiwala” malumbay kong sabi habang papasok ako ng bahay, sumusunod naman siya sa akin.

“Feel at home. Maghahanda lang ako sandali”

Iniwan ko na siya sa sala at pumasok na ako sa kwarto ko para maghanda na. Habang nag-liligpit ako ng mga gamit ko ay bigla kong nasagi ang picture frame ko sa may bed side table ko. Buti hindi nabasag. Pinulot koi to at pinagmasdan. Picture namin yon nina mama, Gon, at isa pang batang lalaki. Nakalimutan ko na pangalan niya, basta ang tanda ko isa siya sa mga kaibigan namin ni Gon noon. Hayyy, bigla ko na naman naalala ang nakaraan kung saan buhay pa si mama.

*GON’S POV*

Mukhang wala pang kaalam alam si Gien na mga nangyayari. Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial, pagkasagot na pagkasagot niya..

“HOY TANDA! ANO NAMAN BALAK MO KAY GIEN AT TALAGANG PINASUNDO MO PA KAY RIO. WAG MO NA SIYANG IDAMAY DITO.”

“Umalis ka kaya siya ang ipapalit ko sayo. Tinupad ko naman ang kahilingan mo ah”

“Anong tinupad ang pinagsasabi mo jan? diba sabi ko kaming dalawa, bat ako lang??”

“Sumusobra na ata kung kayong dalawa ang palalayain ko, paano naman ako diba.”

“Hayaan mo na si Gien ditto, kung g-gusto mo babalik ako jan. pabayaan mo lang si Gien at isa pa diba ako naman talaga ang kailangan mo dahil ako naman talaga ang tagapagmana dahil ako ang lalaki”

“Tsk Tsk Tsk hindi na pwede ang sinasabi mo. Kahit ikaw pa ang tagapagmana at ang lalaki, hindi na kita matatanggap pa sa pamilya ko. Diba sabi ko sayo kapag lumabas ka ng pintuan ng bahay ay hindi kana maaari pang bumalik dahil wala kanang babalikan pa.”

“Kapag may ginawa kang hindi maganda sa kapatid ko Tanda, humanda ka talaga sa akin.”

“whooo…. Nakakatakot… at ano naman sa tingin mo ang magagawa ng isang tulad mo ha?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon