Chapter # 2

504 15 4
                                    

Chapter 2: Audition

“Next!”

Pang dalawampu’t pito na yatang sabi ng manager ng The Ellipsis na si Miss Lily Yllana. Wala kasi syang mapili sa mga babaeng nag-audition.

Yung iba maganda na sana na eh. Kung hindi lang pangit. Haha. Ang corny ko talaga, tawa nalang rin kayo.

“Miss Sabrina Garcia?”

Hindi kasi ganito yun. Yung iba talaga maganda na yung boses nila. Ang kaso sumemplang lang sa mukha. Paano kase ang kapal kapal ng make-up. Lagpas lagpas pa yung lipstick, nagmukha tuloy’ng clown. Haler ‘teh? Audition po ito hindi Children’s Party. Wahaha!

“Miss Sabrina Garcia? Sino sa inyo si Miss Sabrina Garcia?”

May tumatawag ba sakin? Tinignan ko yung number ko #268. Malayo pa ‘to baka guni-guni ko lang. Masyado akong excited eh. Hahaha.

So anyways, yung iba naman ang ganda nga ang pangit naman ng boses! Yung tipong parang nagpapacute lang. May isa nga eh, mukha syang model! Ang ganda nya sobra, pero mas maganda parin ako syempre. Wahahaha! ‘This Girl Is On Fire’ yung kinanta nya. Maganda na sana nung simula eh kaso pagdating sa chorus, ayun pumiyok. Nagtawanan tuloy yung ibang mag a-audition, kasama na ako dun. He he he.

“Last call! Miss Sabrina Garcia!!!”

“Ay! Miss Sabrina! A-ako po yun! Hehe. Sensya di ko po narinig. Ako na po ba?” tanong ko dun sa may hawak ata ng mga pangalan ng mag a-audition. Napasarap ata kwento ko, lasang chocolate. Hahahaha!

“Sa tingin mo ba tatawagin kita kung hindi pa ikaw yung mag a-audition?” ay ang taray ni Ate. Meron yata ‘to ngayon. Wahaha!

Nginitian ko nalang sya at dumiretso na sa mini-stage kung saan kakanta alangan naman sumayaw? Mag be-break dance ako dito eh girl vocalist nga kailangan. Ay nako, nababaliw na nga siguro ako, pati sarili ko kinakausap ko na.

Tinignan ko yung judges. Ayun! Si Aiden my loves so sweet. Hihi.

Nginitian ako ng ibang judges na sina Ethan, Elijah at si Miss Lily. Pero si Aiden nakatingin lang sakin. Ay, ang sungit.

Binalewala ko nalang yun at inayos yung microphone ko. Dinasalan ko na rin muna. Pero joke lang yun. Baka mamaya sa Mental Hospital na nila ako dalhin hindi pa kami kinakasal ni Aiden my loves. Libre lang naman mangarap. Haha.

Nagsimula na akong kumanta...

"I miss those blue eyes 

How you kiss me at night 

I miss the way we sleep"

Tinignan ko sila... nakikinig lang sila sakin. Pumikit ako at dinama ang kanta.

"Like there's no sunrise 

Like the taste of your smile 

I miss the way we breathe 

But I never told you 

What I should have said 

No, I never told you 

I just held it in"

Ba't parang tumahimik? Umalis na ba sila? Ay ewan. Bahala sila. Pipikit lang ako dito at dadamhin itong kinakanta ko. Baka mamaya mapiyok pa ako, tawanan pa nila ko. Huhu. Ay wala nga pala sila so kerbels lang.

"And now, 

I miss everything about you 

Can't believe that I still want you 

and after all the things we've been through 

I miss everything about you 

Without you..."

Tinapos ko na yung kanta.

Minulat ko na rin ang mga mata ko.

Nagulat nalang ako ng biglang tumayo ang mga judges, kasama nadun si Aiden my loves so sweet, at pumalakpak.

Ohmygahd. Grabe. Naiiyak ako. Tanggap ba ako? Waah! 

"Sa wakas! Ikaw lang pala hinahanap namin! Welcome to the band, Miss Sabrina Garcia..."

( a/n: Yung kinanta ni Sabrina --> )

A Fangirl's Camera [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon